Chapter 29

4.5K 87 0
                                    


Chapter 29

Laine's POV

Nakapikit na siya nang bumukas ang pinto, tinanong niya kung bakit sila bumalik sa pag-aakalang ang mga kasama niya sa kuwarto ang pumasok ngunit wala siyang sagot na narinig kaya dumilat siya at tiningnan ang dumating. Laking gulat niya nang makita niya na si Gerald pala ang pumasok. Pinilit siya nitong bumangon, ang dahilan ng lalaki ay nandoon sila para mag-enjoy at di para matulog. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito, nagbihis siya ng swimsuit. Paglabas niya ng banyo ay nagulat ito sa suot niya, pinagpalit siya nito ng swimsuit dahil para daw siyang trying hard na pokpok. Anhin man niyang tingnan ang hitsura niya nang iharap siya nito sa salamin ay bumagay naman sa kanya ang suot niyang ternong bikini. Masakit para sa kanya ang sinabi nito na feeling sexy siya, ganon ba ang tingin ng lalaki sa kanya? Kaya hinanap niya ang bathing suit niyang black na parang pang swimming competition, isusuot niya sana iyon pag nagsnorkeling sila kinabukasan kaya lang ay sobrang pang-iinsulto ang ginawa ni Gerald sa kanya kaya yun na ang sinuot niya para masiyahan na ito.

Binilisan niya ang lakad papunta sa restaurant na pagkakainan nila kaya nauna siyang nakarating kesa kay Gerald.

"Laine, beach ito, Boracay ito girl, hindi swimming competition", komento ni Bianca sa suot niya.

Deadma na lang siya sa comment nito. Tumabi na lamang siya kay Harold at nag-umpisa na siyang kumain. Asikasong-asikaso naman siya ni Harold. Inis pa rin siya kay Gerald.

Pagkatapos nilang mag-lunch, naglakad-lakad muna sila. Sila ni Harold ang magkasama at masayang nagkukuwentuhan.

Napagkasunduan nilang maglaro ng volleyball. Girls versus Boys.

Si Gerald ang taga spike sa mga lalake. Tuwing magi-i-spike ito ay sa kanya ang direksyon ng bola. Pinipilit niyang tirahin ang bola, kadalasan ay palpak ang pagtira niya. Masakit na ang mga kamay niya dahil sa lakas ng tira ni Gerald. Halatang sa kanya talaga pinupunta ang mga tira nito. Nang huli niyang pagtira sa spike ni Gerald ay napilayan yata siya kaya naman tumigil na siya sa paglalaro. Pinuntahan siya agad ni Harold, tiningnan ang mga kamay niya. Sinabi niyang okay lang siya kaya naman bumalik na ito sa paglalaro at nang uupo na siya ay siya namang hawak ni Gerald sa kamay niya at hinila siya nito. Dumaan sila sa isang canteen, bumili ang binata ng yelo. Dinala siya nito sa hotelroom ng binata, iniupo siya sa kama at doon dinampian ng yelo ang namaga niyang kamay. "bakit kasi tinitira mo lahat ng ibinabato ko sa'yo? Feeling mo kaya mo?" painsultong tanong nito sa kanya.

"di naman sa gano'n kaya lang kasi siyempre ayoko naman ako ang maging dahilan ng pagkatalo namin, ang laki kaya ng pustahan. Saka, bakit kasi sa'kin mo dinadala ang bola?" katwiran nito.

"Syempre, gusto ko rin manalo kaya dinadala ko sa mahina", sabi nito habang hinihimas-himas nito ang pilay niyang kamay. Akmang hahablutin niya ang kamay niya ngunit hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. "Sorry", mahinang sabi nito saka hinalikan ang kamay niya. Pataas ng pataas ang halik nito, hanggang sa mga labi niya. Gusto niyang tumutol pero di niya mapaglabanan ang nararamdamang pananabik sa mga halik at yakap nito. Hinahalikan na siya nito sa leeg at naihiga na rin siya ng binata sa kama habang unti-unti na rin nitong hinuhubad ang bathing suit niya.

"Ge, baka dumating ang roommate mo", banggit niya sa pagitan ng mga halik nito. "I'm alone here", matipid na sagot nito habang hinahalikan siya.

"Ge, baka hanapin nila tayo", sabi niya. "Don't mind them", sabi naman ng lalaki.

"Ge, alas 3 pa lang", singit na naman niya. "So what", sagot ng lalaki habang gumagapang ang mga labi nito sa katawan niya.

"Ge, maliwanag", sabi niya kasi nakabukas ang mga ilaw pati ang kurtina ay nakahawi kaya pumapasok ang liwanag sa kuwarto.

"Better, para Makita natin ang isa't isa", sagot nito. Pero tumayo naman ito at sinabi sa kanya, "don't move". Ang nakahawing kurtina sa terrace ay iniladlad na nito pati ang ilaw ay pinatay na rin kaya hindi na ganoon kaliwanag sa kuwarto. Siya naman ay naiwang nakahiga sa kama, pinagkrus niya ang mga braso at niyakap niya ang sarili niya para matakpan ang hubad niyang dibdib. Nasa ganoong ayos siya nang balikan siya ni Gerald, kinuha nito ang dalawang braso niyang nakatakip sa mga dibdib niya at sinabing, "don't hide those, they are beautiful", and tasted one of the peaks which made her groan. Kung kanina ay banayad ang paghalik nito sa kanya ngayon naman ay sabik na sabik ito sa ginagawa. Dahil sa liwanag na pumapasok sa kuwarto ay kitang-kita niya ang guwapong mukha ng lalaki at ang pagnanasa nito. Mabilis nitong nahubad ang bathing suit niya, bumaba ang mga labi nito sa kanyang ibaba. Napaliyad siya sa sensasyong nadarama. Lalong naging mapusok ang mga halikan nila dala na rin ng pananabik nila sa isa't isa. Sabay nilang narating ang sukdulan na hingal na hingal. Naidlip silang pareho. Nagising siya sa tunog ng cellphone niya. Hinanap niya agad iyon, "Hello", sabi niya.

"Girl, asan ka ba? Okay ka lang ba? Kanina pa kami tumatawag sa'yo" si Bianca sa kabilang linya.

"Naidlip kasi ako, bababa na ako, san ba kayo? Tanong naman niya.

Pagkatapos niyang makipag-usap kay Bianca, tiningnan niya ang katabi niya. Pinagmasdan ang mukha nito. Walang siyang naramdamang bahid na pagsisisi sa anumang namagitan sa kanila magmula nang gabing ipinagkaloob niya ang sarili niya sa binata hanggang sa ngayon kahit hindi alam kung ano ba ang nararamdamn nito para sa kanya ay maligaya siya dahil mahal niya ang lalaki.

*************************

Naabutan niyang naliligo na sa dagat ang mga kaibigan niya kasama si Harold. Parang nakaramdam naman siya ng guilt pagkakita kay Harold. Dapat siya ang nag-e-entertain dito, mabuti na lamang at iniistima ito ng mga kaibigan niya habang sila naman ni Gerald ay nagnanakaw ng oras na magkasama.

Kumakain na sila ng dinner sa isang restaurant nang makita niyang muli si Gerald. Naupo ito sa tapat nila ni Harold. "Pare, san ka ba galing? Bakit bigla kang nawala?" tanong ni William.

"Nakatulog ako, napagod pare", sagot nito sabay sulyap sa kanya. Naramdaman niyang pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Alam niya kung bakit ito napagod.

Habang kumakain ay asikasong-asikaso siya ni Harold, ipinagbabalat pa siya nito ng hipon. Ramdam niya ang mga tingin ni Gerald sa kanila. "ang suwerte mo naman Laine, ang guwapo ng taga balat mo ng hipon. Kung ako sa'yo di ko na pakakawalan pa yan", kinindatan siya ni Suzanah at saka tumingin kay Gerald. Habang kumakain sila ay panay pa ang bulong ni Harold sa kanya ng kung anu-ano lang, natatawa na lamang siya sa ginagawa nito.

"Harold, are you wooing Laine again?" tanong ni Toni na ikinagulat niya.

"I'd love to. I believe she is not comitted right now" sagot naman ni Harold.

"Did you ask her?" si Suzanah.

"Laine, are you seeing someone right now?" diretsang tanong ni Harold sa kanya.

"I'm single and I'm very much free to date anyone I want" diretsa rin niyang sagot kay Harold.

"So Harold, are you staying here in Manila for good?" si Henry.

"That depends on her" sabay tingin sa kanya ni Harold. "If she tells me to stay, I will" dagdag pa nito.

"But for now, I still have to go back to the States to do some things. When I'm away, can you guys take care of Laine for me?" sabi nito sa mga kaharap nila.

"Sure Harold, we'll take care of her especially this guy here, he'll definitely take care of her" turo ni Dave kay Gerald na parang nag-aasar.

Sandali lang kumain si Gerald at nagpaalam nang mauuna na sa kanila. Hindi naman iyon pinaligtas ni Luke, ang alaskador nilang kaibigan, "Pare, bakit ang bilis mo naman? Wala ka bang gana sa pagkain o sa harap mo", sabay tawa nito ng malakas. Di naman pinansin ng binata ang sinabi ni Luke.

Siniko niya si Harold saka niya sinabing, "you're such a tease".

"Let him get jealous. Look at the guy, his eyes are burning with jealousy", saka ito tumawa ng malakas.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon