Chapter 15

4.4K 75 1
                                    


Chapter 15

Laine's POV

Nagmamadalai siyang umalis ng opisina baka kasi di niya maabutan si Gerald sa opisina nito, yayayain niya itong kumain sa labas. Nang malapit na siya sa entrance ng building ay nakita niyang papalabas naman si Gerald at Ziara. Kumubli siya para di makita ng dalawa. Pinagmasdan niya si Gerald. Magkahawak kamay ang dalawa. Kitang-kita ang saya nito ay umaabot sa kanyang mga mata. Saya na hindi pa niya nakita rito kapag sila ang magkasama.

Susuko na nga ba siya? Di nga ba kapag mahal mo ang isang tao ay kaya mo siyang palayain at hayaang makasama ang tunay na mahal nito?

Ganoon nga ba niya ito kamahal?

Pero selfish pa rin siya. Bago niya isuko ang pag-ibig niya rito ay gusto pa rin niyang maranasang mahalin nito kahit kunwari lamang.

Nagpunta siya sa simbahan. Doon siya nagpalipas ng oras. Nagdasal. Buo na ang desisyon niya, suko na siya. Hindi na niya ito gagambalain pa.

Malapit na ang birthday niya. Reregaluhan niya ang sarili niya bago niya tuluyang pakawalan ang binata.

Kinagabihan, tinawagan niya si Gerald. Himalang sumagot naman ito agad, "Hello Ge, are you free tomorrow night?"

"What's the occasion?" tanong nito.

"Special occasion, may proposal ako sayo, siguradong magugustuhan mo" sabi niya sa binata.

"Make sure magugustuhan ko yang proposal mo dahil kung hindi, hindi mo na ako makakausap pa kahit kalian" sabi naman sa kanya ng binata.

"Yes, di ka magsisisi sa pagpayag mo. Punta ka na lang dito sa unit ko, I'll cook for you, is 7pm okay with you?" tanong niya.

"Ok, tomorrow then", sabi naman nito sa kanya.

Excited siyang nagluluto but at the same time malungkot kasi alam niya na nabibilang na ang araw na magkasama sila. Masarap sa pakiramdam na kinakain ng lalaking minamahal niya ang kanyang niluluto kaya naman talagang sinarapan niya ang pagluluto.

7:30 pm ng dumating si Gerald. "Sorry, I'm late", paumanhin nito sa kanya.

"It's ok, let's eat", sabi naman niya.

Habang kumakain sila ay nagsimula na itong magtanong sa kanya, "So, what's your proposal?"

"Tapusin muna natin ang pagkain, masyado ka namang excited" biro pa niya sa lalaki.

Nang matapos silang kumain, siya naman ang nagsalita "Ge, birthday ko na next week. May hihingin sana akong gift sayo".

"Ano yon?" tanong nito sa kanya na nakakunot pa ang noo.

"Wait lang, bad trip ka agad eh" sabi niya.

"Can you give me your 3 days and 2 nights?", tanong niya sa binata.

"What do you mean?" nalilitong tanong nito sa kanya.

"Spend 3 days with me in Hongkong, yun ang hihilingin kong gift from you." Sabi niya.

"Whooa! 3 days with you and out of the country pa talaga ha, but wait, where's the proposal? What can I get from that?" sabi naman nito sa kanya.

"Freedom from me", sagot niya.

"For how long?" tanong ng binata.

"Forever", maikling sagot niya.

"That's a good deal", nakangiting sabi nito. "Kelan ang alis natin?" tanong nito.

"You really want to get rid of me that fast, huh", kunwaring natatawang sabi niya

"Obvious ba?" ngumiti ulit ito.

"Here's my credit card, use it for the booking", sabi nito habang iniaabot sa kanya ang credit card.

"No, it's my treat," sabi niya.

"Hindi ako nagpapalibre sa babae", sabi naman nito, "kung ayaw mong gamitin ang credit card ko, then I'll not go with you", dagdag pa ng binata.

Wala siyang nagawa kundi kuhanin na lamang ang iniaabot nitong credit card.

Ang sakit namang malaman na ang makakapagpasaya kay Gerald ay ang pagkawala niya sa buhay nito. Kitang-kita niya sa mukha nito ang saya sa deal na ibinigay niya.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon