Chapter 27

4.6K 92 1
                                    


Chapter 27

Gerald's POV

Pinuntahan niya sa office si Laine bago mag alas 5. Nagulat ito nang makita siyang pumasok, sinamantala niya iyon.

Naninibago siya sarili niya dahil sa mga ginagawa niya para lamang makapiling ang dalaga. Nang tinanong niya ito kung boyfriend niya ang ungas na 'yon ay hindi na niya hinintay pang sagutin iyon ng dalaga. Kung oo ang isasagot nito ay di niya alam kung ano ang gagawin niya.

*********************

Pumunta muna sila sa unit nito at magpapalit daw ito ng damit. Paglabas nito ay nakabihis na ng dress. Talaga namang napakaganda nito. Bumuntung hininga na lamang siya para itago ang paghanga.

Habang nagmamaneho siya, madalas siyang huminga ng malalim dahil naiinis siya sa sarili niya. Hindi niya kasi alam kung paano mapapaamo ulit ang dalaga. Napansin iyon ng dalaga, "kung naiinis ka at ako ang kasama mo at di kung sino eh pasensiya ka, ikaw ang nagsama saken, hindi ako ang nagpumilit na sumama sa'yo", sabay irap sa kanya.

Bakit naman siya maiinis eh siya naman talaga ang gustung-gusto niyang makasama at hindi si Ziara. Nagsinungaling nga siya nang sabihin niya na kaya siya ang niyaya niya ay dahil hindi puwede si Ziara. Kanina pa niya gusto itong yakapin ng mahigpit at halikan kaya lang mahahalata na ng dalaga na mahal na niya ito at kung tutuusin ay kaya na siyang paikutin ng dalaga sa mga palad nito kung ang pagbabasehan ay ang nararamdaman niya para dito.

Pagdating nila sa bahay nila, sinalubong sila agad ng mommy niya, "Hijo, himala, you're early", saka siya hinalikan. "Mom, si Laine", pakilala niya. Tiningnan si Laine ng Mommy niya saka biglang nagliwanag ang mukha "I remember you, the girl in the condo", hinalikan din si Laine ng mommy niya.

"Halika hija, ipapakilala kita sa magiging ate mo," hinila na ng mommy niya si Laine papunta sa loob ng bahay.

"Geraldine! Geraldine! Meet your future sister-in-law!" sigaw ng mommy niya.

Lumabas ng kusina ang ate Geraldine niya, "finally, nagpakilala na si Ge ng girlfriend niya sa amin", nagbeso-beso sila, "nice meeting you" sabi nito.

"Where's dad and Gerallyn?" tanong niya para maiba ang usapan dahil nakita niyang namumula na si Laine.

"Sinundo ng dad mo si pate mo", sabi ng mommy niya

Pagkasabi ng mommy niya ay dumating na ang daddy niya at si Gerallyn. "Kuya! You're here already, you're not late", masayang bati sa kanya ng bunso nila sabay yakap sa kanya.

"Happy birthday pate! Ano ang gusto mong gift?...di mo kasama ang boyfriend mo?" tanong niya.

"Kuya naman! Wala pa akong boyfriend. I'm just 20 years old....regarding the gift...pwede cash na lang? I want to buy something eh", lambing nito sa kanya.

"Sure, li'l sis", sagot niya.

"Hello, are you my kuya's girlfriend?" tanong nito kay Laine na pinapanood sila.

"What if she is?" nakangiting tanong niya sa kapatid.

"Well, she's really pretty, bagay kayo", sagot ni Gerallyn sa kanya.

Naputol ang usapan nila nang tinawag na sila ng mommy niya para kumain. Hinawakan niya sa kamay si Laine at hinila papunta sa dining table. Nanlalamig ang mga kamay ng dalaga. Bago sila umupo ay ipinakilala niya ito sa daddy niya, sa bayaw niya na kakalabas lang ng kuwarto.

"Dad, Kuya Raf, this is Laine", pakilala niya. Kinamayan naman ng 2 lalaki si Laine. "Sit down, let's eat", nakangiting sabi ng dad niya.

In-entertain naman ng family niya si Laine, yun nga lang madalas silang tuksuhin ng mga ito lalo na si Gerallyn, namumula naman si Laine sa mga biro sa kanila. Natutuwa siya dahil sa magandang pagtanggap ng family niya sa dalaga. Bandang alas 10 na nang yayain niya itong umuwi.

"Dito ka na lang matulog ate Laine", pakiusap ni Gerallyn.

"Pate, di puwede kasi may pasok pa bukas sa office, ikaw din di ba? Saka may hearing ako sa Cavite bukas ng umaga. Next time na lang", paliwanag niya sa kapatid niya.

"Laine, alagaan mo ang anak ko ha, mabait naman yan, sumpungin lang", sabi ng mama niya.

"Ge, wag mo namang sasaktan si Laine, lagot ka sa akin pag nagsumbong yan", siya naman ang hinarap ng mama niya.

"Hay naku ma, kung anu-ano sinasabi nyo dyan, baka maniwala si Laine sa'yo", sabi niya sa mama niya.

Habang pauwi sila ay wala silang kibuan, nakita na lamang niyang nakatulog si Laine. Ginising na lamang niya ito ng dumating sila sa condo nito. Bumaba na siya ng kotse at binuksan ang pintuan.

"Laine, wake up, we're here", sabi niya sa dalaga habang tinatapik niya ang braso nito. Tulog pa rin ito. Di niya napigilan ang sarili na dumukwang at halikan ang medyo nakaawang na mga labi nito. Saka lamang ito nagising. "Sabi ko na nga eh, halik ang makakapagpagising sayo", sabi niya sa dalaga. Inihatid niya ito sa pintuan at umalis na.

Laine's POV

Habang papunta sila sa bahay nito ay panay ang buntung hininga ng lalaki. Sa isip niya, bakit naiinis ang lalaki, dahil ba siya ang kasama niya, bakit kasalanan ko ba kung di puwede si Ziara at saka bakit kasi siya ang niyaya nito. Di niya napigilan ang sarili niya kaya nagkomento siya sa pagbubuntung-hininga nito na deadma naman ang binata.

Habang pauwi sila ni Gerald, naalala niya ang mga nangyari sa bahay nito. Talaga namang hiyang-hiya siya sa mommy ni Ge nang maalala nito kung san sila nagkita. Napakabait ng pamilya ng binata. Naalala tuloy niya ang pamilya niya sa Amerika. Pinaramdam naman sa kanya ng mga ito na welcome siya sa family nila. Kung puwede nga lang ba, pinagpilitan na niya noon ang sarili kay Ge kaya lang tinanggihan siya ng lalaki. Ano nga ba ang papel niya sa buhay ng lalaki, panakip butas, naaalala siya kapag di pupuwede si Ziara. Masakit pero kahit na ganoon ay masaya pa rin siya dahil nakakapiling niya ang lalaki, hanggang kailan kaya? Di niya namalayang nakatulog na siya.

Nagising na lamang siya nang naramdaman niyang may humahalik sa kanya. Parang ayaw pa nga niya dumilat, akala niya ay panaginip lang. Pagbukas ng mata niya ang namulatan niya ay ang napakaguwapong mukha ng binata. Gusto nga niyang pumikit uli para lasapin pa ang mga halik nito kaya lang ay inihinto na nito nang Makitang dumilat na siya.

Gerald's POV

"Join ka ba sa Boracay this weekend?" tanong sa kanya ni Toni, kausap niya ito sa cellphone.

"As in this coming weekend? Di rin kayo nagmamadali noh", komento niya.

"Isasama ba kita sa booking o hindi?"tanong ni Toni.

"Sino ba ang mga kasama?" siya naman.

"Lahat ng girls, sa guys naman, puwera si Orvee, syempre kasama si Harold", sagot nito.

"Bakit kasama yun Harold?"

"Natural kasama siya, sinabayan nga natin ang lakad nila ni Laine eh".

"Sige, sama ako, i-charge mo saken yun bill ni Laine".

"Sorry ka, nauna nang nagsabi si Harold na sagot niya si Laine".

"Sige na, basta kasama ka na, bye", paalam nito na tatawa tawa.

Naiinis siya dahil magkakasama na naman si Laine at Harold. Naiinis siya baka nga magkasama ngayon ang 2. Nagseselos siya. Gusto niya itong tawagan kaya lang ano nga ba ang karapatan niya na pigilan ang dalaga sa gusto nitong gawin. Ang bilis naman kasi nitong nagsawa sa pagsuyo sa kanya. Mabilis nga ba O masyado lang siyang naginarte? Para kasing nag-enjoy siya sa panunuyo nito kaya lang may katapusan pala yon tapos may doubt pa nga siya kung totoo ang pinapakita ng dalaga. Pero tama nga ang dalaga, darating ang time siya naman ang hahabol dito.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon