CHAPTER TWENTY-NINE

34 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

<Gwen’s POV>

“Awww. Terrence.  How’d you know I want to go here?”

“I don’t know. It’s just a guess.” Di niya alam?

“Si papa kasi dati, ang busy niya so he don’t have the time to take me here.”

Pumunta siya sa harap ko. “Nalulungot ka ba?” Tanong niya.

“Nope. Walang dapat ikalungkot.” Sabi ko sa kanya. Di ako malulungkot lalo pa’t andito kami sa isang themed park.

“Good. So anong gusto mong gawin?”

“Horror house.” Haha. Matatakutin ako, pero gusto ko matakot.

“Sure? Di ka ba matatakot?”

“Matatakot. Sobra. Kaya wag mo akong bitiwan, okay?” Haha. Natatawa ako sa pinagsasabi ko. Nagiging cheesy na ako.

“Of course, baby Gwen.” Awww. I love it.

******

<Terrence’s POV>

“Hahaha. Grabe, kala ko naman di ka na matatakot dahil andun ako.”

“Hmp! Wala kaya akong sinabi na hindi ako matatakot.”

“Feeling ko mabibingi na ako sa kakasigaw mo.” Biro ko sa kanya.

“Tss. Wag ka nga magreklamo. Mas nag-enjoy ka pa nga sa akin eh.” Haha. Correct. Nag-enjoy ako. Paano naman ako di mag-eenjoy, kung sa tuwing magugulat at matatakot siya eh, niyayakap niya ako. Ha! I’m not a pervert, okay? I just long physical touches with her. Don’t get me wrong. Hahaha.

“So, ready for the rides?” tanong ko sa kanya.

“Yep. ”

Sumakay kami sa iba’t ibang rides. Haha. Di pala siya matatakutin sa heights, sa multo lang. Hahaha.

“Gusto mo kumain?” tanong ko sa kanya.

“Ice cream. Chocolate ice cream.”

“’Yun lang?” Di ba siya nagutom sa pinaggagawa namin?

“Fries?” Sabi niya.

“Alright. Wait here.”

Umalis na ako para bumili ng food namin. Medyo ang haba ng pila.

******

<Gwen’s POV>

Ang daming tao. Mukhang masaya pa silang lahat.

“Daddy.. daddy!!” Sigaw nung bata. “Ibili mo ako ng cotton candy.. sige na, daddy.. please.”

“Sige, sige. Wag ka ng makulit. Halika na.” Hinawakan ng papa niya ‘yung kamay niya. Awww. Ang cute naman nila.

“Naiinggit ka ba sa kanila?” Nakakagulat naman ‘tong si Terrence. Iniabot niya sa akin ‘yung ice cream ko sa cone. Paano niya nalaman na mas gusto ko sa cone kaysa sa plastic cups?

“Hindi noh.” Hinawakan ko ‘yung kamay niya. Itinaas ko at pinakita sa kanya. “Meron naman akong kaholding hands dito eh.” Ngumiti siya.

“Are you, miss Gweneth, flirting with me?” Flirting? Inappropriate word.

“Nope, sir. Just being sweet.” Bakit? Masama bang maging sweet sa kanya? Eh, habang tumatagal kaming magkasama, mas naiinlove ako sa kanya kaya living with him is a risk for me. Masyado ko siyang mahal. Gets niyo bakit risk siya? You know.. a man and a woman, living together? Gets niyo na yan.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon