CHAPTER TWENTY-FOUR
<Terrence’s POV>
Almost one month nang nakatira si Gwen dito. Sobrang saya ko, kahit di niya alam na siya reason. Ikaw ba naman parati mong nakikita ang taong nagpapasaya sa’yo. Sabay kaming pumapasok, ‘yun nga lang kelangan niyang bumaba kahit medyo malayo pa sa office. Sabi niya kasi baka daw maisip ng iba na sa isang bahay kami nakatira. Eh, wala naman akong pakialam dun. Sabay kaming umuuwi, pero sa pag-uwi hindi na ako pumayag na magcommute lang siya. Sabi ko pwede naman naming sabihin na hinahatid ko lang siya. Bahala na sila. Minsan din, nagluluto siya ng dinner namin. Gaya ngayon..
“Gwen..?” Nakatalikod siya sa akin. Nagluluto kasi siya eh. Gusto ko ngang yakapin siya mula sa likod. Pinipigilan ko lang talaga sarili ko.
“Hmmm?”
Mahal na ata kita. As if sasabihin ko. Ayokong masira kung anong meron kami. Kung malaman ko lang na may gusto rin siya sa akin, kahit konti lang.. aaminin ko na talaga sa kanya. “Matagal pa ba yan?”
Lumapit siya. May hawak na kutsara. Binoblow niya. “Mmm. Tikman mo.” Sinubuan niya ako. Haha. Para lang kaming mag-asawa.
“So?” tanong niya.
“Okay na yan.”
“Okay as in, ‘okay masarap’ o okay as in ‘okay na lang’?”
“Masarap. But it really doesn’t matter, alam mo naman kahit masarap ‘yan o hindi.. basta ikaw ang nagluto, kakainin ko yan.” Bigla siyang namula. Nagblush ba talaga siya? Bigla siyang tumalikod.
“Alam ko. Kasi kung hindi mo kakainin, magugutom ka lang.” I need to confirm kung nagblush ba talaga siya. Lumapit ako sa kanya, nakasandal ako sa counter, sa tabi kung saan siya nagluluto. Di ko makita ang mukha niya. Nakayuko kasi siya. Tinatakpan kasi ng buhok niya ang mukha niya.
Continue lang siya sa paghahalo ng niluluto niya. Hahawiin ko sana ang buhok niya ng biglang.. “Ack..!” sigaw niya. “Ouch…” Mukhang napaso siya. Pinatay ko muna ‘yung stove.
Kinuha ko ‘yung kamay niya tapos hinila siya sa may lababo. “There.” Nilagay ko ‘yung hand niya sa cold water. Hawak hawak ko ‘yung kamay niya. Napansin ko na nakatingin siya sa mga kamay namin. Tapos bigla naglock ang eyes namin. She’s blushing, I can tell that. But in her eyes, I can see that she’s scared and something else. But why is she scared?
Binitiwan ko ang kamay niya. “Uhm, I’ll just get some ointment.” Umalis muna ako para kunin ang first aid kit.
<Gwen’s POV>
Bigla niyang binitiwan niya ang kamay ko. “Uhm, I’ll just get some ointment.” Sabi niya. Tapos umalis na siya.
Argh! Pwede umiyak? Gwen? What did you just do? Bakit mo pa kasi siya tiningnan? Obvious ba sa mga mata ko na gusto ko siya? Kaya niya ba binitiwan ang kamay ko? :c
Okay lang yan, Gwen. Ok lang yan.
Bumalik na siya. Dala-dala niya ‘yung first aid kit. Napansin niya kaya?
“Hold your hand up.” Utos niya.
<Terrence’s POV>
“Hold your hand up.” Utos ko sa kanya. Tinaas niya ‘yung kamay niya na napaso. Was that really fear I saw in her eyes? Nakatingin lang siya sa kamay niya na may paso.
Inapply ko na ‘yung ointment sa paso niya. I tried not to touch her as much as possible. Kaya nga ipinataas ko na lang ang hand niya. Kung ako lang ang masusunod, I want to hold her hand.. but I can’t forget her eyes. Kung alam ko lang kung ano pa ‘yung sinasabi ng eyes niya aside sa fear, may be, I’ll have answer then, it wont be this awkward right now.
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomansaWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3