CHAPTER SIX

38 0 0
                                    

CHAPTER SIX

<Gwen’s POV>

“Thank you sa paghatid.” Di ako makatingin sa kanya. Ang awkward kaya.

“Di mo na kelangan magthank you. Pwede na ‘yung simpleng ngiti.”

Ano daw???

“Gwen..” At bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko.

*lubdub lubdub lubdub*

May sakit ba ako sa puso? Mukhang kelangan ko na magpacheck sa doctor. T.T

“Bakit ba di mo ako tinitingnan?” tanong niya.

“Huh?” napatingin ako sa kanya sa bigla ko sa tanong niya.

“Di ka lang pala masungit. Bingi ka din pala.” Sira-ulo to ah. Gusto niya ba ng gulo? Pangiti-ngiti pa.

Wala naman akong masabi. Iiiish!

“Ayan! Nakangiti ka na din. Sige, alis na ako. Bye, miss Sungit.”

What is the meaning of this? Nakangiti ako? Di ko man lang namalayan. Medyo nakakahawa kasi siguro ang ngiti niya.

******

Hai. What a weird day. Pero mas weird pa rin ‘yung boss ko. Lakas ng tama eh!

“Gwenny!” Makapasok naman tong si Billy kala mo lalaki din ako eh. Paano na lang kung nakahubad ako. Naku! Masusuntok ko na to eh. Kahit magkapatid turing namin sa isa’t isa, eh di naman talaga kami magkapatid. Kahit sa batas man lang sana.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na kumatok muna, ha?!” Pagalit na tanong ko.

“Sus! Di na yan kelangan. May itatanong ako.”

“Anong di kelangan? Paano kung nagbibihis pa lang ako?” Hai. Isa pa tong pasaway na to. Nakakainit ng dugo.

“AHAHA! As if naman may makikita ako. Sus! Hahahaha.” Bwisit to ah.

“Gusto mo ng sapak?!” Tawa pa rin siya ng tawa.

“Tumigil ka na nga sa kakatawa! Maiinis na talaga ako.” >.<

Pinipilit niyang pigilin ang tawa. “So..rry. haha. Eto-ha-ha titigil na.”

“So ano na tanong mo?” Bored ang boses ko. Naiinis ako sa kanya eh.

“May naghatid daw sa’yo kanina?”

“Eh ano naman?” Bored pa rin ang boses ko. Tapos kunwaring nililinis ang kuko ko.

“Anong klaseng sagot yan?!” Bakit ka nagagalit? Che!

“Boss ko ‘yun.” Tumayo ako at lalabas na sa pinto.

“Babe, kain na tayo. Gutom na ako.” Yaya ko sa kanya. Change topic. Haha.

Tumalikod na ako. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Nakaharap na ako sa kanya. Nakatingin siya sa floor.

“Babe?” Sabay taas ko sa chin niya para nakatingin siya sa akin.

OMG! Wrong move! >.< Ang lapit naman ata ng mga mukha namin. Nagkatinginan kami. Ang bilis naman ata pulse ko. Gwen! Relax. Wala tong malisya. Oh my. Di ako makapagsalita.

“Sorry.” Bigla niyang binitiwan ang braso ko at umatras.

Pinilit kong sumagot. “Ok lang, babe.” Kalma lang Gwen. “May itatanong ka pa ba?” Sabay ngiti. Naku. I’m sure. Nag-eexaggerate na naman ang imagination ko.

“Uhm.. gusto mo ba siya?” Ok. Mukhang balik na siya sa dating siya.

“Sinong siya?” Ano ba pinag-uusapan namin kanina? Di ako makapagconcentrate.

“’Yung boss mo!”

“Haha! Sira ka ba? Di ko ‘yun magugustuhan. Napakaewan kaya nun!” Haha. Joke talaga to si Billy. Nakadrugs siguro to. Hahahaha. He’s so funny! Hahaha. :))))

“Haha. Ganun ba? Ok. Sige, kain na tayo.” Nakikitawa na din siya sa akin. May topak lang eh, noh? Pero seryoso, ang bilis ng tibok ng puso ko.. hanggang ngayon.

<Terrence’s POV>

One week later

“Mia..” Itatanong ko ba or hindi?

“Ano po ‘yun, sir?”

“Is there a way to.. uhmm, you know...” Hay. Wala naman sigurong masama sa itatanong ko diba?

Tinaas niya ang dalawang kilay niya. Parang nagtatanong kung ano ‘yung sasabihin ko.

“..ahh, can I make someone who’s still a trainee into my assistant?” wew!

“Well.. I think she’ll be a permanent employee here after a week. After that, we can hire her as your PA.” Wag mong sabihing alam niya?

“What?” sana naman hindi.

“Miss Gweneth. You’re talking about her, right sir?” WHAT? How did she know that?

“It’s quite obvious, for me. Hindi ko alam kung napapansin din ‘yun ng iba.” Sagot niya na parang nabasa niya yung nasa isip ko. Psychic ba to?

“You always ask for her to do some errands. Siguro sa iba, iniisip nila na pinapahirapan mo siya pero napapansin ko kasi kung pano mo siya tingnan.” Patuloy niya.

“Nakita na kita nung bata ka pa, kaya masasabi ko na nakilala din naman kita.” Ngumiti siya.

“And what do you think?” tanong ko. Di ko alam kung anong tinatanong ko o bakit tinatanong ko pa to. Eh alam ko naman ang sagot. Hayyy.

“You like her.” Ngumiti siya ulit.

“Don’t worry, sir. I think di niya ‘yun napapansin. Medyo hardcore kasi ‘yun.”

“HAYYYYY ~ !” napabuntong-hininga na lang ako.

Then I smiled at her. “Thank you, Mia. Then you know what to do after a week.”

She nods.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon