Chapter 4
Parang siyang binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran nito pero sinabi niya sa sarili niya na di siya patatalo dito. “Okay, pagbibigyan kita ngayon Attorney, pero I assure you, next time di ka na makakatanggi sa akin” sabi niya rito at lumabas na siya ng office nito.
Friday, 5:00 PM. Nagmamadali siyang tapusin ang trabaho niya sa office dahil alam niyang maya-maya lamang ay may tatawag na sa kanya. Rinngg…Riinngg…”Hello Russel, oo, I’ll be there at 7:00 PM, be sure magaganda yang mga ipapakilala mo” sabi niya sa kausap.
Isa si Russel sa mga kabarkada nila ni Henry way back in college. Kahit na iba-iba na ang linya nila ng trabaho, they make it a point na magkita-kita one Friday every month. Karamihan sa mga kabarkada niya ay may kanya-kanya ng business, siya lamang ang abogado sa mga ito. Kinukulit siya ng mga ito na importanteng dumating siya sa kanilang get together dahil may mga bago daw na sumasali sa group nila na 2 babae.
7:30 PM…Pumasok siya sa isang mamahaling restaurant sa Taguig. Nang makita niya ang table ng mga kaibigan niya, agad siyang lumapit sa mga ito. May nakita siyang 2 babae na nakatalikod sa kanya. Unang nagsalita si Jarred, isa sa mga kaibigan din nila, “The ever late, Atty. Gerald Sanders, meet Bianca and Laine”, sabay tingin sa kanya ng 2 babae. Medyo nagulat siya dahil di niya inaasahan na sila pala ang sinasabi ng mga kaibigan niya. Naisip niya, totoo yatang kukulitin siya ng Laine na ito. “Hi Bianca”, bati niya sa dalaga, ”I’ve met them already, dun sa anniversary ng parents ni Henry” dagdag niya na hindi tiningnan man lang si Laine. “Nasaan pala si Henry, absent?” tanong niya sa kanila. “Pass daw muna siya at flight niya ngayon papuntang Singapore”, sagot naman ng isa.
Habang kumakain, hindi matapos-tapos ang pagi-interview ng mga kaibigan niya kay Laine at mukhang aliw na aliw sila rito. Kahit di niya tinitingnan ang babae ay ramdam niya na tinititigan siya nito, bagay na labis niyang ikinai-irita.
Matapos silang kumain at magkuwentuhan ay nagpapaalaman na sila ng magsalita si Suzanah, isa sa mga kaibigan din nila “Gerald, isabay mo na si Laine, pareho naman kayo ng way, sa Emerald Condo siya, pag si Bianca pa ang naghatid maa-out of the way na siya, ok lang ba?”. Hindi siya kaagad nakapagsalita na na-misinterpret naman nito na pagpayag niya. “O ayan Laine, may maghahatid na sa’yo, you need not worry pag lalabas tayo ng Friday”, masayang sabi ni Suzanah sa kanya. Sabay-sabay silang lumabas ng restaurant. Sumunod na lamang siya kay Gerald, samantalang hindi kumikibo ang huli na para bang nagmamadali ito at gusto siyang iwanan.
“Wait, Gerald!” tawag niya dito dahil medyo malayo na ang agwat nila ngunit di siya nito pinansin bagkus pinagpatuloy pa rin ang mabilis na lakad. Huminto ito sa tapat ng isang black na BMW, sumakay ito. Binuksan naman niya ang passenger’s door at sumakay.
“Where’s your car?” iritadong tanong sa kanya ng lalaki.
“Coding”, maikling sagot niya.
Hindi na ito kumibo ng magsimulang umandar ang sasakyan.
Masyadong tahimik sa loob ng kotse kaya siya ang unang nagsalita dahil alam niyang wala itong balak na kausapin siya. “Sabi ko naman sayo eh next time di mo na ako matatanggihan”, pag-uumpisa niya ng usapan.
“Hindi ikaw ang di ko natanggihan, it’s Suzanah, dahil kung ikaw lang ang magsasabi sa akin, di kita ihahatid, is that clear?” komento nito sa sinabi niya.
“Why are you so mean to me?” tanong niya na parang may hinanakit.
“Is it not obvious? I DON’T LIKE YOU”, sagot nito sa kanya.
“Sobra ka naman makapag I don’t like you, para namang napaka pangit, napakasama ng ugali ko. Alam mo, that’s bad…inaayawan mo na agad ang isang tao na di mo pa naman nakikilala. Give me a chance naman”, malambing na sabi niya dito kahit na nasasaktan siya sa pakikitungo nito sa kanya.
Inihinto siya nio Gerald sa tapat ng kanyang condo at sinabing “Get out”. Nagulat siya sa sinabi nito, pero kunwari di siya apektado, nakuha pa niyang yayain ito, “Wanna drink coffee?”. “Ayoko”, matigas na sagot nito. “Okay, I’ll see you again, ingat”, sabi pa niya. Inirapan lang siya nito at umalis na.
Gerald’s POV
Habang siya ay nagmamaneho pauwi sa kanyang condo, ang babae ang laman ng isip niya. Makulit talaga ang babaeng yon. Hindi niya akalain na ganoon ang ugali nito noong una niya itong makilala. Mukha kasi itong mahinhin, muntik na nga siyang mabighani dito buti na lamang at napansin niya agad ang style nito na nakapagpa turn-off sa kanya. Pero di niya mapigilan ang sarili na humanga sa kagandahan nito. Di nakakasawang titigan ang mukha nito dahil habang tinititigan ito ay lalo ito gumaganda
BINABASA MO ANG
Forever....Tonight (Published by LIB)
RomanceAno nga ba ang puwedeng gawin makuha lamang ang pagmamahal ng isang taong matagal mo ng itinatangi? Ito ang problema ni Laine. Minahal na niya si Gerald kahit hindi pa man lang siya nito nakikilala. Pagkaraan ng 12 taon, heto siya nagbabakasakalin...