CHAPTER THIRTY-NINE
<Gwen’s POV>
Pag-open ko ng eyes, madilim na. Gosh! Nakatulog pala ako pagdating ko kanina sa bahay. Tumingin ako sa phone ko, 7:30 pm. Grabe, di man lang tumawag o nagtext si Terrence. Asan na ba siya? Nakalimutan niya ba na anniversary namin ngayon? Tsk! Terrence!! Subukan mo lang! >.<
Bumaba ako mula sa room ko, nagugutom na ako eh. Breakfast pa ang last kain ko. Haiii. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain. May plain cupcake sa ref, kinuha ko ‘yun at kumuha na rin ng juice. Ito lang kinain ko muna, baka kasi magyaya sa dinner si Terrence. Asa pa talaga ako nuh? Di pa nga ako kinocontact hanggang ngayon. Bakit kaya? Wala naman sigurong nangyaring masama sa ewan na ‘yun nuh? Psssssh! Wag nega, Gwen.
Pagkatapos ko kumain, tiningnan ko ulit ang phone ko, 8 pm. Terrence, asan ka na ba? Tawagan ko kaya…
Calling… TM <3
“Sorry, the number you have dialled is either unattended or out of –”
Di ko na pinatapos si ate voice over. Naman! Bakit off ang phone niya? At bakit wala pa siya dito? Sana walang nangyaring masama sa kanya. Sige na, okay na lang na nakalimutan niya ang araw na ‘to basta okay lang siya. Pinag-aalala niya ako eh. May mababatukan talaga ako mamaya. Sa office ko na lang kaya tawagan? Hmmm, pero baka wala ng tao dun, wala ng makakasagot ng phone. Text na lang…
---
To: TM <3
Terrence, asan ka ba? Contact me please T_T
You’re making me worried.
---
Send.
Manonood muna ako ng TV habang hinihintay si Terrence. ‘Yung lokong ‘yun, makikita niya talaga ang hinahanap niya! Hmmpf! Tingin ako ng tingin sa oras. Ai talaga naman! Di ako makafocus sa pinapanood ko. Tawagan ko kaya si Dina, secretary siya ni Terrence eh. Sige na nga, nag-aalala ako eh.
Calling… Dina
Ganun talaga, first name basis name nila sa phonebook ko. Hahahaha.
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing… Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing…
“Hello?” Sagot ni Dina.
“Hello, Dins. Pasensya na sa distorbo.”
“Oh, Gwen.. Okay lang, ano ka ba? Anong sa atin?” tanong niya.
“Uhhhmm, si Terrence ba… nasa office pa?”
“Ha?? Maaga siyang umalis sa off.. –” Di niya tinapos ang sinasabi niya. Bakit kaya???
“Dins? Ano ‘yun? Bakit di mo tinapos?”
“Ahhh.. ehh, wala.. kasi..” Ano ba yan? Putol putol naman ang sinasabi niya.
“Dins, sabihin mo na sa akin.. please…” Curious tuloy ako.
“Ahh.. kasi, Gwen. May kasama kasing babae kanina si sir Terrence. Pero baka related lang ‘yun sa business…”
“Tapos?” Mukhang di na kasi itutuloy ni Dina sasabihin niya.
“Tapos… umalis siya ng maaga. Sabi niya may dinner date daw siya, kaya akala ko ikaw ang kadate niya… at sabay lang sila umalis… pero mukhang…”
“Mukhang ano?” tanong ko. Alam ko na anong nasa isip ni Dina kasi ‘yun din ang nasa isip ko. Kung di niya kasama ‘yung babaeng sinabi ni Dina, eh asan siya?!
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomanceWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3