Forever....Tonight

359K 1.3K 73
                                    

Chapter I

3:00 PM… 4:00 PM… 5:00 PM… Yehey! Masayang sambit ni Laine, tapos na ang office hours, magkikita na sila ni Bianca, ang kaibigan niyang maglalapit sa kanya kay Gerald Sanders, ang dahilan kung bakit siya ngayon nandito sa Pilipinas.

Siya si Laine Gomez, 24 years old, isang executive sa isang malaking cellphone company. 12 years old siya nang ang buong pamilya nila ay nag migrate sa Amerika.  Nang makatapos na siya ng pag-aaral, siya ay nagtrabaho at ng makakita siya ng oportunidad na makabalik ng Pilipinas, agad niya itong singunggaban kahit labag sa kalooban ng kanyang pamilya. Ang dahilan ng lahat ay si Gerald, ang lalaking itinangi niya magmula pa nung siya ay 12 taong gulang pa lamang.

Nagkita sila ni Bianca sa isang coffee shop sa Makati kung saan din siya nagwo-work. Ngayon lamang sila nagkita nito magmula nang umalis siya papuntang Amerika.  Masayang-masaya silang nagkita pagkatapos ng maraming taon kahit na hindi sila nawawalan ng communication sa pamamagitan ng internet.

 “Kumusta ka na, Girl? Lalo kang gumanda!” papuri sa kanya ni Bianca. “Parehas lang tayo noh!” ganting papuri niya sa kaibigan.

Dahil kay Bianca, nakilala niya si Gerald, kaibigan ito ng pinsan ni Bianca na si Henry Santa Inez. Minsang nagkita sila nito sa isang birthday party, naipakilala naman siya kay Gerald, nginitian lamang siya nito at di na muling tinapunan ng tingin. 

Sa murang edad niyang 12 taon gulang ng una niyang maramdaman ang pagtatangi sa isang lalaki at ito nga ay nang makilala niya si Gerald na noon naman ay 17 taon gulang na. Nalungkot siya ng masyado dahil nung makilala niya ang lalaki ay isang linggo na lamang at pupunta na sila sa Amerika. Napag-alaman niya mula kay Bianca na mayaman ang pamilya nito, na maraming nagaaya dito para mag artista dahil sa kaguwapuhan nito ngunit tinanggihan niya ang mga ito at nanatili na lamang na modelo sa isang sikat na clothing line na pag-aari ng pamilya niya. Habang siya ay nasa Amerika, nakikibalita na lamang siya kay Bianca tungkol kay Gerald. Nang siya ay 15 taon gulang na at si Gerald naman ay 20 taon na, nabasa niya mula sa isang magazine na naka feature ang lalaki na ito ay mayroon ng girlfriend na isa namang sikat at magandang artista at siya ay seryoso na sa kanyang girlfriend na kinumpirma naman ng kanyang kaibigan na si Bianca. Parang gumuho ang mundo niya noong malaman niya ito dahil ang lalaking ito ang kanyang inspirasyon at umaasa siya na darating ang panahon na magkikita silang muli.

“Ready ka na ba makita ulit ang prince charming/ first love mo?” tanong sa kanya ni Bianca habang sila ay nagkakape. “Oo naman, ang tagal kong hinintay ’to noh, 12 years friendship.” Tumatawa siya habang sinasabi ito ngunit sa loob niya ay hindi niya maipaliwanag ang kaba at excitement na nararamdaman niya, napaisip nga siya kung ready na ba talaga siyang makita ito muli pagkatapos ng maraming taon. “Balita ko rin, magmula nung nag break sila nung artista na yun, si Ziara Cheng eh di na siya nag seryoso kaya suwerte mo Girl at free siya ngayon and ready to mingle daw,” dagdag impormasyon pa ni Bianca.

“Sabi ni Kuya Henry, invited daw si Gerald sa anniversary nila Tito Ben at Tita Laila, tapos sinabi ko kay Kuya Henry na dumating ka na at sabi naman niyang isama kita”, masayang ikinukuwento sa kanya ni Bianca. “Bakit malalim ata ang iniisip mo?” tanong sa kanya ni Bianca. “Iniisip ko lang kung anong isusuot kong damit”, biro niya sa kaibigan at nagpatuloy silang magkuwentuhan.

Chapter 2

Nagdaratingan na ang mga bisita sa mansion nila Henry kung saan magaganap ang wedding anniversary ng mga magulang nito. Sila naman ni Bianca ay nasa isang sulok ng malaking garden ng mga Santa Inez kung saan nakikita ang mga bisitang dumarating. Hindi niya inaalis ang tingin sa pasukan ng mga bisita, ngunit nag-uumpisa na ang celebration ay wala pa rin ang kanyang hinihintay. Niyaya niya si Bianca upang kumuha ng cocktail ngunit habang papunta sila sa bar ay may tumawag kay Bianca, “Girl, susunod na lang ako, dumating daw yun isang tita namin” paalam nito sa kanya. Pagdating niya sa bar ay iisa na lamang ang cocktail na nasa mesa, akmang dadamputin niya iyon nang magkadunggulan sila ng kamay ng isang lalaki, nagkatinginan sila nito at sinabing “It’s yours, I’m sorry” at lumayo na ito. Natulala siya sa lalaking paalis dahil ito lamang naman ang lalaking kanyang hinihintay na dumating mula pa kanina.  Lalong gumuwapo ang lalaki ngayon, nagmature na ang hitsura nito bukod pa sa lalong gumanda ang pangangatawan nito. Naka long sleeves lamang ito ng light blue na itinupi hanggang siko at ang slacks naman nito ay kulay gray, napaka dignified nitong tingnan.  Ganoon pa rin ang buhok nito na bahagyang paalon-alon Tumaas din ito, sa palagay niya ay umabot na ito ng 6 feet. Naalala tuloy niya ang medyo kahawig nitong artista na kapangalan pa nito, si Gerald Anderson.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon