Chapter 24

4.8K 87 5
                                    

Chapter 24

Ziara's POV

Hindi niya palalagpasin ang nakita niya sa restaurant. Kakausapin niya si Laine. Kinabukasan, sinadya niya si Laine sa office nito.

"Where is the office of Laine?" tanong niya sa isang empleyada.

"This way ma'm", sinamahan siya nitong pumunta sa office ni Laine.

Kumatok ng bahagya ang empleyada at saka binuksan ang pinto.

"Ma'm Laine, someone's looking for you", sabi nito.

Nakayuko si Laine kaya pagtingala niya ay nagulat ito at nasa harap na siya nito.

"Can I talk to you in private?" tanong niya kay Laine.

"You can leave us Anna", utos ni Laine sa empleyada.

"How can I help you?" tanong nito sa kanya na ikinairita pa niya.

"Cut the formality... I'll just go straight to the point. Are you flirting with Gerald?" tanong niya.

"What are you talking about?" tila nagulat ito sa tanong niya.

"You know what I am talking about. I saw you two yesterday, I know you saw me. I'm warning you Laine, Gerald is mine kaya layuan mo siya. Don't get into my way, magsisisi ka lang", mariing sabi niya. Tiningnan siya at huminga muna ng malalim si Laine bago nagsalita ng "Si Gerald ang pagsabihan mong lumayo sa akin, dahil siya ang lumalapit sa'kin".

"Alam kong may gusto ka kay Gerald, you better stop now coz' he is mine." Tinalikuran niya ito at tuluy-tuloy siyang lumabas na ng office nito.

Pagsakay niya ng kotse niya ay di niya napigilan ang mga luha niya. Naalala niya ang nakaraan nila ni Gerald. 18 years old siya ng magkakilala sila ng binata. 1st year law student ito. Siya naman ay artistang papasikat pa lamang. Ramdam niyang seryoso ito sa kanya. Sinasabi nito sa kanya na siya na ang gusto nitong pakasalan. Siya naman ay parang natakot. Marami pa siyang pangarap. Spoiled siya sa lalaki. Palagi siyang inuunawa nito sa lahat ng pagkukulang niya rito. Bihira kasi niyang mabigyan ng time ito. Hanggang sa narating niya ang kasikatan na gusto niyang marating. Ang lalaki naman ay nagsimula na ring magdemand ng oras niya. Hindi na ito gaya ng dati na nakukuntento na lamang sa oras na kaya niyang ibigay pero hibang siya sa tagumpay na meron siya. Kaya niyang mawala ang lalaki. Kinausap niya ito. Sinabi niya na di pa niya kaya ang seryosong relasyon. Naka 2 taon din sila. Noong una ay ayaw pumayag ng lalaki pero kalaunan ay napapayag niya din ito. Nahihirapan na kasi siyang pagsabayin ang relasyon nila at ang career niya. Sabi nito sa kanya ay maghihintay pa ito. Ngayong kaya na niyang talikuran ang kasikatan niya para sa binata ay nararamdaman naman niyang nawawala na ito sa kanya.

Naalala niya nung sumama siyang magdinner kasama ang mga kaibigan ng binata, napansin na niya na ang atensiyon ni Gerald ay na kay Laine. Kaya naman ng Makita niya ito sa teahouse ay nilapitan niya ito at nagkuwento siya tungkol sa kanila ni Gerald pero nung nakita niya ang 2 na kumakain, naalarma na siya. Pareho kasi silang nagnanakaw ng tingin sa isa't-isa. Natatakot siyang tuluyang mawala sa kanya ang lalaki, ngayon niya na-realized kung gaano niya kamahal ito. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya, iyon ang gagawin niya.

Gerald's POV

Ininvite niyang magdinner ang buong barkada nila, nanalo siya sa isang kaso kaya magti-treat siya ngayon at siyempre para magkaroon siya ng dahilan para makita si Laine.

Habang kumakain sila, nagtanong si Toni kay Laine, "Laine, kelan ang balik ni Harold?"

"Baka daw next month", sagot ni Laine.

"Kayo na ba ulit?" Tanong naman ni Suzanah.

"Pinag-iisipan ko pa", sagot ni Laine na ikinagulat niya.

"Wag mo ng pag-isipan, go na, baka maagaw pa yon ng iba", si Bianca.

"Pero alam mo Laine sayang siya kung pakakawalan mo pa, guwapo na, maganda pa ang trabaho at mabait pa. San ka pa?" si Brenda naman.

"Eh baka naman iba ang gusto ni Laine, pinipilit nyo siya kay Harold", singit naman ni Orvee.

"Kung yung gusto mo Laine eh maarte, wag na lang, kay Harold ka na lang", sabi naman ni Suzanah.

Nakakainis naman ang mga kaibigan niya, puro palpak ang advice kay Laine.

"Pa'no ba kayo nagkakilala ni Harold? Ikuwento mo naman ang lovestory nyo", masyang sabi ni Toni.

Anak naman ng dimonyo! Sabi niya sa utak niya. Ang daming pag-uusapan eh lovestory pa ni Laine at ng ungas na 'yon.

"Sa university kami nagkakilala. Sa library. Two years bago ako gumraduate, siya naman 1 year na lang non. Sabi niya, palagi daw niya akong nakikita sa library na laging natutulog. He was wondering daw kung bakit palagi akong nakadukdok sa desk". Umpisang kuwento ni Laine.

Sinubukan niyang ibahin ang usapan, "Pare Henry, kelan nga pala alis mo papuntang Germany?

"Next week pa pare, bakit, may ipapabili ka ba?" sagot naman nito.

"Ge, mamaya niyo na nga yan pag-usapan, ang ganda ng topic eh. Ituloy mo na ang kuwento Laine", reklamo ni Suzanah.

"Working student kasi ako no'n. Galing ako sa work bago pumasok kaya pagod ako. Pag may time pa, natutulog ako sa library unlike him nandon siya para mag-aral", pagpapatuloy ni Laine.

"One time, nagkabungguan kami sa door ng library, papasok ako, palabas naman siya. Ayun, nagtawanan kami and the rest is history", tinapos na ni Laine ang kuwento.

"Bitin naman! Kuwento ka pa", si Bianca.

"Si Harold na lang ang pagkuwentuhin niyo, dyahe naman kaya", tanggi na ng dalaga.

"Tama na nga yan, ang corny naman ng pinag-uusapan n'yo", sumingit siya.

"Baka naman nagseselos ka lang Ge!", si Toni.

"Oo nga! Uuyy! Nagba-blush ka Ge!" pang-aasar sa kanya ng mga kaibigan niya.

"Shut up guys! You know who I like", depensa niya sa sarili baka nga nahahalata na siya ng mga ito na nagseselos siya dahil sa totoo lang kanina pa bumabaligtad ang sikmura niya.

"Guys, out of town naman tayo", si Toni.

"Laine, di ba pagdating ni Harold ipapasyal mo siya, sama kami", si Bianca.

"Sige Laine, okay lang bang kasama kami?" si Toni.

"Of course naman. Masaya kung madami tayo. Sige pagdating niya, i-schedule natin", si Laine.

"Sama kami dyan ha", si Henry.

Naiinis siya kay Laine, may balak pa rin pala itong ipasyal si Harold. Di niya papayagang mangyari iyon.

Nang malapit ng silang matapos kumain, nagpaalam si Laine na mag-CR. Sinundan naman niya ito. Tama nga siya, di ito pupunta ng cr, palabas na ang dalaga. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso, "Di diyan ang papuntang cr".

"Hay Gerald, nanggugulat ka na naman! Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Dahil alam kong tatakas ka", sabi niya.

"Bakit aalis ka ng di nagpapaalam? Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.

"OO, iniiwasan kita kasi magagalit ang girlfriend mo!" sagot ni Laine na ikinagulat niya. Pumara ito ng taxi at sumakay na. Di naman na siya nakagalaw sa kinatatayuan niya, napaisip siya kung sino ang tinutukoy nito. Pero okay na rin na ang alam nito ay may girlfriend siya para di mahalata nito ang tunay niyang nararamdaman sa dalaga habang hindi pa siya sigurado kung talagang mahal ba siya nito o isa lamang siyang malaking hamon para sa dalaga.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon