Chapter 34

4.2K 78 0
                                    


Chapter 34

Gerald's POV

Bago mag alas 6 ay nasa pintuan na siya ng unit ni Laine. Pagbukas nito ay kinuha niya agad ang dala nitong bag. Napakaganda ng dalaga at humahalimuyak ang bango nito. Ang aga-aga ay iba agad ang nararamdaman niya dahil sa dalaga. Napansin niyang napapangiti ito, mabuti naman at maganda ang gising nito. Habang nagbibiyahe sila papuntang Tagaytay ay sinimulan niyang magtanong tungkol sa buhay ng dalaga. Kahit ayaw niyang tanungin kung paano nagkakilala ang dalaga at si Harold ay tinanong niya na rin. Nabuko tuloy na di niya pinakinggan nung nagkukuwento ito noon. Hindi kasi siya interesado marinig ang love story ng 2 at isa pa ay parang bumibigat ang dibdib niya pag nakakrinig ng kuwento tungkol sa 2.

Tinanong na lamang niya kung bakit sila nagbreak. Sinagot naman nito ng buong-buo. Nagkomento siya na hindi nito talaga mahal si Harold dahil nag give up siya, itinaggi naman ito ng dalaga. Siya naman ang tinanong nito, sinagot niya ito ng totoo. Parang nagbago ang anyo nito, kaya sinamantala niya itong lokohin na wag nang magselos dahil tapos naman na iyon. Nagulat na lamang siya nang magsalita ito at sabihing susundan niya si Harold sa States para makipagbalikan kaya naman bigla siyang nagpreno. Parang tumaas ang dugo niya sa ulo sa narinig niya. Hindi niya napigilan sumigaw sa pakikipagusap sa dalaga. Pagkaraan naman ng sagutan nila ay huminahon naman silang parehas.

Naisip niyang napakatanga ng lalaking iyon nang pumayag ito na makipaghiwalay si Laine, well, his loss, is my gain, sabi niya sa isip niya. Gagawin niya ang lahat para makalimutan ni Laine ang ex nito.

Nang tumawag si Ziara sa cellphone ay lumayo siya kay Laine para di marinig nito ang pinag-uusapan nila. Ayaw niyang mag-isip ito na may namamagitan sa kanila ni Ziara. "Hello", bati niya.

"Ge, where are you? Yayayain sana kitang mamasyal. I'm free as a bird this weekend. Dati kasi wala akong time para mamasyal, ngayon meron na", sabi ni Ziara sa kabilang linya.

"I'm out of town Ziara", sagot niya.

"Where? Sino kasama mo? Baka puwedeng sumunod", pilit nito.

"No, I'm with someone. I'll tell you when I get back", sabi niya.

"Ganon, you are with someone. Sige, I'll see you when you get back", malungkot na sabi nito.

Eto na ang problema niya, paano ba niya sasabihin kay Ziara na wala ng pag-asa na maging sila ulit. Ayaw sana niyang saktan ang dalaga ngunit wala siyang magagawa kung hindi sabihin na ang totoo para di na ito umasa pa. Pagbalik nila ng Manila ay yun ang gagawin niya.

********************

Mabilis siyang nakatulog sa mga haplos ni Laine sa ulo niya. Pagdilat niya ay mabilis siyang napatayo. "Anong oras na?"

"It's already 1 o'clock", sagot ni Laine.

"Sorry, napasarap ang tulog ko, ang sarap kasi ng unan ko", ngumiti siya at saka tumayo na. Hinila na rin niya ang dalaga para sumunod na sa kanya sa pagtayo.

Naglunch sila at pagkatapos magpahinga ay nag zipline sila. Naka dalawang beses silang mag zipline. Natuwa naman siya at nagenjoy ang dalaga. Alas 6 na ng hapon nang marating nila ang resthouse nila.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay nang maalala niya, "Nagpaalam nga pala si Manang Rose, di siya makapunta ngayong weekend kaya wala pa tayong nalutong pagkain. Do you wanna dine out?" tanong niya sa dalaga.

"Wag na, kung may lulutuin, ako na lang magluluto pero I have to rest muna", sabi naman nito sa kanya habang papahiga na sa kama.

"Okay, matulog ka muna, anyway it's only 6 o'clock".

Nahiga na ang dalaga. Mabilis naman itong nakatulog. Hindi naman siya inaantok kaya siya na lang magluluto. May nakita siya sa ref na porkchop, prito lang naman ang alam niyang lutuin. Nagsaing na rin siya sa rice cooker.

7:30 na nang magising ang dalaga. Siya naman ay nakahiga sa sofa habang nanonood ng tv. Tinungo ng dalaga ang kusina, "Nagluto ka na? sorry ha, napatagal ang tulog ko. Marunong ka pa lang magluto".

"Okay lang, mukha talagang napagod ka eh, ang lakas ng hilik mo", sabi niya.

"Liar, I do not snore", inirapan siya nito.

"Halika ka nang kumain, gutom na ako", yaya sa kanya ng dalaga.

Habang kumakain sila, "Marunong ka palang magluto".

"Prito lang ang alam kong iluto, saka bihira akong magluto".

"Ang suwerte ko pala at natikman ko ang luto mo", sabi ng dalaga.

"Talagang masuwerte ka sa akin", mahinang sabi niya.

"What?"

"KUmain ka na ng magkalaman ka naman", pag-iiba niya ng usapan.

"Bakit si Ziara payat naman ah?" sabi niya.

"If I have enough time with her that time, for sure tataba siya dahil di ako papayag na hindi siya kakain ng maayos, kaya lang limited lang ang time na magkasama kami eh", sagot niya, tinitingnan niya kung ano ang magiging reaksyon nito.

Nakita niyang sumimangot ang dalaga, napangiti siya dahil affected ito sa sinabi niya.

"Omelette, marunong ka?" tanong sa kanya ni Laine.

"Hindi, prito nga lang, ah kaya ko din ang adobo pala", sagot niya.

"Si Harold kasi ang sarap mag omelette, pero yun lang ang alam din niyang lutuin. Tinuturuan ko nga siyang magluto ng adobo, di niya alam talaga", nakangiti ito habang nagkukuwento.

"Kung gusto mong magswimming, meron sa likod, jacuzzi", pag-iiba niya ng usapan, ayaw niyang nababanggit nito si Harold kapag nag-uusap sila.

"Talaga! Mamaya magswimming tayo", masayang sabi nito sa kanya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon