Chapter 44

3.9K 59 0
                                    


Chapter 44

Laine's POV

Pumasok siya sa office ng wala sa mood. Bigla lamang siyang sumigla nang natanggap niya ang flowers na padala ni Gerald. Think of me. Ge, yun lamang ang nakalagay sa card. Natuwa na rin siya dahil di siya nakalimutan nitong padalhan ng flowers.

Masama ang pakiramdam niya kaya alas 3 pa lamang ay umuwi na siya. Wala pang 10 minutes ay may nagdo-doorbell, sinilip niya sa peephole, nagulat siya sa nakita niya. Binuksan niya agad ang pinto, "Ziara?"

"May I come in?", sabi ni Ziara. Pinapasok naman niya ito at pinaupo.

"What can I do for you?" tanong niya.

"Sinabihan na kita, layuan mo si Gerald, matigas ang ulo mo!" sigaw nito agad sa kanya.

"Di ba sinabihan na rin kita na si Gerald ang pagsabihan mo na lumayo sa akin", mahinahon niyang sagot kay Ziara.

"Sige, sasabihin ko na sa'yo kung bakit di lumalayo si Gerald sa'yo akala mo dahil mahal ka niya, hindi! naaawa lang siya sa'yo! Gusto mo ba yon, awa lang ang nararamdaman sa'yo ni Gerald" sabi nito sa kanya.

"I don't care kung awa lang ang nararamdaman niya sa akin as long as nasa tabi ko siya", sagot niya.

"You're pathetic! Nakakaawa ka naman Laine!", pang-iinsulto sa kanya ni Ziara.

"My decision is final, kung hindi lalayo sa akin si Gerald, hindi rin ako lalayo, kahit ano pa ang dahilan niya basta nasa akin siya, I'm happy. Makakaalis ka na", matigas niyang tugon sa pang-iinsulto nito.

"Sige magpakatanga ka! In the end, iiwanan ka rin ni Gerald at babalik siya sa akin!", sigaw nito sa kanya.

"Ganon naman pala, eh di hintayin mo na lang kung babalik pa siya sa'yo. Get out", sabi niya.

Tinalikuran siya ni Ziara at binagsakan ng pinto. Naiyak na siya. Totoo ba ang sinasabi ng babaing yon, tanong niya sa sarili niya. Hindi talaga siya magpapakasal kay Gerald hanggat di niya nalalaman ang totoong damdamin nito para sa kanya. As usual, nakatulugan na naman niya ang pag-iyak.

*********

Kinabukasan ay nagkita-kita silang magkakaibigan sa isang restaurant sa Makati, magpapadinner si Orvy dahil birthday nito, hindi na siya nagpasundo pa kay Gerald dahil manggagaling pa ito sa Bulacan, sinabi niyang doon na lamang sila magkita. Magtataxi na lamang siya.

Pagdating niya sa restaurant kung saan sila magkikita-kita ay nagkasabay sila ni Andrew nang pagpasok. Nadatnan na nila don sila Henry at ang iba pa nilang nga kaibigan. After 30 minutes ay si Gerald naman ang dumating. Kahit may bakanteng upuan pa sa tabi niya ay sa tapat niya naupo si Gerald. Nag-uumpisa na silang kumain nang may dumating na babae, napalingon silang lahat ng magsalita ito "Hello guys! Happy birthday Doc Orvy!" masayang bati ni Ziara.

"Hi Ziara, thank you, have a seat, join us" parang walang nagawa si Orvy kung hindi imbitahin na rin itong kumain. Pinili pa nitong umupo sa tabi ni Gerald.

"Hey Ge, don't eat that, di ba may allergy ka sa tahong. Remember nung tour nating 2 sa Hongkong, kumain ka niyan nagkarashes ka" malakas na sabi ni Ziara, halatang ipinaparinig at ipinapaalam sa kanya ang nakaraan nila ni Gerald.

"Yeah, I remember, thanks" sabi naman ni Gerald.

Natuon naman ang tingin nito kay Andrew na kasalukuyan siyang nilalagyan ng pagkain sa plato, "hey, are you Laine's boyfriend?" tanong nito kay Andrew. Hindi na nito hinayaang sumagot si Andrew, sinabi pa nitong "bagay kayo".

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon