Chapter 6
Matagal ng naka-alis si Gerald ngunit di pa rin mawala ang mga ngiti niya sa labi. Tomorrow is another day, kaya humanda ka Gerald dahil magkikita tayo bukas, sabi niya sa sarili niya.
5:00 PM nang tawagan niya si Gerald. “Good afternoon Atty. Sanders. Laine here” sabi bati niya sa lalake. “I’m busy, goodbye”, naiinis na sagot sa kanya.
“Hey! Wait!” sabi ni Laine ngunit di na iyon narinig ng kausap dahil wala na ito sa linya. “Okay, fine! Ayaw mo sa teleponong makipag-usap, sige! Personal tayo mag-uusap” sabi ni Laine sa sarili niya. Lumabas na siya ng office at nagtuloy sa law office ng lalake.
“Come in” sabi ni Gerald nang may kumatok sa office nito. Pagpasok niya ay napakunot ng noo ang lalaki at sinabing “Didn’t I tell you I am busy?”
“Busy? Busy sa paglalaro ng Candy Crush” sabay tingin sa hawak nitong cellphone. “I’m just relaxing, later, marami akong gagawing pleadings” depensa nito.
“Ok, eh di habang nagre-relax ka, come with me, tikman mo yun niluto ko, Please don’t say no” hiling niya sa lalake. “I’m not hungry”, tanggi naman ng lalake sa kanya.
“Gerald, huwag ka naman masyadong masanay sa pagtanggi sa akin, give me a chance, kilalanin mo naman ako bago mo ko tanggihan. Please, dinner lang tayo at my place” nagsusumamong sabi nya.
Bahagyang lumambot ang mukha nito, tumango at sinabing “’Wag ka ring masanay na palaging pagbibigyan ko, this might be the first and last”.
“Thank you, di ka magsisisi” matamis niyang nginitian ito. “Can we go now?” yaya niya at tumayo naman na ito.
Pagdating nila sa condo niya, pinahiga niya ang lalake sa divan at sumunod naman ito, marahil ay pagod talaga ito. Habang ito ay natutulog, sinimulan na niyang magluto.
Alas 7 ng gabi nang gisingin niya si Gerald. Tinapik niya ito sa balikat habang nakatitig siya sa maamong mukha nito. Talagang napaka guwapo nito, mahaba ang pilik, matangos ang ilong at mapula ang mga labi, mas mapula pa ata sa mga labi niya, idagdag pa ang paalon alon nitong buhok na bumagay sa mukha nito. Nagulat siya ng bigla itong dumilat. “Kain na tayo”, yaya niya sa lalaki.
Sinusulyapan niya ito habang kumakain. Mukha naman nagustuhan nito ang luto niyang chicken curry at chopsuey. Sa totoo lang, marunong naman siyang magluto. Natuto siya nung siya ay nakatira sa Amerika sa turo na rin ng kanyang ina.
“Mahirap bang maging abogado?” basag niya sa katahimikan.
“Depende. Pero kung passion mo ang pagtulong at hindi pera lang, very fulfilling ang pagiging abogado”, sagot nito sa kanya.
Marami pa siyang naitanong dito na sinagot naman ng abogado. Pagkatapos nilang kumain, nagpasalamat ito at sinabing kailangan na niyang umalis dahil marami pa itong gagawin sa office.
Gerald’s POV
Habang papunta siya ng opisina ay naalala niya ang nangyari kanina. Paano nga ba siyang napapayag ng babaeng yun? Nung makita niya kasi ang maamong mukha nito ay parang di naman na niya ito matanggihan kahit na ayaw niya ang style nito na pinagsisiksikan ang sarili. Pero, di niya maitatanggi na nabusog siya dahil masarap itong magluto. Ayaw niyang aminin sa sarili niya na gusto pa niya ulit makakain ng luto nito.
BINABASA MO ANG
Forever....Tonight (Published by LIB)
RomanceAno nga ba ang puwedeng gawin makuha lamang ang pagmamahal ng isang taong matagal mo ng itinatangi? Ito ang problema ni Laine. Minahal na niya si Gerald kahit hindi pa man lang siya nito nakikilala. Pagkaraan ng 12 taon, heto siya nagbabakasakalin...