CHAPTER FIFTEEN

32 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

<Terrence’s POV>

“Hihihihi.” Did she just giggle? What a sweet sound. Note to self: Make Gwen giggle. :)

“Yan ba ang way ng pagtataray mo sa akin sa phone?” Hahaha. Joke.

“Ikaw! Nakakainis ka. Di na nga kita sinusungitan.” Ang bilis niya talagang magalit.

“Haha. Biro lang. Ikaw talaga, di ka na mabiro.”

Ganun lang. Nag-usap lang kami ng kung anu-anong bagay. Parang huminto nga ang oras. Most of the time, tawa lang siya ng tawa.

“Gwenny..”  narinig ko sa kabilang linya. Boses ng lalaki ‘yun ah. Hmmm? ‘Yun kaya ‘yung kinwento niya sa akin last time?

Tumigil ako sa pagsasalita. Mukhang natahimik din si Gwen. Gusto kong marinig ang pag-uusapan nila.

“Pwede ba tayong mag-usap?”  Usap? May nangyari ba na hindi ko alam?

“Ah. Terrence. Itetext na lang kita mamaya ha?” Binaba niya na ‘yung phone.

Nakakainis. Sino ba ‘yung lalaking ‘yun? Distorbo. Kung kelan nag-eenjoy kami ni Gwen sa usapan namin, dun naman siya eepal. Bwisit!

Gusto ko malaman kung ano ang pag-uusapan nila. Hayyyyyyy! Asar!

Relax lang, Terrence. Sabi ni Gwen, itetext ka niya. You just have to wait.

******

<Gwen’s POV>

“Bi.. – ” Di ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Binigyan niya kasi ng ibang meaning ‘yung ‘babe’ last time. :(

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

“Ano ba ‘yung pag-uusapan natin?” maingat kong tanong sa kanya. Di ko kasi alam paano makikitungo sa kanya ngayon. Awkward lang eh.

“Gwenny, patapusin mo muna ako sa sasabihin ko bago ka magsalita o magtanong. Di ko kasi alam kung masasabi ko ‘to ng maayos sa’yo pag tumigil ako. Ok lang ba?”

Tumango lang ako. Di rin ako makapagsalita so mas okay kung siya na lang muna ang magsasalita.

“Gusto ko lang magsorry.” Sorry? Magsosorry siya dahil gusto niya ako?

“Hindi ako nagsosorry dahil gusto kita.. dahil gusto naman talaga kita..” Nasabi ko ba ‘yun ng malakas?

“Ngayon na naamin ko na ‘yun sa’yo, di ko na ikakaila ‘yun. Ang totoo masaya ako na nasabi ko ‘yun sa’yo..”

“Nahihirapan na din kasi ako na itago pa ‘yung nararamdaman ko sa’yo. Nung nasabi ko ‘yun sa’yo, medyo gumaan ang pakiramdam ko.”

“Pero.. alam mo bang nagsisisi ako na sinabi ko ‘yun sa’yo. Nagsisisi din ako sa kung paano ko ‘yun sayo sinabi.. Nagsisisi ako kasi…” Kasi?

“Dapat inisip ko muna kung ano ‘yung mararamdaman mo..”

“Hindi ko naisip na mahihirapan ka. Dapat naisip ko ‘yun. Gumaan nga ang pakiramdam ko pero.. ikaw naman ang nahirapan.”

“At dahil din sa sinabi ko.. nasira ko ang pagkakaibigan natin. Nasira ko ang turingan natin bilang magkapatid.”

“Tuwing nagkikita tayo eh iniiwasan mo ako. Pero di naman kita masisisi, kasalanan ko naman talaga.”

“Sana mapatawad mo ako. At kung maaari, wag mo na sana masyadong isipin ang sinabi ko..”

“Alam kong di na natin maibabalik kung paano tayo dati pero sana…” Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Babe, wala namang nagbago o dapat magbago.” Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Kelangan kong linawin sa kanya ang lahat bago pa siya umasa.

“Ikaw naman ang makinig sa akin..”

“Di naman ako galit sa ginawa mo o sa sinabi mo. Ang totoo, nabigla lang talaga ako sa nangyari..”

“Siguro may kasalanan din ako. Siguro I gave you wrong signals sa nararamdaman ko sa’yo..”

“Babe, makinig kang mabuti dito , okay?” Tumango siya.

“Ang totoo kasi, may times na naguguluhan ako sa nararamdaman ko lalo na pag malapit ka sa akin. Ang totoo, inisip ko na baka more than pa sa kung anong meron tayo ang nararamdaman ko..”

“Pero.. may nagsabi sa akin na baka naguguluhan lang nga ako.”

“And narealized kong tama siya. Pinag-isipan ko ding mabuti kung ano ba ‘yung nararamdaman ko..”

“Gusto kita.. ang totoo nga mahal kita. But not in a romantic way. Sa haba ng panahon na magkasama tayo, naiintindihan mo naman ako diba?”

“Wala naman talagang dapat magbago eh.. hmm?” dagdag ko. Niyakap niya ako.

“Thanks, Gwenny..” malungkot ang boses niya pero alam kong naiintindihan niya ang gusto kong iparating sa kanya.

Niyakap ko na lang din siya. At alam kong dapat ko nang kalimutan ‘yung mga sinabi niya.. alam kong di na niya na ipipilit ‘to.

******

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon