CHAPTER FORTY-FOUR

25 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

<Gwen’s POV>

Pag-uwi ko, nakita ko si Terrence sa couch, natutulog. Pinatay ko ‘yung TV. Nakatulog siguro siya habang nanonood. Nilapitan ko siya at umupo sa table, facing sa kanya. Mukha siyang baby pag tulog. Hahahaha. Hinawi ko ang buhok na nasa may mata niya. Nakalagay ‘yung isang arm niya sa head niya. Hindi ko muna siya ginising agad, mukhang kulang din tulog niya eh.

Tabihan ko kaya siya. Hmmm, medyo maluwang naman ang couch, kasya pa naman ata ako.

Umakyat muna ako sa room ko para magpalit at bumaba din agad.

Humiga ako sa couch sa tabi niya, dahan-dahan. Ayoko siyang magising pero nafeel ko siyang gumalaw. Napatigil ako sa paggalaw, nasa air pa nga ang ulo ko. He turns to my direction tapos nilagay niya ang arm nya around me. Then, ‘yung isang kamay niya sa may head ko, dun na lang ako humiga tapos ang face ko nasa chest niya. Habang ang chin niya nasa ulo ko. Niyakap ko din siya.

“Sorry for waking you.” Sabi ko.

“It’s fine.” Sabi niya with his sleepy voice. “I’m actually waiting for you.”

Tumango lang ako. “Is there a problem?” tanong niya.

“Nothing.” Sagot ko sa kanya. Pinikit ko ang mata ko, kanina pa kasi ako inaantok.

“So, you just miss me?” Sabi niya, teasing me.

“Hmmm.”

Ganun lang kami for I don’t know ilang minutes. Di kami nag-uusap, pinapakinggan ko lang paghinga niya, ang tibok ng puso niya.

“Let’s get you to bed.” Sabi niya tapos bumangon siya. Bubuhatin na sana niya ako pero bumangon na din ako.

Hinawakan ko kamay niya. Oh diba? Holdings hands while walking papunta sa room. Ang sweet namin nuh? Haha.

“Di ka ba naiinitan?” Tanong ko sa kanya. Nakalongsleeve pala sya, ngayon ko lang napansin.

“I’m actually cold.” Sabi niya

Nagpanic naman ako. Mainit ba siya? Bakit di ko naramdaman kanina? Nilagay ko ang palad ko sa noo niya.

“I’m fine. Wala akong sakit.”

Nakarating na kami sa taas kung nasan ang rooms namin.

“Wait here.” Sabi ko. “May ibibigay ako sa’yo.” Bigla kong naalala gift ko para sa kanya.

“Can’t I just come in?”

“Nope. It’s a surprise.” Sabi ko sa kanya. Tapos pumasok na ako sa room ko. Saan ko ba ‘yun nilagay? Naghanap na ako sa buong kwarto ko.

<Terrence’s POV>

Ang tagal na niya sa room niya kaya naisipan ko ng pumasok. Nakita ko siya na nakatingin sa ilalim ng bed niya.

“Anong hinahanap mo?” tanong ko sa kanya.

“Errrr. Basta.” Sabi niya.

“Tell me. Para matulungan kitang maghanap.”

Nagpout siya. “Eeeeh. Fine. Could you lift the bed? Hindi ko kasi makita ang ilalim eh.”

“Okay.” Tinaas ko yung sleeve ng damit ko papunta sa elbow. Bubuhatin ko na ‘yung bed.

“Stop.” Sabi niya. Tapos hinila niya ‘yung right hand ko. “Paano to napunta sa’yo?” tanong niya.

“Well, I just thought it’s mine kaya sinuot ko na.”

“It’s yours.” Sabi niya. “Nagustuhan mo ba?” tanong niya, parang namomoblema siya kung nagustuhan ko ba hindi.

“Of course.” Sabi ko sa kanya tapos kiniss ko siya sa forehead.

“Alam mo ba bakit gusto ko ang bracelet na ‘to?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya. “Dahil ikaw ang nagbigay nito.” Sabi ko sa kanya. Namula siya.

“Sorry, di ko naibigay sa’yo agad. Nakalimutan ko kasi kagabi.”

“It’s okay. Tulog na tayo?” Tumango siya. Kaya I kiss her goodnight na. Pero nung palabas na ako hinawakan niya ako sa kamay.

“Samahan mo ako sa pagtulog ngayon, okay?” Sabi niya sa akin. Tatanggi pa ba ako? Gusto ko din naman siyang kasama. Kaya humiga na kami sa bed niya. Nakahiga siya sa side niya, nakahiga din ako sa side ko. Nakatingin kami sa isa’t isa.

“Terrence…”

“Hmmm?”

“May sasabihin pala ako sa’yo.”

“What is it?”

“I’ve got promoted.” Sabi niya. Dapat masaya siya diba? Bakit mukhang hindi?

“Really? Wow.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

“Wow, right?”

“Bakit mukhang di ka masaya?” tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. “Masaya ako, sobrang saya.”

“Then, we should celebrate.”

“Ahm, ‘yun pa. May celebration ako with the girls sa Friday.”

<Gwen’s POV>

Naalis ang ngiti niya. Nakatingin lang siya sa akin tapos huminga ng malalim.

“Okay.” Sabi niya. “Just tell me kung saan kayo pupunta and what time kita susunduin kasi di na ako papayag na di ka sunduin ngayon.” Huh? Sundo?

“No, no, no, no.” Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.

“Gwen.” Sabi niya using a warning voice.

“Terrence. Hindi ko sinabi ‘yun sa’yo para magpaalam.”

Nakita ko nahurt siya sa sinabi ko. Eto na, misunderstanding na naman. Hai.

“Bago ka magalit dyan, makinig ka muna sa akin.” Sabi ko sa kanya. Nakaupo na siya ngayon. Kaya umupo na din ako. “Gusto ko lang naman sabihin na kelangan mong sumama kaya di mo na ako kelangang sunduin kasi magkasama naman tayo.”

Ngumiti siya. “Talaga?”

“Oo. Bawal tumanggi.” Haha.

“Hindi ako tatanggi. Kelangan kitang bantayan at baka uminom ka na naman ng sobra.”

“Nagbibiro ka ba? Anong sobra? Lahat ng alcohol, konti man o madami, sobra sa akin.” Sabi ko sa kanya.

Tumawa siya. “Tama ka.”

Tapos nun, natulog na kami.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon