CHAPTER FORTY
<Gwen’s POV>
Nag-isip pa ko ng ibang sign, baka may nagawa na naman akong mali pero wala talaga akong maisip. Nakakainis na talaga. Terrence, asan ka na ba kasi? Totoo ba na may iba ka na? Sinubsob ko ang mukha ko dun sa arm rest ng sofa. Super iyak na ako. T_T
“Gwen..?” Narinig ko ang boses ng isang babae. Itinaas ko ang ulo ko para makita kung sino ‘yung tumawag sa akin. Di ko agad nakita, blurred kasi dahil siguro ‘to sa kakaiyak ko.
Lumapit siya. Si Stacey pala. “Gwen?!” Parang nagulat siya sa akin.
“Bakit ka umiiyak?” Tinanong niya pa, eh alam niya naman kung bakit. “Naku, tingnan mo ang puffy ng eyes mo at ang pula-pula pa.”
“Stacey…” Sabi ko, pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.
“Diba sabi ko mag-ayos ka? Naman.. Gwen.”
“Okay lang,” *sniff “parang ayoko na ding lumabas.” Sabi ko. Pinipigilan ko ‘yung luha ko pero ayaw papigil eh, tigas ng ulo. Mana sa akin. T.T
“Nope! Lalabas ka, lalabas tayo!” Sabi niya.
“Pero ay —”
“Walang pero pero.” Sabi niya.Kulit din nito eh. Pero ayokong makipagtalo. Pagod ako kakaiyak. Hinila niya ako patayo. “Asan ang room mo? Dalhin mo ako dun kung ayaw momg libutin ko ang buong bahay na ‘to.”
Naman! Parang napakauseless namang makipagtalo sa kanya. Naglakad na ako papunta sa room ko, tapos nasa tabi ko siya. Tinitingnan niya ‘yung mga decorations sa bahay. Nakakaamaze naman kasi talaga ang ganda ng bahay, ako nga hanggang ngayon, naaamaze pa rin.
Pagdating ko sa kwarto eh, humiga ako sa kama ko. Haiii, sarap itulog ng sakit sa puso ko. Parang ang sarap wag ng gumising. OA ko na, emo much na. Nakakainis! >.<
“Sinong nagsabi na pwede kang humiga?” Sabi ni Stacey. Hinahalukay niya ‘yung cabinet ko. Grabe ah, walang paalam-paalam.
Bumangon ako. “At sinong may sabi na pwede mong pakialaman gamit ko?” Tanong ko sa kanya. Okay lang naman sa akin. Wala naman talaga akong pakialm.
Tumawa lang siya. “Ako. Bakit, may angal?” Nakakatakot naman ‘tong si Stacey. May nilabas siyang dress. Tinapat niya sa akin at tumango-tango siya. Di ko kita ‘yung dress eh. Nakabalot kasi ‘yun, ‘yung likod black, tapos ‘yung harap na cover, transparent kaya siya lang nakakakita. Tapos binalik niya sa loob ng cabinet. Tinitigan niya ako.
“Wag mo nga akong titigan.” Sabi ko sa kanya.
“Wag ka ngang bad vibes dyan. Akong bahala sa’yo, mag-eenjoy ka ngayong gabi.” Tumingin siya sa wrist watch niya. “Gosh!! Late na. Maghilamos ka na nga muna, kukuha lang ako ng something para sa namumugto mong mata.” Palabas na siya ng pinto nung tumingin siya ulit sa akin. “Dapat pagbalik ko, nakapaghilamos ka na, kung ayaw mong ako maghilamos sa’yo.” Tumango lang ako at bumaba na siya.
Tiningnan ko ang oras, 9:04 pm. Pumunta na ako sa banyo para maghilamos. Nagtoothbrush na din ako at sinuklay ang buhok ko. Paglabas ko, andun na si Stacey sa kwarto ulit. Nakasmile siya. “Good girl.” Sabi niya.
“Che! Ginawa mo naman akong bata.” Nginitian ko siya.
“Buti naman ngumingiti ka na. Wag na bad vibes, okay? Magiging masaya ka tonight, promise.” Mukhang sure na sure naman siya, eh di sige. Kahit alam ko naman na si Terrence lang makakapagpasaya sa akin ngayon. :c
“Okay.” Sabi ko sa kanya.
“Buti naman, di na masyado puffy eyes mo. Eto oh, patong mo sa eyes mo.” Inabot niya sa aking yung ice packs. Humiga ako sa kama at pinatong ko sa eyes ko. Tapos after 5-7 minutes, pinaalis na niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomanceWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3