Chapter 26

4.6K 92 1
                                    


Chapter 26

Laine's POV

Nagulat siya sa tawag na iyon ni Gerald. Nag-aalala siya baka kung ano na ang nangyari.

Nagsimba na lamang siyang mag-isa at pagkatapos ay kumain siya sa isang restaurant. Habang kumakain ay nakatingin siya sa labas ng restaurant nang mapansin niya ang isang lalaki at isang babae na naglalakad ng mabilis, magkahawak kamay ang mga ito. Hinabol pa niya ang mga ito ng tingin, di nga siya nagkamali, si Gerald at Ziara ang nakita niya. Biglang sumama ang pakiramdam niya sa sama ng loob sa binata. Yun pala ang emergency! Di na niya tuloy naubos ang pagkain niya, nawalan na siya ng gana. Di naman pala siya dapat mag-alala para sa binata.

Dalawang araw na pagkatapos niya Makita ang dalawa ay di pa rin siya maka move on. Wala pa rin siyang sigla. Tumunog ang cellphone niya, sinagot niya ito nang di tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello," matamlay niyang pagbati sa caller niya.

"Hello," sagot ng kausap niya.

Nairita siya, "Who's this?"

"Hey, Laine, this is Harold" sabi ng kausap niya.

"Harold! Where are you?" nagulat siya, si Harold pala ang tumatawag. Kakainis talaga yun mokong na yun, nawawala tuloy siya sa sarili niya.

"I'm here at Shang Hotel, waiting for my colleagues, we're going to have a meeting", sagot ni Harold.

"When did you arrive?" tanong niya.

"Last night. I didn't tell you 'coz I wanna surprise you", kuwento ng binata sa kanya.

"I'll pick you up after your meeting", sabi niya.

"No, I'm going to pick you up, let's have dinner. The company provided me a car and a driver. I'll call you as soon as the meeting is done", sabi nito sa kanya.

"Okay, I'll wait for your call. See you later. Bye", paalam niya.

Mabuti na lang at dumating si Harold, kahit papaano ay malilibang siya sa company nito at pansamantala niyang makakalimutan si Gerald. Sana.

Bandang alas 5 nang tumawag si Harold sa kanya. On the way na raw ito sa pagsundo sa kanya. Naghanda na rin siya. Bumaba na rin siya lobby para maghintay sa binata.

After 30 minutes ay may pumasok na sa lobby na lalaking guwapo at matangkad, si Harold. Pagkakita sa kanya nito ay nilapitan siya agad. Nagyakapan silang dalawa.

"You look great!", bati nito sa kanya.

"So do you!" sabi naman niya.

*****************************

Sa isang Japanese restaurant sila nagpunta. Masaya silang nagkukuwentuhan habang kumakain nang may pumasok na lalaki at babae, si Gerald at si Ziara. Talaga naman ang pagkakataon, pinagtatagpo sila. Nakakapit si Ziara kay Gerald. Parang kinurot naman ang puso niya.

Napansin iyon ni Harold, "Are you okay?"

"Yeah", sagot niya kahit gusto na niyang lumabas ng restaurant dahil parang di niya kakayanin na makita si Gerald kasama ng ibang babae lalo na kung ito ang babaeng minahal ng binata.

Para talagang nang-aasar pa ito dahil sa tapat ng mesa nila ito umupo eh ang dami namang bakanteng mesa at talagang sila pa ang magkatapat kaya kitang kita niya ang pagmumuka ng mokong. Di niya maiwasan na hindi sulyapan ito. Nakita niya na pangiti-ngiti ito habang nagsasalita. Mukhang itong masaya samantalang siya naman ay parang lalagnatin sa selos na nararamdaman. Hindi na nga niya naiintindihan ang kinukuwento ni Harold.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon