Chapter 39

4K 66 1
                                    


Chapter 39

Ziara's POV

Sobrang sakit ang nararamdaman niya habang sinasabi ni Gerald na may iba na itong mahal. Sising-sisi siya sa ginawa niyang pag-iwan dito noon, sana ay pinahalagahan niya ito. Wala siyang ibang minahal kundi si Gerald lamang bukod sa kanyang career. Kahit wala na sila ay nakikibalita pa rin naman siya tungkol sa binata kaya alam niya na wala pa itong sineseryosong babae pagkatapos nila. Nalaman din naman niya ang tungkol kay Laine na lumalapit kay Gerald, hindi siya naalarma dahil di raw ito pinapansin ni Gerald. Ngunit di niya namalayan na napalapit na pala kay Gerald si Laine. Naiinis siya sa sarili niya dahil nagpabaya siya, huli na pala nung kinausap niya si Laine. Pero ayaw niyang sumuko, hindi pa sabi niya sa sarili niya.

Gerald's POV

Kadarating niya sa condo unit niya nang mag ring ang cellphone niya, si Bianca. Nagtatakang sinagot niya ito, "Hello, Bianca". Sinabi ni Bianca na nasa isang bar sila sa Makati, nandoon si Laine lasing na lasing, pinapasundo nito ang dalaga. Nagulat siya sa sinabi nito kaya naman nagmamadali na siyang nagtaxi at nagpunta doon sa sinabing lugar. Pagpasok niya ng bar ay nakita niya agad si Bianca, lumipat ang tingin niya sa kaharap nito na nakadukdok, si Laine. Nakatulog na ito sa kalasingan. Binuhat na niya ito ngunit di pa rin ito nagising. Isinakay niya ito sa kotse. Tulog pa rin. Sa condo unit niya dinala ang dalaga, ginigising niya ito ngunit sa tindi ng kalasingan ay di pa rin ito magising. Binuksan niya ang pinto sa gawi nito at binuhat niya ang dalaga ngunit nang mapadukdok ito sa kanya ay nasuka ito, "F—ck!", napamura na lamang siya. Parehas silang may suka ng dalaga, ngunit tulog pa rin ito. Inilapag niya ito sa kama niya. Nagbihis muna siya bago niya ito iniayos.

Parusa na naman ito sa kanya. Masisilayan na naman niya ang kabigha-bighani nitong katawan ngunit tulog na tulog naman ito. Hinubad niya lahat ng saplot nito, iniwan lamang niya ang panty nito dahil iyon lamang ang di nalagyan ng suka. Maingat niyang nilinis ito. Habang ginagawa niya iyon ay iniisip niya kung bakit ito naglasing ng ganoon at siya ang sinisisi ni Bianca. Ano nga ba ang nangyari? Maganda ang nagging samahan nila sa Tagaytay at maayos din ang naging paghihiwalay nila. Isinuot niya rito ang oversize t-shirt niya. Tinititigan na lamang niya ito habang natutulog hanggang sa inantok na siya at nahiga siya sa tabi nito.

Maaga siyang nagising, nagluto siya ng almusal nila. Masarap ang pakiramdam niya na si Laine ang ipagluluto niya. Naligo muna siya bago ito gisingin. Pinuntahan niya ito sa kuwarto at tinapik tapik ang balikat, "Laine, Laine, gising na, kakain na tayo, May pasok ka pa". Magbibihis na sana siya dahil tuwalya lamang ang nakatapi sa kanya ng biglang may nagdoorbell, tiningnan niya sa cctv camera kung sino ang nasa labas, mommy niya, tinungo niya na muna ang pinto kahit towel lang ang tapi niya, tutal mommy niya lang naman iyon.

Pagbukas niya ng pinto ay hindi lang mommy niya ang naghihintay sa pintuan, kasama nito ang isang pari at tatlong madre, nagulat siya at mas lalo siyang nagulat nang nagsalita si Laine mula sa likod niya na pupungas-pungas, "where are my clothes?". Napalingon silang lahat sa kanya. Gulat na gulat ang mommy niya at ang mga kasama nitong relihiyoso. Nagsalita agad ang mommy niya, "Father, sisters, invited nga pala kayo sa kasal ng anak ko at ng fiancee niya, si Laine, in 6 months time. Father, kayo po ang request nilang celebrant".

"Mom?....", Yun na lang ang nasabi niya. "O sige, aalis na kami, continue what you are doing..", saka ito tumalikod na, wala nang nakapagsalita sa kanila, sumunod na rin sa mommy niya ang pari at ang 3 madre.

"Look what you've done!" sigaw sa kanya ni Laine.

"What have I done?" sagot niya.

"Hmmp!", sabay talikod sa kanya ng dalaga.

Nag ring ang cellphone niya, ang mommy niya, "Mom, what was that? Anong kasal yun sinabi mo kanina?"

"Hoy Gerald! Wag niyo ako ipahiya, nagpakita kayo ng ganoon ang ayos niyo, what do you expect me to say? Ginagawa niyo na rin lang naman yun eh di magpakasal na lang kayo. Mga relihiyoso ang mga nakakita sa inyo sa ganoong ayos, syempre naiskandalo sila! To save us from humiliation dahil kasama na ako don, kaya sinabi ko na magpapakasal kayo and I mean it!" mahabang litanya ng mommy niya.

"Mom, di pa namin napag-uusapan yan" nakasingit naman siya.

"Eh di pag-usapan niyo na. Ano na lang ang iisipin nila Father at ng mga madre, kinukunsinti ko ang anak ko sa mga gawaing ipinagbabawal ng simbahan, miyembro pa naman ako ng mga relihiyosa...basta in 6 months time ikakasal kayo!" saka ini-off na nito ang cp niya.

Natulala siya sa sinabi ng ina. Pero on the second thought, pinapadali ng mommy niya ang mga bagay-bagay para sa kanya, ang problema ay kung paano niya mapapayag si Laine.

Naputol ang pag-iisip niya nang magsalita si Laine, "Where are my clothes? Para makaalis na ako!"

"Bakit ba sigaw ka nang sigaw? Ipina-laundry ko na ang mga damit mo dahil nasukahan mo pati rin damit ko. Hintayin lang natin, 9 o'clock ide-deliver", paliwanag niya.

"Habang naghihintay, kumain na tayo. Magkape ka dahil may hang-over ka. Ilang case ba ang nainom mo ha? Hanggang ngayon amoy beer ang hininga mo", sabi niya. Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at hinila papunta sa dining table.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon