CHAPTER EIGHT
<Terrence’s POV>
“Salamat sa paghatid.” Sabi niya pagkababa niya ng car. Hinatid ko kasi siya after namin mag-usap.
“No probs.” :) Paalis na sana ako.
“Terrence..” Well, that sounds good. :D
“Yes?”
“Salamat sa pakikinig.” Ngumiti siya. That one is genuine.
“Anytime.” At umalis na ako.
******
♪♫ “Minamasdan kita.. nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin..”
“Mapupulang labi at matinkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit. Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik..” ♪♫
Matagal-tagal na din akong di nakakapag-gitara. Nakakamiss ding kumanta at i-strum ‘tong gitara.
“Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil...” ♪♫
“Para lang sayo ang awit ng aking puso..” ♪♫
♪♫ “Sana'y mapansin mo rin ng lihim kong pagtingin.”
Hayy. Paano niya naman ako mapapansin kung may iba na siyang gusto. Ibinababa ko ang gitara at nahiga na lang sa bed ko.
*flashback*
“Gwen.. kahit di pa tayo matagal na magkakilala, you know you can tell me anything. I’ll be your friend if you need one.”
Tinitigan niya lang ako. Nag-iisip na naman siya. Ganito kasi siya pag nag-iisip eh.
Huminga siya ng malalim. “Alright.”
“Good. Spill the beans.”
“Na-inlove ka na ba?” Nabigla naman ako sa tanong niya. Bakit niya naman kaya natanong? Nabibisto na niya kaya ako?
“I mean, siguro kung hindi inlove, nagkagusto ka na ba sa isang tao?” dagdag niya.
Kalma lang Terrence. “Well, of course. Kahit naman sino diba?”
“I mean, ang gusto ko talagang malaman.. ahhh. Kasi... ” Ang gulo niya naman. Bakit di niya pa kasi sabihin. Paikot-ikot pa eh.
“Hey, hey.. Just spill it out.”
“Nagkagusto ka na ba sa isang taong di mo dapat magustuhan?” ang bilis naman ng pagkakasabi niya. Napa- “Ha?” tuloy ako.
“Sabi ko.. kung - ”
“Oo. Narinig kita.” Pagpuputol ko sa pagsasalita niya.
“Bakit ba di mo siya pwedeng magustuhan?” Iniisip ba niya na dahil boss niya ako, eh di na pwede? Feeler man ako.
“Paano kung magkapatid kayo? I mean, di naman talaga kami magkapatid..” Di na ‘kayo’ ang gamit niya. ‘Kami’ na. Mukhang affected talaga siya.
Wait.. what?! So ibang tao ang tinutukoy niya. Aray ko naman!
“Ewan ko ba. Naguguluhan lang talaga ako. Naman kasi.. bakit ba kasi pasok siya ng pasok sa kwarto tapos di pa kumakatok. Tapos ang bait bait pa niya sa akin..”
So may nagugustuhan siyang iba?
“Kapatid lang naman talaga ang turing ko sa kanya pero.. bigla na lang parang nag-iba ‘yun. Aii, ewan ko.”
“Hui! Terrence! Mukhang di ka naman nakikinig eh.” Actually, di ko nga narinig ‘yung iba niyang sinabi.
“Ha? Hindi. Nakikinig ako.”
“So?” So? Ano bang gusto niyang sabihin ko? >.< Di naman ako makapag-isip.
“Ahhh.. ehemm. Baka naguguluhan ka lang.”
“Tingin mo?”
“Hmmm. Pero wala naman atang masama sa nararamdaman mo. Gaya nga ng sabi mo di kayo magkapatid. ‘Yun lang ang turing niyo sa isa’t-isa.”
Parang nalungkot siya sa sinabi ko.
“’Yun nga eh. ‘Yun ang turing ko sa kanya.. DATI? Or siguro hanggang ngayon. Ewan! Pero siguro siya, ‘yun pa rin ang turing niya sa akin. Hanggang ngayon.”
Kung titingnan ko kung paano siya nalulungkot, masasabi kong gusto niya nga ‘yung lalaking sinasabi niya.
*end of flashback*
Hayyy. Dapat kasi bago ko siya nagustuhan, eh inalam ko muna kung may nagugustuhan siyang iba.
Itutulog ko na lang nga ito.
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomanceWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3