Chapter 43

3.8K 79 1
                                    


Chapter 43

Laine's POV

Ewan ba niya at natutuwa siya pag nagseselos si Gerald, nagagamit tuloy niya si Andrew. Mabait si Andrew at talaga din namang hunk kaya lang sorry siya, buong puso niya ay na kay Gerald na. Sana dumating naman ang panahon na sabihin nitong mahal siya kaya naman palagi niya itong pinagseselos.

Natuwa naman siya ng yayain siya ni Toni samahan sa hearing nila. Gusto niyang makita si Gerald pag nasa korte na. Talaga namang humanga siya rito, napakagaling nitong abogado pero di niya iyon ipinahalata. Kinahapunan nung nagdi-dinner na sila kila Toni ay talagang sinadya niyang ipakita sa mga kaibigan nung ibinigay niya kay Andrew ang niluto niyang adobo. Request kasi iyon ni Andrew, nahiya naman siyang di pagbigyan. Tuksuhan ang nangyari. Pinapakiramdaman niya si Gerald, di ito kumikibo and worst iniwanan siya nito. Si Andrew ang naghatid sa kanya. Hoping siya na sana ay nasa unit niya si Gerald at hinihintay siya tulad nang ginagawa nito dati.

On the way, kuwento ng kuwento si Andrew, intelehente rin itong lalaki kaya naman madami siyang natututunan dito.

"Obvious naman na type kita, kaya lang obvious din naman na may type ka ng iba. Nahuli ako ng dating. I'm just enjoying my brief stay here with you na lang, kung okay lang?", sabi ni Andrew.

Nagulat naman siya sa sinabi nito,"what are you talking about?"

"Don't deny it. It's obvious you know", sabi ni Andrew

"You're a good man, Andrew", sabi siya.

"But not as good as Gerald", si Andrew.

"Ha?" pagmamaang-maangan niya.

"Don't deny the obvious, Laine. It's obvious, there's something between you and Gerald", sabi ng lalaki.

"Di ako makikialam sa inyo, basta ako, I'll just enjoy what you can offer me, and what is that?, tanong ni Andrew.

"friendship", sagot niya at sabay silang nagtawanan.

Masarap naman talaga itong kaibigan.

"I'll be leaving next week na", sabi ni Andrew.

"Ganon ba? Ang bilis naman. Ikumusta mo ako sa pinsan mo ha", bilin niya.

"Sure. Thank you nga pala sa adobo, masarap, siyempre luto mo", sabi ng lalaki.

Pagkahatid sa kanya ni Andrew, kinakabahan siyang pumasok sa unit niya baka kasi wala si Gerald. Tama nga siya, wala si Gerald, nasobrahan yata siya ng pagpapaselos dito. Naiinis siya kay Gerald, yun lang, pinabayaan na siyang umuwing mag-isa.

Gerald's POV

Kinabukasan, bago pumasok sa office ay dumaan siya sa flowershop, magpapadala siya para sa dalaga kahit na nga ba nagtampo siya dito nung nakaraang gabi. Nag-effort ang dalaga na ipagluto si Andrew ng adobo. Ayaw niya, gusto niya siya lamang ang ipinagluluto nito, ganon na ba siya ka-possessive, tanong niya sa sarili niya.

Sa office, habang nagrereview siya ng mga kaso niya ay may kumatok, pinapasok niya. Si Bianca pala.

"Atty., iiwanan ko na lang yun mga pano-notaryuhan ni mommy, babalikan ko na lang mamaya at mukhang busy ka", sabi nito.

"No, halika, hintayin mo na kesa bumalik ka pa, maaga pa naman. Maupo ka muna", sabi niya kay Bianca.

"bakit pala bigla ka nawala kagabi? Si Andrew tuloy ang naghatid kay Laine", kuwento nito sa kanya.

"Yun naman ang gusto niyang mangyari eh", malamig na sagot niya.

Parang di nito narinig ang sinabi niya. "Alam mo, happy ako para sa friend ko....sa nangyayari sa inyo ngayon. She got what she really wanted after 12 ay 13 years na pala", kuwento nito sa kanya.

Napahinto siya sa pagpirma, "Wait, why 13 years ago?", tanong niya.

"Di mo ba siya natatandaan? Siya yung pinakilala ni Kuya Henry sa'yo nung birthday ni Tito Ben. Sabi pa nga ni Kuya sabi mo daw may malisya na siyang tumingin", sabi ni Vianca.

"OO, natatandaan ko siya" sabi naman niya.

"From then on....ay tama na nga, ibenenbenta ko na ang friend ko. Alis na nga muna ako at baka kung ano pa ang maikuwento ko", aalis na sana ito pero pinigilan nya, "Wait Bianca, kuwentuhan mo naman ako please. Let's have coffee, malapit lang dito ang starbucks".

"Ganon na lang yon, kukuwentuhan kita, coffee lang mapapala ko", pilyang ngumiti ito.

"Sige, what do you want? Bag, shoes? Ano? name it. Basta magkuwento ka", sabi niya. He's dying to know more about Laine dahil sobrang threatened siya kay Andrew, di nga siya gaanong nakatulog nung nakaraang gabi.

"Sige, kelan ka pupunta ng states?", tanong ni Bianca.

"Wala pa kong sked eh, why?" tanong niya.

"I want an LV bag, not just one but two, deal?", si Bianca.

"Deal. Pupunta ng Hongkong yung sister ko next week, magpapabili ako. Let's go.", yaya niya kay Vianca.

Habang hinihintay nila ang order nilang kape ay nagsimula nang magkuwento si Bianca......

Nakaalis na si Bianca ay tulala pa rin siya. Masaya siya sa kanyang nalaman. Kung pagbabasihan ang kuwento nito ay wala siyang dapat ika-kaba kung malapit man ito ngayon kay Andrew.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Few more chapters and it's done. Please bear with me guys.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon