Chapter 25

88.2K 766 27
                                    

Chapter 25

Kinabukasan, di siya mapakali dahil iniiwasan siya ng dalaga kaya kinahapunan nagtake out siya ng pagkain at tumuloy siya sa unit ng nito.

Nang pinagbuksan siya ng pinto ng dalaga sabi nito, “Bakit ka nandito? Nagpaalam ka ba sa girlfriend mo?” bungad tanong sa kanya ng dalaga na nakakunot noo pa.

Hindi niya pinahalata na affected siya sa pinapakita ni Laine. Tumuloy na siya sa loob ng unit nito, di niya pinansin ang tinanong nito. Siya na rin ang nag-ayos ng pagkain sa mesa, pinapanood naman siya ng dalaga. Pagkatapos, “kain na tayo”, yaya niya sa dalaga. Umupo naman ito sa tapat niya. Nilagyan niya ito ng pagkain sa pinggan. “Ang dami naman. Tama na”, tutol nito.

“Okay lang yan, sabi ko naman sayo, I prefer my girl with some flesh”, sabi niya na hindi naman pinansin ng dalaga.

“Baka malaman ng girlfriend mo na nandito ka, magagalit yon. Kasi kung boyfriend kita magagalit ako pag nalaman ko na pumupunta ka sa unit ng ibang babae” sabi ng dalaga.

Natawa siya, “don’t worry di naman ako nagpupunta sa unit ng ibang babae, dito lang”. Deadma naman ang dalaga sa sinabi niya.

Iba ang pakiramdam niya pag kasama niya ang babae, nawawala ang pagod niya, tulad na lang ng mga oras na’yon. Iniba niya na lang ang usapan nila, nagkuwento siya ng mga nangyari sa kanya sa trabaho. Nakikinig naman ito. Nagpaalam na siya pagkatapos kumain. Inihatid naman siya sa pintuan pero bago siya lumabas hinawakan niya ito sa 2 kamay at dinampian ng halik ang mga labi ng dalaga.

Laine’s POV

Nagulat siya sa naging bisita niya nung araw na iyon. Si Ziara. Mahal pa rin ng dalaga si Gerald. Siya rin, mahal niya si Gerald kahit na pinipilit niya ang sarili niya na layuan ito. Si Gerald kaya, mahal pa rin kaya niya si Ziara? Napabuntung hininga na lamang siya. Nitong mga nakakaraang araw ay nagugulat sa mga pangyayari sa pagitan nila ni Gerald, paunti-unti na itong lumalapit sa kanya. Ibig kayang sabihin non ay may pag-asa na siyang magustuhan ng lalaki.

Noong pinagkuwento siya ng mga kaibigan nila tungkol sa lovestory nila ni Harold ay para bang bored na bored ito. Iniiba pa nga nito ang usapan. Nasaktan siya sa reaksyon nito nang tinukso ito ng mga kaibigan nila na nagseselos ang binata. Malamang si Ziara ang tinutukoy nito na talagang gusto ng lalake.

Binabanggit niya rito ang tungkol sa girlfriend nito dahil nagbabakasakali siya na sabihin nito na wala siyang girlfriend ngunit di naman malinaw sa mga salita nito. Nalilito siya.

Talaga naman napakasaya niya kapag magkasama sila ng lalaki tulad na lamang nung pinuntahan siya nito sa unit niya na may dalang pagkain. Pinapanood niya ang mga kilos nito nung naghahanda ito ng pagkain lalo na kapag sinasandukan siya nito sa plato, nagdiriwang ang puso niya sa sayang nararamdaman pero di niya ipinapahalata iyon sa lalaki baka kasi bumalik sa dati ang pakikitungo nito sa kanya. Mas lalong pinasaya siya nito nung bago ito umalis ay hinalikan siya nito sa labi, napakasarap ng iginawad na halik sa kanya ng lalaki.

Nagtatalo sa isip niya kung ipaglalaban ba niya ang pagmamahal niya kay Gerald o ipapaubaya niya na lamang ito kay Ziara. May puwang na nga kaya siya sa puso ng binata o baka naman totoo ang sinasabi nito na hindi pa siya nito pinagsasawaan kaya lumalapit ito sa kanya at ang talagang mahal pa rin nito ay ang dating kasintahan.

**********************************

Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Gerald sa kanya kaya nagpunta na lamang siya sa mall para malibang tutal Saturday naman. Nag-aalala na siya. Nag-iisip na nga siya ng alibi para makausap ito. Parang wala siya sa sarili sa kakaisip sa binata. Pagdating niya sa unit niya, walang gana siyang kumain ng dinner. Tumunog ang doorbell. Tinatamad siyang tinungo ang pinto ngunit di pa niya ito nararating ay bumukas na ito. Si Gerald ang pumasok. Nagulat siya at sa sobrang miss niya sa binata ay niyakap niya ito. Gumanti naman ito ng yakap, “Na-miss mo ako noh”, bulong nito sa kanya. Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap dito, nakaramdam siya ng hiya.

“San ka ba galing?” tanong niya.

“Sa Cebu”, sagot nito.

Bakit di ka nagpaalam sa’kin? Tanong niya na hindi niya isinatinig dahil baka mapahiya lamang siya.

“Pasalubong ko sa’yo, kahit di mo ’ko naalala”, sabi nito.

“Salamat”, nun lang niya napansin na may dala pala ito.

“Kumain ka na ba?” tanong niya.

“Hindi pa, kagagaling ko lang ng airport tumuloy na ’ko dito para matikman mo yung lechon ng cebu”, sagot ni Gerald

“Talaga! May dala kang lechon. Tamang-tama, kumakain pa lang ako, halika na, tikman natin”, yaya niya. Sobrang saya niya dahil nakita na niya ang binata, bonus na lang ang pasalubong na dala nito.

Habang kumakain sila, “Ilan araw ka ba sa Cebu? Anong ginawa mo don?” magkasunod na tanong niya.

“Four days, trabaho ang ipinunta ko don”, sagot ng lalaki na nakatitig sa kanya.

Four days ka lang pala sa Cebu bakit mag-i-isang linggo kang di nagpaparamdam sa akin, sabi niya sa sarili niya. Na-concious siya sa titig nito kaya tumayo siya at kunwari ay kumuha ng tubig sa ref. Ewan ba niya, kanina ay wala siyang ganang kumain, ngunit ngayong nakita na niya ang lalaki ay daig pa niya ang lumaklak ng 5 energy drink. Di na rin matanggal ang ngiti niya sa labi. Inayos niya ang mukha niya baka kasi mahalata ng lalaki na tuwang-tuwa siya sa pagkikita nila.

“May gagawin ka ba tomorrow?”, susubukan niya itong yayain na magsimba. Sana ay pumayag ito. Dati kasi ay ilan beses niya itong niyaya bago siya pinagbigyan.

“Wala naman, bakit?” tanong ng lalaki.

“Baka gusto mong magsimba”, sabi niya.

“Sure, I’ll pick you up tomorrow at 5 pm”, sagot nito sa kanya. Tuwang-tuwa siya dahil pumayag ito agad pero siyempre di siya nagpahalata. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin ang lalaki, “Alis na’ko, bukas na lang” saka isinarado na nito ang pinto.

Ganon lang? walang kiss? Kakainis naman yun mokong na yon, sabi niya sa sarili niya. Masaya siya dahil magkikita sila ulit ng binata kinabukasan.

Gerald’s POV

May biyahe siya papuntang Cebu, 4 days din siya doon. Tiniis niyang di tawagan o puntahan si Laine bago siya umalis. Di niya ipinaalam sa dalaga na pupunta siya ng Cebu. Titingnan niya kung ano ang magiging reaksyon nito.

Parang napakatagal ng 4 na araw para sa kanya, idagdag pa ang 2 araw na di nila pagkikita bago siya umalis. Kung pwede lang hilahin ang oras para makauwi na siya sa Manila, miss na miss na kasi niya ang dalaga.

Pagdating niya ng Manila, tumuloy agad siya sa unit nito. Di na siya makapaghihintay pa ng kinabukasan. Natuwa siya sa reaksyon nito, niyakap siya ng dalaga, halatang namiss din siya nito. Mas lalo siyang natuwa nang yayain siya nitong magsimba kinabukasan. Nang magpaalam siyang umalis ay pinigil niya ang sarili na halikan ito dahil alam niyang di niya na mapipigilan ang sariling angkinin ang dalaga sa sobrang pagka-miss niya rito.

Kinabukasan, papalabas na siya ng unit niya nang dumating si Ziara. “Ge, aalis ka? Samahan mo naman ako sa hospital, na-confine si mama”, naiiyak nitong sabi sa kanya.

“Ha?” naawa naman siya kay Ziara. Very close kasi ang dalaga sa mama niya, lahat ng gusto ng mama niya ay sinusunod ng dalaga. Siya rin yata ang nag-utos kay Ziara na makipaghiwalay sa kanya dahil sagabal siya sa career ng anak. “Ano ba ang nagyari?” tanong niya. “Di ko rin alam Ge, tinawagan lang ako ng tita ko at sinabi na isinugod nila si mama sa hospital”, paliwanag nito.

“Sige, tara na”, yaya niya kay Ziara.

Habang biyahe ay tinawagan niya si Laine, “hello, I can’t pick you up. Something emergency came up”. Yun lang ang sinabi niya at ini-end na niya ang call kay Laine.   

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Sorry for the late update. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon