CHAPTER FIVE

45 0 0
                                    

CHAPTER FIVE

<Terrence’s POV>

It’s almost a week now nung nagstart akong magwork dito sa company. I’m starting to get used to all these business activities. Pero hindi pa rin ako sanay na sinusungitan ni miss sungit. Hindi lang siguro talaga ako sanay na hindi mabait sa akin ang mga tao. Simula kasi nung bata ako, kahit ang iba sa kanila napipilitan lang makipagkaibigan sa akin, eh hindi naman nila ako tinatarayan, lalo na ng mga babae. Hai. Kakaiba talaga siya.

May kumatok sa door. “Sir?” Si miss sungit. Sumilip siya sa may pinto.

“Come in.”

“Sir. Here are the files na pina-encode niyo. Already printed.” Dire-diretso lang siya sa pagsasalita. Nakatingin lang siya sa mga files na hawak niya.

“Okay. Thank you. Just put it on my table.” Tinititigan ko lang siya. Pero di talaga siya nakatingin.

“May kelangan pa po ba kayo, sir?”

“Yes. Just a little favor.” Ano ba problema ng babaeng to? Nakatingin lang siya sa table.

“Pwede mo ba akong bigyan ng kahit konting pagtingin?” Kung may problema tong babaeng to, mukhang mas malaki ata ang problema ko. Parang ang korni naman ata nung sinabi ko.

“What?!” Okay. Mukhang nagalit. Pero at least, tumingin siya. :)

“Good. That’s better.” Tinitingnan niya ako na parang di niya naintindihan ang sinabi ko.

“You may go now, miss Sungit.” Tumango lang siya at lumabas ng office ko. Feeling ko nasisiraan na nga ako.

<Gwen’s POV>

“Haiiiiiiiiiii..”

“Gweneth? May problema ka ba? Ang lalim naman ata ng buntong-hininga mo.”

“Ma’am Mia? May itatanong lang po ako ha. Sana wag po kayong mag-isip ng masama.”

“Ok. Go.”

“Biniro  na  po ba kayo ni sir Morris?”

“Biro? Oo. Nung bata pa siya. Bakit mo naman natanong?”

“Ahhh. Wala naman. Natanong ko lang.” Sira ulo talaga nun. Baka naman iba lang ang narinig ko. Tama. Iba talaga narinig ko. Minsan kasi naghahallucinate ako eh at kung anu-anong bagay ang naririnig ko.

******

“Miss Sungit.” Ayan. Naghahallucinate na naman ako. Hai. Sayang. Di ako nakapagcomment nung tinawag niya akong miss sungit. Akala niya di ko ‘yun narinig! Hmmp! Asar.

“Hello, miss Sungit.” Biglang may umakbay sa akin. Syempre dahil nagulat ako eh nakagat ko ung kamay na nasa balikat ko.

“Araaaaay! Bakit ka ba nangangagat?!” Sigaw niya sa akin habang hawak-hawak niya yung kamay niya.

“Sir? Naku po. Sorry. Di ko po sinasadya.” Naku Lord, lagot na naman ako neto. T.T Bakit ba kasi siya nang-aakbay?

“Ganyan ka ba talaga? Bigla na lang nangangagat?” Sinisisi niya ba ako?

“Eh kasi.. Bakit po ba kayo nang-aakbay? Ganyan po ba talaga kayo?” Haha. Time to reverse the situation.

“Malay ko ba na mahilig ka pala kumain ng tao. Hahaha.” HA!! Sira-ulo. Tawa-tawa ka pa dyan. Bwisit talaga.

Dahil tawa pa rin siya ng tawa eh, nagwalk-out na ako. Nakakabaliw lang. Ang ewan niya.

<Terrence’s POV>

At nagwalk-out talaga siya ah. Wag mo sabihing galit na naman siya? Hay. Talaga naman.

“Sungit..” Aba. Deadma ah.

“Miss Sungit!” Di niya talaga ako pinapansin. Ang hirap naman kausapin ng babaeng to.

“Miss Gweneth!” Sa wakas lumingon din siya.

“Sir. Bakit po ba ninyo ako kinukulit?”

“Eh bakit mo ba ako laging tinatarayan?” Tinaasan niya na naman ako ng kilay.

“Ako? Excuse me. At kelan ko pa yan ginawa?” Is she serious? Di niya alam?

“You just did. At parati ka na lang galit. Nung una tayong nagkita. At tuwing nagkikita tayo.”

Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa akin. Ano kayang iniisip niya? Hmmm. Ang ganda talaga ng mata niya. Alam ko na kung anong meron sa mata niya. It’s a clear brown color. Parang salamin. Parang nababasa niya ang nasa isip ko.

“Ahm, sir. Sorry po. Siguro dahil bad timing ang first meeting natin kaya po ganun.” Ngumiti siya. ‘Yung ngiting humuhingi ng sorry.

“Then, maybe we should meet in a different way.”

“Ha? Paano?”

“Well..” Huminga ako ng malalim. Inabaot ang kamay ko sa kanya.

“Hi. I’m Terrence Morris. Just call me Terrence.”

Inabot niya ang kamay ko. Then she smiled. “I’m Gweneth Sanchez. You can call me Gwen.”

Hindi ko alam. Pero parang ayoko ng bitiwan ang kamay niya sa mga oras na ‘yun. Gusto kong hawakan ang mga kamay niya ng matagal.

Ibang-iba talaga siya sa mga babaeng nakita ko. Ang ganda ng buhok niya. It’s a simple long black hair. Parang ang sarap hawakan. Walang arte. Di tulad ng ibang babae na may kulay ang buhok.

“Sir?” Bumalik ako sa reality.

“Terrence..” sabi ko sa kanya. “You can call me Terrence pag tayong dalawa lang.”

“Pero, sir.” Tumingin lang ako sa kanya. “I mean, ahm, Terrence.”

“Good. Saan ka nakatira? Ihahatid na kita.” Hinablot ko ang kamay niya at hinila siya.

“Aii. Di na po kelangan. Kaya ko namang umuwi mag-isa.”

“Drop the po and opo, okay? And di ko naman sinabi na di mo kayang umuwi mag-isa. Gusto lang kitang ihatid.”

“Pero..”

“Wala ng pero pero. Sakay.” Binuksan ko ang pinto ng sasakyan sa harap para sa kanya. Napagod na siguro siya at umupo na lang.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon