CHAPTER FORTY-TWO

29 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

<Terrence’s POV>

“Well, balak naman talaga kitang lunurin.” Seryosong sabi ko sa kanya. Biglang nagchange ang expression, iniisip niya siguro kung seryoso ako or hindi. Well, seryoso ako.

“A-ano?” Nauutal na sabi niya.

Napabitaw siya sa braso ko. Tinititigan ko lang siya. Pinagmamasadan ko ang next niyang gagawin. Di na siya gumagalaw. Nakatingin lang din siya sa akin.

“Balak kitang lunurin sa pag-ibig ko.” Sabay ngiti sa kanya. Hahaha. Ano ba iniisip niya? Dalawa lang naman ang gusto kong gawin sa kanya at ‘yun ay ang mahalin siya ngayon at mahalin siya magpakailanman. Hahaha! Ang corny ko! :)

Tumawa siya tapos pinalo niya ako sa braso. “Sira ulo ka talaga! Tinakot mo ako tapos ang corny mo lang pala.” Sabi niya.

“Corny you like or corny you don’t like?” Tanong ko sa kanya. Ay, corny ko na talaga. Ano bang ginawa sa akin ng babaeng ‘to?

“Corny I like.” Sabi niya. Tapos kiniss niya ako sa may side ng lips ko. At syempre, nagulat na naman ako sa ginawa niya. Mas comfortable na siguro siya ngayon sa akin.

“So, kung wala kang balak na patayin ako, what are we doing here?” Tanong niya sa akin.

“Well, you’re going to dance with me.” Sabi ko, I’m not asking her to dance with me. I want her to dance with me. Haha.

“Oh.” Sabi niya. Ayaw niya ba?

“You don’t like?”

“No, of course I love to dance with you.” Heh? Yey! So happy, she loves to dance with me. LOVE to dance with me.

“But…?” tanong ko sa kanya.

“But it’s dark in here.” Pagkasabi niya nun, nagbigay ako ng signal na okay na.

<Gwen’s POV>

“But it’s dark in here.” Pagkasabi ko nun, biglang may umilaw dun sa water. Wow. May flatform pala dun sa middle ng bay at may tulay papunta dun. Tapos may cute na lights na nakasabit sa paligid, colorful sila, sweet colors. Ang ganda, parang isang magical place siya.

“You like it?” Tanong niya. Tumango lang ako.

“It’s beautiful.” Sabi ko. Ang ganda talaga, ang romantic lang ng labas ng place.

“Shall we?” Yaya niya sa akin. Inalalayan niya ako papunta dun sa center flatform.

“So, may I have this dance?” tanong niya at inabot sa akin ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay ko sa kanya.

“Are we going to make our own music?” tanong ko sa kanya.

“Really impatient, miss Gweneth?” Sabay ngiti niya sa akin. Tapos nilagay niya ‘yung dalawang kamay ko sa magkabilang shoulders niya. Tapos ‘yung kamay niya sa bewang ko and that sends electricity through me. Woah!

“Follow your heart.” Bulong niya. Then we we’re dancing. Without music. I don’t know but we have our own rhythm. It’s amazing. Dancing with our heart beats. After few twirling and turning, we we’re both laughing. Wala namang nakakatawa, pero masaya ako. Masaya ako na mahal ko siya at mahal niya ako.

Nagslow down ang sayaw namin. “Tired?” tanong niya. Umiling lang ako. Nakatitig lang ako sa kanya. Kung ganito ang kasayaw ko, wala akong pakialam kung pagod ako.

Habang nagsasayaw kami, biglang lumiwanag ang kalangitan at may maingay na sound sa background. Pero di ko inalis ang tingin ko sa kanya. Ganun din siya sa akin. Alam ko na kung ano ‘yung nagpapaliwanag sa sky ngayon, fireworks. Alam ko na maganda ang fireworks at talagang halos lahat ng tao titingin sa sky para lang matunghayan ang mga ito. Pero ngayon, para sa akin, wala ng mas magandang makita kundi ‘yung taong nasa harap ko.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon