Chapter 13

5.5K 93 1
                                    


Chapter 13

Gerald's POV

Hindi na siya nagulat ng makita si Laine na papasok sa restobar kung saan gaganapin ang birthday party niya. Wednesday pa lamang ay tinext na niya ang mga kaibigan niya. Sinadya nyang di ipaalam sa babae ang tungkol dito. Titingnan niya kung pupunta ito kahit di niya inimbita.

Ilang araw din siya nitong di inabala. Tumupad ito sa usapan nila. May mga pagkakataon na nami-miss niya ang ginagawang pagtetext sa kanya nito at sabay nilang pagkain ng meryendang dinadala nito maski ang sekretarya niya ay hinahanap ang presensya ng babae. Tinanong pa nga siya nito, "Atty., nag-away po ba kayo ni Ms. Laine? Di po kasi siya nagpupunta dito. Nakakamiss naman po siya at ang meryendang dinadala niya".

Minsan rin niya itong nakasalubong paglabas nila ni Ziara sa isang restaurant, sinadya niya itong di pansinin. Naputol ang alaala niya nang lumapit sa kanya si Atty. Dave Sandoval, kaibigan at kaklase niya sa law school, "Pare, do you know that girl in pink?" sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito at si Laine ang nakita niya. "Yeah, why?" tanong niya. "Is she available? I like her", diretsang sabi nito.

Di niya maintindihan ang nararamdaman niya ng oras na iyon. Parang ayaw niyang ipakilala si Laine dito. "Ipakilala mo naman ako pare", yaya nito sa kanya.

Sabagay sino ba naman ang di magkakagusto sa babaeng yon, kung di niya narinig mula sa bibig nito na isa siyang challenge para dito ay niligawan na niya ito.

Nang makalapit sila sa table nila Laine ay nakilala ni Henry si Dave. "Atty. Sandoval! Kumusta na ang bigtime lawyer ng California?"

"Henry, Pare! Lawyer lang di bigtime!" sangga nito na nakatitig kay Laine. Napansin naman iyon ni Henry kaya "Atty. Dave Sandoval meet Laine Gomez, very much available yan". Isinunod naman ipinakilala ni Henry ang iba pa nilang kaibigan. Kinamayan naman sila ni Dave isa-isa.

Sinadya ni Dave na umupo sa tabi ni Laine at inumpisahang bolahin nito ang dalaga, "Masyado ka namang seryoso miss" komento ni Dave. "Pare, buti na lang inimbita mo ko ngayon, may makikilala pala akong maganda dito" sabi ni Dave sa kanya.

"Kelan ang balik mo ng California?" tanong niya. "Next week na pero kung may magandang mangyayari, I'll be back here again. Sayang, sana naging mas maaga ang party mo", nakatingin ito kay Laine habang nagsasalita.

"Dave, si Laine galing din ng US, Philadelphia" singit naman ni Riah, isa rin nilang kaibigan.

"Really, pero dito ka na sa Pinas nag wo-work?" tanong nito kay Laine.

"Yes, but my family is in the US", sagot nito kay Dave. "I only have 1 week left here to spend, can I spend it with you?" tanong ni Dave kay Laine na narinig nilang lahat kaya naman tinukso ang dalawa. Naiinis siya kay Laine dahil parang gustung-gusto nito ang nagyayari, ang ganda kasi ng ngiti ng dalaga habang tinutukso sila.

Laine's POV

Ramdam niya ang titig ng lalaking ipinakilala sa kanila bilang Atty. Dave Sandoval. Parang may interes sa kanya ito at di nga siya nagkamali. Guwapo ito, matangkad, kayumanggi kung di lamang ang puso niya ay na kay Gerald na ay di naman malayong magustuhan niya ito dahil mukha din naman itong mabait.

Di na siya tinantanan nito hanggang sa pag-uwi. Pinagpaalam pa siya nito kay Suzanah dahil siya ang kasabay niyang pumunta doon. Dahil mukha naman itong mabait at kakilala nila, pumayag na rin siyang magpahatid. Di na rin sila nagkausap muli ni Gerald.

Masarap palang kausap si Dave, no dull moments ika nga. Sayang lang at nahuli ito ng dating sa buhay niya. Inihatid naman siya nito hanggang sa unit niya at kinuha pa nito ang cellphone number niya.

Kinaumagahan ng Sabado ay balik sa dati ang routine niya, text agad siya kay Gerald and as usual walang reply. Bandang hapon na nung nagdecide siyang tawagan ang binata, himala naman yata at sumagot agad di gaya ng dati na mga 10 beses muna niyang i-dial ang number nito bago sumagot, "Bakit?" tanong agad ni Gerald sa kanya.

"Pwedeng hello muna bago bakit" biro nya. "Wait, baka i-off mo cp mo...ahmm may pupuntahan ka ba mamayang 7 pm?" tanong niya.

"Yes, in fact I'm here in Laguna having dinner with my family kaya naman nakakaistorbo ka na" sabi ni Gerald

Hindi niya pinansin ang sinabi nito, itinuloy lang niya ang sasabihin, "Eh how about tomorrow? Huwag ka na tumanggi, yayain sana kitang magsimba".

"Bakit di si Dave ang yayain mo"

"Sus, nagselos ka naman agad, don't worry friends lang kami nung tao saka ikaw ang nag birthday kahapon, I'm sure di ka pa nakapagsimba".

"Sige! Sige!, I'll pick you up at 6:30 tomorrow, bye." Biglang payag ng binata.

Sa Edsa Shrine sila nagsimba. Pagkatapos ng misa ay niyaya niya itong magdinner ngunit tumanggi ang binata, busog pa daw ito kaya inihatid na lamang siya sa kanyang unit. Pinilit na lamang niya itong magkape. Habang nagkakape ito ay iniabot niya ang susi. Nagtataka itong nagtanong, "Ano to?"

"Extra key dito sa unit ko, para pag gusto mong pumunta kahit wala pa ako, makakapasok ka" sagot niya.

"As if gusto kong pumunta dito sa unit mo. I don't need that" tumayo na ito at akmang aalis na nang pigilan niya sa braso ang lalaki.

Gerald's POV

Napilit din siyang pumasok sa unit ng dalaga para magkape. Habang nagkakape siya ay nagbihis naman ito. Nagpalit ito ng short at sleeveless shirt. Ewan ba niya at biglang nag-init ang pakiramdam niya ng makita ang itsura ng dalaga kaya naman binilisan niya ang pag-inom ng kape. Habang siya ay umiinom ay iniabot sa kanya ang duplicate key ng unit na tinanggihan naman niya. Hinawakan siya ng dalaga sa braso ng siya ay aalis na at pagkatapos ay hinarap siya.

"Wait, masyado ka namang nagmamadali" sabi nito at bigla yumakap ito sa kanya ng mahigpit at sinabing "Na-miss kita, sobra". Nang tumingala si Laine ay nagsalubong ang kanilang mga mata at napatingin siya sa mga labi nito. Hindi na niya napigilan ang sarili, hinalikan na niya ang dalaga. Habang lumalalim ang halik nila sa isa't isa ay nagsisimula namang maglakbay ang mga kamay niya sa malulusog na dibdib nito. Gusto niyang tumigil sa paghalik sa dalaga pero di niya magawa para ba itong alak, nakakalasing. Mabuti na lamang at nag-ring ang cellphone niya kaya siya natauhan. Bumitiw siya sa dalaga, "I have to go", paalam niya at mabilis siyang lumabas ng unit nito. Nang siya ay nakasakay na sa kotse at naisip ang nangyari ay napamura siya, "F---k!" Ano kaya ang inisip ng babaeng yun ngayon, na wala nang challenge dahil bumibigay na ako sa kanya sabi niya sa sarili niya.

�2�\T�&

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon