CHAPTER FORTY-FIVE

21 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

<Terrence’s POV>

“Sure ka bang di ka na mapapansin?” tanong sa akin ni Gwen. Pinipilit niya kasi akong magsuot ng sunglasses, wig, cap at kung anu-ano pa para di lang ako makilala ng mga tao dito sa club, nasa car pa kami ngayon sa parking lot ng club. Ang dami kasing taga-company nila na dito pumupunta.

“Gwen, can you please relax?”

“Pero paano pag may makakilala sa’yo?” Pilit niyang pinapasuot sa akin ‘yung cap.

“Hey.” Hinawakan ko ‘yung wrist niya para di na niya maisuot sa akin ‘yung cap. “Listen, okay? Mas mapapansin ako pag sinuot ko ‘yan. Sino ba ang nagsusuot ng cap o sunglasses sa loob ng club?”

“Pero… Terrence. Paano pag nakita ka ng mga tao?”

Hay, she’s so frustrating. “Ganun mo ba kaayaw na malaman nila na ako boy –”

“Terrence!” Di niya ako pinatapos sa pagsasalita. Ngayon, di na siya nangungulit, she looks worried and really troubled.

“Sorry na…” Sabi ko.

“Ayoko lang naman na pagkaguluhan ka ng mga tao sa loob. Ayoko lang na may magawa silang kwento sa’yo o sa company mo pag may nakakita sa’yo sa loob.”

“Wala naman tayong gagawing masama sa loob, magcecelebrate lang tayo.” Sabi ko sa kanya.

“Pero alam mo naman na pwede silang gumawa ng kung anu-anong kwento sa isang picture.” Sagot niya sa akin.

“Fine.” Sabay halik ko sa kamay niya. “But believe me na hindi ako makikilala ng ibang tao.” Sinuot ko ‘yung hoodie na dala ko. “Trust me, okay?”

“Okay.” Sagot niya.

“So, how about this?” tanong ko sa kanya. Tapos sinuot ko ‘yung eyeglasses. Nagblink siya ng ilang beses then ngumiti ako sa kanya.

<Gwen’s POV>

“So, how about this?” tanong niya sa akin. Tapos sinuot niya ‘yung eyeglasses. Nagblink ako ng ilang beses then ngumiti siya sa akin. Black ‘yung rim ng eyeglasses. Wow, bagay sa kanya. First time ko siya makita na naka-eyeglasses, siguro di na siya makikilala agad. Medyo nag-iba itsura niya eh. Kahit medyo natatakpan ‘yung maganda niyang mga mata, okay pa rin, gwapo pa rin siya. Oh my, bumibilis tibok ng puso ko, parang other side niya.

“Soooooo?”

“Oh. You look… cute.” Sabi ko. He looks cute and hot at the same time, actually pero ayoko sabihin. Tutuksuhin niya lang ako.

“Fair enough. Gusto ko rin naman maging cute paminsan-minsan sa’yo.” Sabay wink sa akin. Nagblush naman ako. :”>

“Ahhhh.. tara na?”

“Yep. Let’s go. Baka hinihintay na tayo ng mga friends mo.” Sabi niya.

Pumasok na kami sa loob ng club. Mukha naman walang nakakapansin sa kanya. Hawak-hawak niya ang kamay ko.

“Alam mo ba kung nasan sila?” bulong niya sa akin, sobrang lapit sa tenga ko. Nagblush na naman ako. >.< Ako na, parang hindi lang kami isang taon ng magkasama sa way ko magreact ah. Errr.

Umiling ako, malakas kasi ang music so napakaeffort magsalita. Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin sila Stacey pero nahihirapan ako kasi di naman ako sobrang tangkad. I mean, di din naman ako pandak mas matangkad si Terrence sa akin eh.

“Come. Mukhang nakita ko na sila.” Inalalayan niya ako para makalampas sa maraming tao. Buti na man di siya nakikilala. May ibang babae na tumitingin pero di dahil nakikilala nila si Terrence. Iiish! Makatingin ‘tong mga babaeng ‘to. Hello?? May kasama siya oh, AKO! Kaasar.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon