Chapter 22
Tumawag sa kanya si Toni, nagyayaya itong magdinner, treat daw niya kasi daw nakapagclose ito ng isang malaking deal. Natuwa siya dahil makikita niya ang dalaga.
Wala pa ang dalaga nang dumating siya sa restaurant. Nagsalita naman si Suzanah, "ang tagal naman ni Laine".
"Magkikita pa kasi sila ni Harold", sagot naman ni Bianca.
"Sinong Harold?" tanong naman ni Orvy.
"Si Harold ang ex ni Laine", si Bianca.
"Oh, interesting. Ipapakilala niya ba sa atin? Sila na ba ulit?" tanong naman ni Toni.
"Eto na pala sila", sabi ni Dave.
Tumingin siya sa dumarating. Si Laine at isang Amerikano. Di niya mai-describe kung ano ang nararamdaman niya sa nakikita niya. Ipinakilala ni Laine si Harold sa kanila. Isa daw itong computer engineer na may project dito sa Pilipinas.
Habang kumakain ay pinagsisilbihan ni Laine ang lalaki. Ini-interview naman ito ng mga kaibigan niya. Wala siyang naiintindihan sa usapan nila bagkus ang nararamdam niya ay parang gustong bumaligtad ng sikmura niya. Ganoon kasi siya pag extreme ang nararamdaman niya. Nagpunta siya ng comfort room, doon siya nakahinga ng maluwag. Nang bumalik siya sa mesa nila ay composed na siya. Tinititigan niya si Laine, alam ito ng dalaga dahil umiiwas ito ng tingin. Nalaman niyang 3 days lamang ito sa Pilipinas. Talaga rin daw na sinadya ng lalake na kunin ang project sa PIlipinas dahil gusto niyang Makita ang dalaga. Napangiwi siya sa narinig.
Di na niya matiis ang usapan, nauna na siyang nagpaalam. Pero di siya umuwi. Doon siya nagtuloy sa unit ni Laine. Hihintayin niya itong dumating.
Laine's POV
Nagring ang kanyang cellphone, walang id number. Sino kaya 'to? Tanong niya sa sarili niya bago sinagot ang tawag, "Hello".
"Hello Laine", sabi sa kabilang linya.
Parang kilala niya ang boses. Inulit ng kausap niyang mag hello at noon niya naalala kung sino ang may-ari ng boses na 'yun.
"Harold! Is that you?"
"Yes! I thought you will not recognize me!" sabi ni Harold.
"What's up? Where are you?" excited siyang nagtanong. Matagal na kasi silang di nagkita o nagkausap.
"Hey, hey! Easy. Guess where I am?" sagot naman ng lalaki.
"I'm serious, where are you?" tanong ulit niya. May pakiramdam siyang malapit lang ito sa kanya.
"Near you", sagot nitong tumatawa.
"I'm here at Makati Shang" dagdag pa nito.
"Oh my.....you're here in the Philippines. Wait for me. I'll come to you", masaya niyang sinabi rito. Pupuntahan niya si Harold.
Habang papunta siya sa Makati Shangri-la, nagflashback sa kanya ang mga nangyari sa kanila ni Harold. Si Harold ang pangalawang naging boyfriend niya. Nakilala niya ito sa university na pinag-aaralan niya nung college siya. Mas matanda sa kanya ito ng isang taon. 2 taon din silang naging mag boyfriend. Wala na siyang hahanapin pa sa lalaking ito, mabait, matalino, super gentleman. Kaya lang di sila para sa isa't-isa. Nagkahiwalay sila 6 months before graduation. Pareho silang sobrang busy. Lalo na siya na working student pa. Naiyak silang pareho nung nagpaalaman sila. Very smooth ang naging relasyon nila. Naputol ang alaala niya ng makarating siya sa hotel. It has been 3 years since they last saw each other. Boto din ang mga magulang niya kay Harold.
BINABASA MO ANG
Forever....Tonight (Published by LIB)
عاطفيةAno nga ba ang puwedeng gawin makuha lamang ang pagmamahal ng isang taong matagal mo ng itinatangi? Ito ang problema ni Laine. Minahal na niya si Gerald kahit hindi pa man lang siya nito nakikilala. Pagkaraan ng 12 taon, heto siya nagbabakasakalin...