Chapter 30

84.1K 810 42
                                    

Chapter 30

Gerald’s POV

Hindi niya matagalan ang paglalambingan ng 2 sa harap niya kaya tinapos niya agad ang pagkain niya. Nagpunta siya sa beach kung saan puwedeng manigarilyo. Iniisip niya ang mga nangyayari sa kanila ng dalaga. Kanina lamang ay buong buo ibinigay sa kanya ng dalaga ang katawan nito ngunit matapos lamang ang ilang oras ay iba naman ang kalambingan nito. Ano ba siya para dito?

Naputol ang pag-iisip niya nang magsalita si Henry.

“Pare, mukhang stressed ka, naninigarilyo ka eh”, bati nito sa kanya.

Tama naman ang kaibigan niya, stressed siya talaga dahil naninigarilyo lamang siya kapag may problema o malalim siyang iniisip.

“Nasuya ako sa pagkain”, tanggi niya.

“O sa don sa 2 nasa harap mo?” bahagyang tumawa si Henry.

“Akalain mo, yun sinabi mong bad influence eh siya ngayong problema mo”, dagdag nito.

“What do you mean?” nagtatakang tanong niya.

“You don’t remember her, do you? Remember nung may occasion sa bahay mga 12 years ago na yon, birthday yata ni daddy, we’re 17 years old then. May ipinakilala si Bianca sa ating 2. Pagkatapos ipakilala sa atin yun bestfriend niya, sinabi mo na sabihin ko kay Bianca na stay away from that girl, bad influence siya para sa pinsan ko. Bakit naman, tanong ko sayo, sabi mo trying hard na maging dalaga at kung tumingin may malisya na. Naalala mo na ba?” kuwento ni Henry sa kanya.

“OO, naalala ko na, yun pa ngang bata na yun ang nakipagkamay, di ba?” sabi niya.

“Yes, at si Laine ang batang yun”, sabi ni Henry.

“What?! Siya ba yon? After non, di ko na siya nakita”, nagulat siya sa sinabi nito. Ngayon niya lang napagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Henry.

“A week after that, nagmigrate na sila sa States”, si Henry.

“Ganon ba”, natawa na lang siya sa sarili niya.

“Kung gusto mo siya, fight for her. Medyo mahirap nga lang at ex niya ang kalaban mo. At mukhang wala naman silang naging problema dati kung hindi lack of time lang,” advise sa kanya ng kaibigan niya.

“How will I fight for her?” mahinang tanong niya.

“Pare, obvious naman na gusto ka ni Laine dati pa, di ba siya pa nga ang lumalapit sayo kaya lang obvious din na ayaw mo siya. Eh ngayong na realized mo na gusto mo na siya, napagod na sa’yo tapos dumating naman yun ex niya. The best thing to do to win her back is to court her. Ipakita mo naman na gusto mo siya, dati kasi ipinakita mo na ayaw mo sa kanya. Advise lang naman yun sakin pare….sige, iwanan na kita dyan at mag senti kang mag isa”, tatawa-tawa itong iniwanan siya.

Kinuha niya ang cp niya at tinawagan si Laine, “Where are you?” tanong agad niya. “Nandito kami sa bar”, sigaw nito, naririnig niya ang malakas na tugtugan. Ini-off na niya ang cp niya at pumunta siya sa bar na kinaroroonan nila Laine.

Pagpasok niya sa bar ay nakita niya agad kung saan nakaupo ang mga ito. Humila siya ng isang upuan at tumabi kay Laine. Parang nagulat naman ang dalaga na katabi si Harold.

“Hey Gerald, where have you been?” tanong ni Harold sa kanya.

“’took a walk at the beach”, malamig niyang sagot na ewan niya kung narinig nito.

Nakita niya na may bote ng beer na nakatapat sa dalaga, “Pang-ilan mo na yan?” bulong niya rito.

“Pangalawa”, maikling sagot nito.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon