CHAPTER TWENTY-THREE

30 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

<Terrence’s POV>

“Where is she?” ‘Yan. Pinaalis mo siya tapos hahanapin mo siya ngayon.

“I know.. sumobra ako.” Buti alam mo. So, ano ng gagawin mo?

“Tawagan ko kaya..” As if sasagot siya. Tapos mo siyang sigawan na di niya naman alam ang reason.

“Shut. Up. Tsk tsk. Nababaliw na ako, kinakausap ko na sarili ko.”

Calling Ms. Sungit…

Ring.. ring.. ring.. ring..

“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”

Toot.toot. toot.

See? Di niya yan sasagutin. Baka kasama niya na ngayon si George. “Urgh! Crazy. My thoughts are having their own thoughts.”

Text ko na lang kaya, baka sakaling magreply.

---

To: Ms. Manhid

Where are you? Pls reply.

If you’re mad because of me, I’m really sorry.

---

Changed her name sa phonebook. Hindi na siya miss sungit ngayon, she’s super manhid.

*beep beep

---

From: Ms. Manhid

I’m really mad. GRRRR!

---

---

To. Ms. Manhid

Alright. I’m really sorry. Tell me where you are. I’ll make it up to you.

---

Send.

*beep beep

---

From: Ms. Manhid

Rooftop

---

Nagmadali akong pumunta sa rooftop. Baka bigla pa magbago isip nun at umalis dun. Alam mo naman ang mga babae.

Pag-akyat ko, andun siya sa may fence. Nakatalikod sa akin. Nilapitan ko siya at tumayo sa tabi niya. Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa malayo. Di ko malaman ang expression niya. Poker face ata. Mukhang di siya magsasalita so ako na lang..

“Gwen.. You know I don’t really mean shouting at you.. or making you leave..”

“.. I was just.. I don’t know. I just hate it when you’re asking about George like..”

“..like you’re really interested in him.” Icocontinue ko pa sana ang sasabihin ko ng may narinig akong “pfffft..” tiningnan ko siya. God, this girl is urgh! She’s laughing. And she’s trying her best to hide it.

“What are you laughing at?”

“Hahahahahahaha. Hahahaha.” She’s laughing way to hard. What’s so funny?

“Will you stop laughing?”

“Sorry.. hahahaha. You’re so funny. Hahahaha.” Hawak-hawak niya tiyan niya.

“Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.” Makatawa naman ‘tong babaeng ‘to.

“Pwede sabihin mo muna kung anong nakakatawa..”

“Fine.” Steadying herself. Huminga siya ng malalim.

“Napakaseryoso mo kasi.. with your speech ek-ek.”

“I’m trying to say sorry.”

“Ha! For what? I’m not even mad.” Is she serious?

“You’re not?” So saan siya galing? At bakit di niya sinagot tawag ko?

“Well. I’m hurt kanina. But I’m not mad.”

“Kung ganun, where were you all this time?”

“Here.” May inabot siya sa akin. “Umalis ako, binili ko yan.”

“What’s this?” Inopen ko ang paper bag.

“Choco cupcakes..Mukhang ang down-down mo kasi kanina. Ang bitter bitter mo pa!”

“..naniniwala kasi ako na pag malungkot ka, kumain ka lang ng matamis. And that one works for me.” Ngumiti siya. Di na nga siya nagalit, binili niya pa ako neto. Pag nagpatuloy pa ‘to, mamahalin ko na talaga siya. Mahal ko na siya. Hahahah.

“Thanks.” Kinagat ko na ‘yung isa. May naalala din akong nagbigay neto sa akin dati.

“Dapat talaga magthank you ka, favorite ko ‘yan. And I don’t usually share my favorite things.” Favorite niya din ‘to. They are so alike.

[“Knight.. Wag ka na malungkot, okay? Busy lang siguro ang parents mo. Eto oh, choco cupcake. Favorite ko yan, pero ibibigay ko na lang ‘yan sa’yo para di ka na malungkot.”]

“Terrence, okay ka lang? Para kasing nakatulala ka dyan.” Shinake ko head ko.

“Yes, okay lang. May naalala lang ako.”

“So.. Bakit ka ba nagalit kanina?” tanong niya.

“Wala.. pagod lang siguro ako.” I’m jealous.

“O-kay. Sabi mo eh.”

“Gwen, pumunta ka ba sa office ni George?”

“Eh? Hindi. Magtthank you na lang ako pag nagkita kami. Di ko naman talaga siya kilala.” So, hindi pumasok sa isip niya na puntahan si George?

Tumingin siya sa watch niya. “Pass office hours na pala. May kelangan ka pa bang tapusin?”

“Wala na.”

“Kung ganun, uwi na tayo. Tara!” Sabi mo eh..

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon