Chapter 45

4.3K 75 1
                                    


Chapter 45

Gerald's POV

6:30 na ng gabi nang makabalik siya galing sa Cebu, tutuloy na sana siya kay Laine kaya lamang tumawag sa kanya ang mom niya, reminding him na may family dinner sila sa father side niya dahil death anniversary ng lola niya. Hindi naman siya puwedeg hindi pumunta dahil matagal ng naka schedule iyon at magagalit ang mommy niya sa kanya ng todo. Ang laki pa naman ng pasasalamt niya sa mommy niya dahil sa kanya makakasal sila ni Laine.

Kinabukasan pagkatapos ng hearing niya at pakikipag-usap sa mga kliyente niya, dali-dali siyang pumunta sa restaurant para magtake-out ng pagkaing dadalhin niya kay Laine. Sinadya niyang hindi tawagan ang dalaga pagdating niya. Gusto niya itong sorpresahin.

Alas 8:00 na ng gabi ng makarating siya sa condo ng dalaga. Ginamit niyaang duplicate key niya. Pagpasok niya ng unit ay madilim. Binuksan niya ang ilaw, parang wala pang tao. Nasaan kaya si Laine? Nagtuloy siya sa kuwarto ng dalaga, nakita niyang tulog na tulog ito. Di na niya sana ito gigisingin kaya lamang ay baka di pa ito kumakain dahil suot pa rin nito ang pang office na damit.

"Laine, Laine, wake up", sabi niya habang tinatapik-tapik niya ang dalaga.

Para naman itong naalimpungatan, pagkakita sa kanya ay namulagat ito at malakas na nagsalita, "Why are you here?!"

"Ilang araw tayong di nagkita tapos tatanungin mo ako ng ganyan. Get up. For sure di ka pa kumakain, may dala akong pagkain", sabi niya sa dalaga. Hinila niya ito sa dalawang kamay para tumayo.

Pinaupo niya ang dalaga sa may dining table, inihanda niya ang dala niyang pagkain. Nakatitig lamang ang dalaga sa pagkain sa mesa.

"Titigan mo ba yan o susubuan kita para kumain ka lang. Sabi ko naman sa'yo ayoko ng puro buto", nang hindi ito tuminag ay kinuha niya ang kutsara at tinidor saka niya susubuan ang dalaga. "Nganga", utos niya at sumunod naman ito. Kinuha na sa kanya ni Laine ang kutsara at tinidor. "Ako na lang, umalis ka na", sabi nito sa kanya.

"Hindi ako aalis, mag-uusap pa tayo, kumain ka na. Hihintayin kita sa terrace", sabi niya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay sumunod na ito sa kanya, nakabihis na rin ito ng pambahay. "Ano ba ang pag-uusapan natin?" si Laine. "Kung tungkol sa kasal, di ako magpapakasal sa'yo", dugtong pa nito.

"And why not? Di mo na ba ako gusto? Or may iba ka ng gusto?", nasasagad na siya sa dalaga. Miss na miss pa naman niya ito. Kanina pa niya ito gustong yakapin.

"Kung meron man, wala ka na don!" sigaw nito sa kanya.

Nilapitan niya ang dalaga, inilapit niya ang mukha niya rito at tinitigan "tell me, straight in my eyes, di mo na ba ako mahal katulad ng sinasabi mo noon sa akin?".

Si Laine ang nag-iwas ng tingin, "Iba noon at iba na ngayon", saka ito tumalikod sa kanya. "Ano ang kaibahan ng noon at ngayon?" tanong niya. Natatawa siya dahil nakikita niyang di alam ni Laine kung ano ang isasagot. Mahal na mahal niya ang dalaga pero di niya sasabihin iyon hanggat di nito inaamin na mahal pa rin siya nito hanggang ngayon, kailangan din naman niyang makasigurado.

Laine's POV

Wala siya sa mood. Ilang araw na silang di nagkikita ni Gerald tapos ay hindi pa ito tumatawag. Hindi rin siya nito pinuntahan sa araw nang pagdating ng binata kaya naman naiinis siya, nakalimutan na kaya siya nito.

Nang Makita niya ang mukha ng lalaki pagkagising sa kanya ay talagang nagulat siya. Naunahan lang siya ng inis kaya hindi niya ito niyakap agad. Talaga namang miss na niya ang lalaki. Pero di niya aaminin iyon kunwari ay pinapaalis pa nga niya ito.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon