Chapter 47

4.7K 68 0
                                    


Chapter 47

Laine's POV

Pagmulat ng mga mata kinaumagahan ay nasilayan niya ang pinakaguwapong mukha para sa kanya, "kanina ka pa gising?"

"OO, kanina pa rin kita pinagmamasdan" sagot ng binata sa kanya.

"Ano naman ang iniisip mo?" tanong niya.

"I am thinking what will happen to me if you did not come into my life..." seryosong sagot ni Gerald.

"OO nga, pa'no nga kaya kung di ako dumating sa buhay mo, kawawa ka naman" sagot niya.

"Yabang mo na ha" saka pinisil nito ang ilong niya.

"Joke lang, 'no ka ba, bangon na tayo at papasok pa ako sa office" sabi niya.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Habang kumakain sila, nagtanong si Gerald "Kelan kayo pupunta ni Mommy sa couturier?

"Ha? Bakit kami pupunta?" balik tanong niya.

"Ano ba ginagawa sa couturier? Syempre para makapagsukat ka at makapamili ng design ng wedding gown etc. para di ka magahol sa oras" sagot ng lalaki.

"Kelan ba ang kasal?"

"Pwede siguro 6 months from now, okay na ba yun for preparation?" si Gerald.

"Ge, pwede bang wag muna tayong pakasal?" pakiusap niya.

Nakita niyang biglang nagbago ang mukha ni Gerald, galit ito.

"What happened to our confessions and admissions last night? Wala lang yon?" pagalit na tanong nito sa kanya.

"Pwede bang i-enjoy muna natin ang pagiging boyfriend-girlfriend natin?" sabi niya sa lalaki.

"Ganon, gusto mo akong maging boyfriend pero asawa, pag-iisipan mo pa" sabi nito at saka tumayo na.

"Sandali, di ka pa tapos kumakain" pigil niya kay Gerald.

"Nawalan na ako ng gana" tuloy-tuloy na ito sa pintuan.

Nung nakita niyang paalis na ito ay hinabol niya "wait, di mo ako naiintindihan eh".

Nagsalita ito bago isara ang pinto, '"I perfectly understand".

Naiwan siya nakatulala, naiiyak siya sa inis. Hindi kasi siya naintindihan ng lalaki.

Pumasok siya sa office na mabigat ang loob. Bandang alas 10:00 ay may kumatok at saka binuksan ang pinto, si Bianca "Hello bff, ay bakit sambakol face mo?"

Natuwa na rin siya sa pagdating ng kaibigan, at least may mapaghihingahan siya ng sama ng loob. "Mabuti naman at dumating ka".

"Why? What's your problem?" interesadong tanong sa kanya ni Bianca saka ito naupo sa harap niya.

Ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ni Gerald.

"Ala yan, mild LQ lang yan. To cheer you up, may ibibigay ako sa'yo" iniabot sa kanya ni Bianca ang paper bag.

Binuksan niya iyon, "Bff, bigay mo ba talaga sa akin ito?" tanong niya. "Yes, of course!" ngiting-ngiti si Bianca. "May nagbigay kasi sa'kin ng 2 LV bags, kanino ko pa ba naman ibibigay ang isa? Syempre sa bff ko", dagdag pa nito.

"Sino ba ang nagbigay? Kilala ko ba?" tanong niya.

"Yes, pero wag mo nang alamin kung sino" sagot ni Bianca.

"Aalis na ako. About your problem, go to him and explain your side, bye, may date pa ako" saka ito umalis.

Naisip niyang tama ang suggestion ni Bianca, pupuntahan niya ito ng personal at kakausapin. Tumawag siya sa office ngunit nalaman niyang may hearing ito sa Cavite at hindi na pupunta sa office. Tinatawagan niya ito sa cellphone ngunit di nito sinasagot, alam niyang ayaw siyang kausapin ng lalaki. Tinetext din niya ito ngunit ayaw din mag reply. Naiiyak na siya sa inis. Hapon na nang tinanong niya ito kung nasaan na ngunit gabi na nang sumagot ito at sinabing umuwi siya sa bahay ng parents niya. Wala siyang pag-asang makausap ito ng araw na iyon.

Kinabukasan, tumawag siya sa office ng lalaki ngunit nalaman niya na tumawag na daw ito at hindi papasok dahil may hearing ito sa Laguna, overnight daw ang abogado doon. Naiinis na talaga siya, wala siyang chance na makausap ito ng personal. Sinusubukan niya itong tawagan, paulit-ulit pero hindi pa rin nito sinasagot.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon