CHAPTER THIRTY-SIX

27 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

<Gwen’s POV>

Pagkatapos namin sumayaw ay bumalik na kami sa table namin. That’s fun! Nauhaw tuloy kami.

“Thirsty, girls?” Tanong ni Dave.

“Sure!” Sagot nilang apat.

“Gwen, what do you want?” Tanong ni Stacey.

“Kung ano ‘yung sa inyo.” Sabay ngiti.

“Dave, ‘yung dati lang. Alam mo namang may trabaho pa kami bukas. Make it for five.”

“Sure thing. Renz, samahan mo ako.” Umalis na sila papunta sa bar.

“Enjoying Gwen?” Tanong ni Mitch.

“Totally.” Sobrang nag-eenjoy ako. Hahaha.

“Dapat talaga lagi kang sumasama sa amin eh.” Sabi ni Mitch. I’ll think about that.

Tumingin ako sa watch. “I think I need to go.” Sabi ko sa kanila.

“Gwen, maaga pa. Stay ka muna.” Sabi ni Rica.

“Yes, Gwen. 20 more minutes, please.” Sabi ni Stacey. Nakatingin sila lahat sa akin. Haiii.

“Fine. 20 more minutes.” Ngumiti sila lahat. Kung di ko lang mahal ‘tong mga ‘to eh.

“Hello, girls. Here are your martinis.” Sabi ni Dave.

“And here are some beers and glasses.” Sabi ni Renz.

Kinuha na naming ang kanya-kanyang martini namin. May cherry siya sa loob ng baso. Ang cute. Tinikman ko na ‘yung akin. Mmmmm, masarap pero parang ang medyo matapang para sa akin. Magagalit si Terrence neto. Napansin ata nila na parang ayoko ng inumin ‘yung akin.

“Gwen, inumin mo yan. Kung hindi, di ka makakaalis dito. Kelangan mong magloosen up paminsan-minsan.” Nakatingin na naman sila sa akin.

“O-kay. Iinumin ko naman talaga.” Sabi ko sa kanila.

“One shot?” Sabi ni Rica. Tumango lang din silang lahat.

“Cheers!” Sabi ni Rica. Nakicheers na din ako at inubos ‘yung laman ng baso ko in one shot. Waaaaaaah! Ang init sa lalamunan.

“Nice one, Gwen!” Sabi ni Stacey. Ngumiti ako sa kanya pero nahihilo na ako.

“Thanks! Haha.” Sabi ko.

“Want to play a game?” Tanong ni Rica.

“What game?” Tanong ko. Pwede bang maglaro dito?

“Parang truth or dare pero kung ayaw mong sagutin ang question, all you need to do is drink beer on those shot glass.” Oh no. I should pass. “Pag sa’yo tumapat ang bottle, lahat kami ay magtatanong.” I should really go home.

“Alright. Gwen, don’t think of not joining. This will be fun.” Nababasa ba ni Stacey ang nasa isip ko? Pero wala na akong lakas makipagtalo sa kanila. Sumasakit na ang ulo ko at nahihilo na din ako.

“Oo na. Sasali na.” Ang saya ng mga ‘to.

“Okay. Spin the bottle, Best.” Sabi ni Rica. Inikot na nila.

Kay Rica tumapat ‘yung bottle. Sinagot niya lahat ng tanong nila. Ako na ang next na magtatanong.

“Rica, do you happen to like, in romatic way, Renz?” Ewan ko ba bakit ito ang tinanong ko pero nakikita ko kung paano tingnan ni Rica si Renz eh. And siguro, epekto na din ng martini. Hindi siguro nila na-oobvious na medyo nahihilo na ako.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon