Chapter 21

4.8K 99 2
                                    


Chapter 21

Laine's POV

Katatawag lang ni Toni, may group dinner daw sila sa Friday. Nagsabi na siya na hindi siya makakapunta. Nagdahilan na lang siya na busy siya. Ayaw niya kasing magkita sila ni Gerald baka kasi magbago pa ang isip niyang kalimutan na ang lalaki. Araw-araw niyang pinipigil ang sarili niyang tawagan ito. Miss na miss na kasi niya ang binata.

Kaya lang, umeksena na ang talagang mahal ni Gerald, si Ziara kaya alam niyang wala na talaga siyang pag-asa pang mahalin ng lalaki.

Hindi na siya nagpunta sa group dinner nila, nahiga na siya ng maaga at nagbasa ng pocketbook. Di pa siya nagtatagal sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Iniluwa non si Gerald. Talaga namang muntik na siyang atakihin. Nasigawan niya ito sa sobrang gulat niya.

Lalo siyang nainis sa lalaki ng sinabi nitong pinapuntahan lang siya ng mga kaibigan niya, hindi pala kusang loob ang pagpunta nito sa kanya.

Nanghingi pa ito ng kape. Habang naghahanda siya ng kape nito ay ramdam niya na pinapanood nito ang bawat kilos niya. Saka niya napansin na manipis nga lang pala ang pantulog niya at nakabakat ang dibdib niya. Kunwari ay normal lang ang kilos niya ngunit gusto niyang takpan ang dibdib sa kahihiyan. Kaya rin ng makita na niyang ubos na ang kape nito ay pinaalis na niya. Nabigla siya ng hawakan siya nito sa kamay at yayain ihatid siya palabas ng unit. Mas lalo siyang nagulat nang siilin siya ng halik ng binata. Noong una ay ayaw niyang magpaubaya ngunit naubos din ang lahat ng depensa niyang wag tugunin ang mga halik nito. Panalo pa rin ang lalaki, buong puso niyang ginantihan ang maiinit na halik nito. Nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong binitiwan at umalis ng di man lamang nagpaalam.

Naiyak siya sa puntong iyon. Bakit siya biglang binitawan nito na para bang may gumising dito. Naisip niya na baka kaya narealize nito na hindi siya si Ziara. Bakit ba siya binibigyan pa ng atensiyon ng lalaki samantalang nandiyan na si Ziara. Ano ba siya para sa lalaki, past time? Habang di pa sila official na mag on ni Ziara. Ano siya, sinuswerte! Talaga naman, sabi niya sa sarili niya dahil ito ang nakauna sa kanya. Nakakainis talaga ang bruhong lalaking yon.

Mabuti naman at Monday na, busy na naman siya. Panandalian mawawala sa isip niya ang bruhong lalaking yon. Dahil nung weekend ay sobrang lungkot niya. Naaalala niya si Gerald. Kapag Sunday kasi ay niyaya niya itong magsimba. Paminsan-mninsan naman ay napagbibigyan siya ng binata pero kadalasan ay hindi dahil may lakad daw ito.

Nag-aayos na siya dahil lunch time na. May usapan silang magkakaopisina na kakain sa labas ng biglang may pumasok sa office niya na hindi man lang kumakatok. Si Gerald ang pumasok!

"Are you done?" tanong nito sa kanya.

"What?" siya naman ang nagtanong.

"I think you're done. Let's have lunch outside", sabay lapit sa kanya, kinuha ang kamay niya at hinila palabas. "Wait!" protesta niya ngunit di siya pinapansin nito. Tuluy-tuloy pa rin siyang hinila nito palabas ng office niya. Nakita naman sila ng mga kaopisina niya at sinenyasang sige lang. Nahihiya siya sa mga ito dahil hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos.

Dinala siya ng binata sa isang restaurant malapit sa opisina niya. Tinanong siya nito kung ano ang gusto niyang kainin, "bahala ka na", naiinis niyang sagot.

"I'm so stressed. Lahat ng tawagan ko, di daw sila pwede kaya I have no choice, ikaw ang pinuntahan ko", panimula nito.

"Gano'n?!" talaga namang nakakainis ito.

"I just attended court hearing. Nakakainis yun complainant, ang galing sumagot parang totoo ang sinasabi", kuwento nito.

"Ano ba kasing case?" kahit naiinis siya ay ine-entertain pa rin niya ang lalaki.

"Rape. But in truth, there was no rape, magboyfriend sila eh"

"Bakit, pag ba mag bf wala ng rape?" tanong niya.

"Pwede naman kaya lang sa case nung client ko kaya naman siya hinabla ng rape is because nakipag break siya", sagot nito.

"Okay", sabi na lang niya.

"Nagsimba ka ba kahapon?" tanong nito na ikinagulat niya.

"Yes", sagot niya.

"Sinong kasama mo?" si Gerald.

"No one".

"Why didn't you call me?"

"Why would I call you? Eh kung may lakad kang iba eh napahiya na naman ako", sabi niya.

"You should have called, para nalaman mo kung pwede ako", sabi ng lalaki na ikinagulat niya.

"Next time, call me", sagot ni Gerald na ikinataas niya ng kilay, totoo ba ang naririnig niya.

Pagkatapos kumain ay inihatid siya nito pabalik sa opisina niya.

Gerald's POV

Weekend na. Hintay siya ng hintay sa tawag nito, ni text wala siyang natanggap mula sa dalaga. Kaya naman ng dumating ang Monday ay gumawa na siya ng paraan para makita ito. Nagkunwari siyang stressed dahil sa kaso niyang hawak pero ang totoo ay di na siya apektado sa ganoong sitwasyon.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon