Chapter 36

3.9K 80 0
                                    


Chapter 36

Gerald's POV

Pagkatapos kumain ay nagring ang cp niya, si
Roger, kaibigan at kliyente niya. Matagal din silang nag-usap nito. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagring na naman ang cp niya, si Ziara. "Hello", sabi niya. "Ge, nasaan ka ba talaga? Nalulungkot ako, si Mommy kasi medyo weak pa rin. Tinawagan ko si Dad, busy naman daw siya, gusto ko sanang may makausap man lang..." sabi ni Ziara sa kabilang linya. Naawa naman siya sa dalaga, hiwalay na ang parents nito, may iba ng pamilya ang daddy ni Ziara. "I'm still out of town, I'll see you tomorrow", sabi na lang niya dito. "Basta magkikita tayo bukas ha, I'll wait for you", paniniyak ng dalaga sa kanya. "Yeah, I'll call you tomorrow", sabi niya at saka ini-off ang cp niya.

Pagpasok niya ng bahay ay tapos na si Laine na magligpit ng mesa, pinuntahan niya ito sa kuwarto, narinig niyang lumalagaslas ang tubig sa banyo, naliligo na ito. LUmabas ulit siya ng kuwarto at humiga sa sofa, di niya namalayang nakatulog siya.

Nang magising siya ay 1:30 na ng hapon, luminga-linga siya, hinahanap niya si Laine. Pumasok siya sa kuwarto, doon niya nakita ang dalaga na nakahiga at tulog na tulog. Dumiretso na siya sa banyo para maligo. Paglabas niya ng banyo ay tulog pa rin ito. Tinapik-tapik niya ito sa hita ngunit hindi ito tumitinag. Napako ang mga mata niya sa mga labi nito, akmang hahalikan niya ito ng bigla naman na itong dumilat. "Kanina ka pa ba gising?" tanong nito sa kanya.

"Oo, kanina pa rin kita ginigising, ang sarap ng tulog mo" sagot niya.

"Get up, magbihis ka na", sabay hila niya sa kamay nito para bumangon na.

********************************

Pagkatapos nilang mag-lunch ay naglakad-lakad muna sila. Nagpicture-picture. Mag aalas 4 na ng bumalik sila sa resthouse. Dire-diretso si Laine sa kuwarto, nahiga ito agad sa kama. Sinundan niya ang dalaga, "talagang pagod ka noh, kadarating lang natin, higa agad ang ginawa mo. Sige lang, magpahinga ka, you need lots of energy before we go back to Manila", sabi niya kay Laine na alam na ang ibig niyang sabihin dahil binato siya nito ng unan. Uminom lang siya ng tubig at pagkatapos ay tinabihan niya ang dalaga sa kama. Sabay nilang tinitingnan ang mga shots nila sa camera. Nakasandal sa dibdib niya ang dalaga, ilang sandali ay hindi na ito gumagalaw, sinilip niya ang mukha nito, nakatulog na. Niyakap niya ito at saka pumikit na rin siya.

Naramdaman niyang may labing dumadampi sa iba't ibang parte ng mukha niya. Dumilat siya, mukha ni Laine ang nakita niya. Napangiti siya, lalo siyang napangiti nang Makita niyang nasa ibabaw na niya ito, "You like that position ha", saka niya ito hinalikan sa mga labi. Pagkatapos ay bumaba ang mga labi ng babae sa dibdib niya papuntang pusod, halos pigilin niya ang paghinga niya sa nararamdamang sensasyon. Nang makalagpas ito ng paghalik sa pusod niya ay hinawakan na niya ito sa balikat at hinila pataas, hinalikan niya ito sa mga labi ng marahas, punong-puno ng pagnanasa.....

Madilim na nang magising sila pagkatapos ng isang matamis na pagniniig. Hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti. Mabilis silang nag-ayos ng mga gamit at sumakay na sa kotse. Pasado alas 7 na nang naka alis sila sa Tagaytay.

Inihatid niya ito ang dalaga sa condo unit nito. Ginawaran niya ito ng halik sa labi at nagpaalam na siya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon