Chapter 19

93.6K 989 48
                                    

Chapter 19

Gerald’s POV

7:30 na ng lumapag ang sinasakyan nilang eroplano, na-delay sila ng 30 minutes. Nakalabas sila ng airport ng alas 9 na ng gabi. Akmang kukunin niya ang trolley ni Laine nang bigla naman itong naglakad ng mabilis at sumakay na ng taxi. Ni hindi man lang siya nilingon nito. Anong nangyari don? Tanong niya sa sarili niya. Nagulat kasi siya sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanya. Tinawagan niya ito ngunit di rin nito sinasagot ang tawag niya. Nagpasya na lamang siyang sumakay na ng taxi.

Habang sakay siya ng taxi ay naisip niya ang mga nangyari sa kanila ng dalaga sa Hongkong. Nung hinalikan niya ito sa rooftop ng hotel ay may pagpipigil pa siya sa kanyang sarili. Kaya pa niyang kontrolin kung anuman ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Ngunit nang makita niya itong nakatanaw sa terrace ng hotelroom nila ay alam niyang iba na ang nararamdaman niya para sa dalaga. Kaya naman ng magkasalubong at magtama ang mga mata nila ay kumawala na ang nararamdaman niya para dito. Pero di niya iyon aaminin sa dalaga kahit anong mangyari. Titiyakin muna niya kung may nararamdaman din ito para sa kanya kahit konti at hindi lamang siya ay isang challenge para dito.

Ang gabing pinagsaluhan nila ang pinaka espesyal sa kanya, pinakamahalaga sa kanya. Alam niya at sigurado na siya na noong gabi na yon, mahal niya ang dalaga.

**********************************************

Alas 4:00 ng hapon, habang naghihintay siya ng flight niya papuntang Manila nang makatanggap siya ng tawag mula kay Henry, “P’re, baka makalimutan mo yun birthday ni Laine, pinasasabi din ng tropa. Baka daw kasi di mo binasa yun text ni Laine”.

“Kelan ba?” nagtatakang tanong niya.

“Mamaya, dinner sa condo unit niya. Don’t tell me di mo alam?” sabi ni Henry.

“Sige, I’ll try. Nandito pa ako sa Davao waiting for my flight back to Manila.” Sagot niya.

Ngayon pala ang birthday niya, sabi niya sa sarili niya. Sinadya kayang di ipaalam nito sa kanya. Mabuti na lamang at tinawagan siya ni Henry.

7:30 na ng gabi nang makalabas siya ng airport. Tumuloy siya sa mall para bumili ng bulaklak at regalo para sa dalaga at pagkatapos ay tumuloy na siya sa condo unit nito.

Laine’s POV

Masaya siya ng araw na iyon dahil kasama niya ang mga itinuring na niyang mga kaibigan. Wala nga lang yun pinaka importante at espesyal na tao sa buhay niya.

Nagpotluck ang mga ito para sa kanya. Inihanda na lang niya ang magic sing dahil mahilig ang mga itong kumanta. Tinatanong nila kung bakit wala pa si Gerald. Sinabi na lamang niyang busy ang binata.

9:30 na nang may magdoorbell pa. Napaisip siya kung sino pa ang darating. Wala na siyang inaasahan pa. Tinungo niya ang pinto. Pagsilip niya sa peephole ay nagulat siya sa nakita, si Gerald. Pagka bukas niya ng pinto, pumasok ito at inabot ang dala nitong bouquet of pink roses at hinalikan siya sa pisngi at binati ng happy birthday. Mukhang may sasabihin pa ito nang tawagin na sila ng mga kaibigan nila, “Pare! Late ka na naman! Punta na kayo dito”.

Pumunta na silang dalawa sa terrace kung san naroon ang grupo.

“Bakit ngayon ka lang Ge?” tanong ni Suzanah.

“Kadarating ko lang galing Davao. Mabuti nga inabutan ko pa kayo.” Sagot naman ni Gerald.

Niyaya niya itong kumuha ng pagkain sa mesa. Bago ito kumuha ng pagkain ay hinarap siya nito at sinita, “Sinadya mo bang di ako imbitahin? Gumaganti ka ba? Sige paalisin mo ako ngayon.”

Ngumiti siya ng mapakla at sinabing “You know damn well I won’t do that”.

“Eh bakit di ko ito alam? Tinawagan lang ako ni Henry kaya ko nalaman. Ano naman ang eksplanasyon mo?” tanong nito sa kanya.

“Ge, birthday ko naman. I don’t want to hear rejection especially coming from you”, katwiran niya.

“Gano’n! I was already judged by you. How sure are you that I will reject your invitation? Pupunta ang tropa, magagalit sila kung di ako a-attend dito.” Sabi nito sa kanya.  

Naputol ang usapan nila ng tinawag siya ni Dave, “Laine, lika na, sunod na yun request mo”.

Iniwan na niya si Gerald na kumukuha ng pagkain. Si Dave ang ka-duet niya. Kakantahin nila ang I wanna take forever, tonight. Maganda ang boses ni Dave, ganoon din naman siya kaya maganda ang pagkakanta nila. Nagpalakpakan pa nga ang mga kasama nila. Habang kumakanta sila, nakita niyang nakatitig sa kanya si Gerald.

Alas 11:00 na nang magpaalam silang magsisiuwi na. “Ge, total naman ikaw nahuling dumating, ikaw din ang huling uuwi. Tulungan mo si Laine magligpit”, sabi pa ng mga kaibigan nilang nagtatawanan.

Nang makalabas na ng pintuan ang tropa nila ay hinarap siya ng binata. “Tell me, why do you like that song?”, tanong sa kanya nito.

Tatalikuran na sana niya ito ngunit hinawakan siya nito sa braso at saka iniharap muli siya sa kanya. “Answer my question?”, utos pa nito sa kanya. Ibubuka pa lamang niya ang bibig niya nang bigla siya nitong halikan. Nagulat siya. Balak niyang itulak ang binata ngunit imbis na itulak ito ay napa kapit naman siya sa leeg nito. NaisandaL na siya nito sa pinto. Ang isang kamay nito ay humahaplos sa kanyang likod habang ang isa naman ay nasa loob na ng kanyang blusa na pumipisil sa kanyang dibdib. Gustung tumanggi ng isip niya pero hindi ang katawan niya. Nang tumigil sila ay parehas silang hingal na hingal. Lumayo ito sa kanya, may dinukot sa bulsa at iniabot sa kanya ang isang jewelry box. “Open it”, utos nito sa kanya.

Binuksan niya ang jewelry box, white gold bracelet ang laman nito. Kinuha sa kanya iyon ng binata at saka isinuot sa kanyang kamay.

“Thank you”, yun lang ang nasabi niya.

“By the way, where’s the key?” tanong nito sa kanya.

“Huh, what key?” balik tanong niya rito.

“Yung ibinibigay mo sa’kin last time, duplicate key nitong unit mo, nakalimutan mo na agad?” sabi pa nito.

“ah yun ba, di ba tinanggihan mo naman, why do you want it now?” tanong niya.

“Just give me the damn key”, madiing sabi nito.

Parang nataranta naman siya, kinuha niya agad sa kwarto niya at iniabot sa binata. Pagkakuha nito ng susi ay pumunta ito sa couch at nahiga. Nagulat na naman siya sa ginawa nito, “What are you doing?”

“Pagod ako, straight from the airport tumuloy na ako dito, wala akong dalang sasakyan, nagtaxi lang ako. That is because you did not tell me na may party ka ngayon eh di sana kahapon pa ako umuwi” sabi nito sa kanya.

“Dyan ka matutulog?”

“Sige sa kuwarto mo na lang”, habang nagsasalita ito ay tumayo na at tinungo ang kuwarto niya.

Naiwan siyang nakanganga at walang nasabi. Hinayaan niyang humiga ito sa kama niya, mukha ngang pagod ito. Nagligpit na siya ng mga ginamit nila. Pagkatapos niya ay balak na niyang gisingin ang binata ngunit tulog na tulog na ito. Hinayaan na niyang matulog ang binata sa kama niya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.  

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon