CHAPTER ONE
<Gwen’s POV>
Aiii. Lagot na. Bakit ba ngayon ko pa naisipang di bumangon nung marinig ko ang alarm clock ko. Lagot talaga ako nito.
“Gwenny, kain na. Nagluto na ako.” Agad na bungad ng kapatid ko pagpasok niya ng kwarto. Naku naman, di man lang marunong kumatok tong batang to. Bata lang tawag ko, pero magkaedad lang naman kami. Months lang difference.
“Babe, anong sabi ko sa’yo bago pumasok sa kwarto ng may kwarto?” Si Billy, step brother ko. Di ko naman talaga siya step brother, di naman kinasal parents namin eh, pero since sabay kaming lumaki eh parang magkapatid na tingin naming sa isa’t isa . Gulo nuh? HAHA! Basta. Dapat ikakasal sila pero nakaaksidente si papa, kaya ayun. Kung tutuusin wala naman talagang responsibilidad si auntie Andy sa akin eh, pero buti na lang pumayag siya na tumira ako kasama sila.
Ah, tapos, Babe tawag ko sa kanya, ang taba taba niya kasi nung mga bata pa kami. Ngayon, ai naku. Ang dami ng nagkacrush sa kanya. Ang gwapo naman kasi ng kapatid ko at ang hot! HAHA! Ooops! Walang malisya yan, proud lang ako sa brother ko. :)
“Gwenny! Sabi ko sa’yo wag mo akong tawaging babe. Nakakahiya.”
“Babe, di naman nila alam kung bakit ‘yun ang tawag ko sa’yo.” Sabay kindat ko sa kanya.
“’Yun na nga eh. Ano na lang iisipin ng mga girls.? Madaming malulungkot na girls dahil iisipin nila na may girlfriend na ako.”
“Eh di mas mabuti. Lalayuan ka na ng mga babae.” Ginulo ko ang buhok niya. “Aalis na ako. Salamat sa breakfast pero late na ako babe. Bye!” Sabay flying kiss. :*
******
Late na talaga ako. Tumatakbo na ako. Malalagot talaga ako kay ma’am Mia. Ngayon pa naman unang pasok ng bago naming boss. Sabi ni ma’am Mia anak daw to ng may-ari eh, pero dahil sa nangyaring aksidente na kinamatay nila eh ‘yung anak na nila ang magpapatakbo ng company.
Tiningnan ko ang watch ko. “OMG! I’m so dead!” Kelangan ko na talagang magmadali. Takbo Gwen! Takbo!
Tapos biglang... “Aaaaaah!” May nabangga ata ako. Napaupo ako bigla. Ang sakit tuloy ng pwet ko.
“Araay..” >.< ang sakit ah.
“Miss, are you okay?” Tumingala ako at minulat ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomanceWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3