Chapter 40

4.3K 75 0
                                    


Chapter 40

Laine's POV

Pagdilat ng mga mata niya ay parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Nasaan nga ba siya? Luminga-linga siya, pamilyar ang lugar, napatayo siya ng mapagtanto kung nasaan siya. Naiinis siya kay Bianca, for sure tinawagan nito si Gerald. Hinahanap niya ang mga gamit niya at nang hindi niya Makita ay lumabas siya tamang-tama naman na kausap pala nito ang mommy niya kaya lamang ay may iba pa palang tao, isang pari at 3 madre. Di na siya nakapagsalita nang nagtinginan silang lahat sa kanya nung tinanong niya kung nasaan ang mga damit niya. Nakakahiya talaga, narinig pa niyang sinabi ng Mommy ni Gerald na magpapakasal sila in 6 months time. Parang nai-imagine na niya ang pagmumuka ni Gerald.

Nang hinila siya nito papuntang dining table ay sumunod na lamang siya, talaga namang may hang-over siya, gusto niyang humigop ng mainit na kape.

Ipinagtimpla siya ni Gerald ng kape. Nilagyan siya ng rice sa plato ngunit tumanggi siya, masakit pa rin ang ulo niya. "Bakit ba nakatapis ka pa ng towel", tanong niya pero may katuloy pa sana ang sinasabi niya nang sumagot na ito agad, "Bakit? Gusto mo tanggalin ko na ang towel, you like in briefs or in the nude?" pilyong tanong sa kanya ng lalaki.

"Heh! Ang aga-aga naman Ge yan ang sinasabi mo. Magbihis ka nga ng maayos", sabi niya.

"Okay na ito, para parehas tayo", saka ito tumingin sa bandang dibdib niya.

Napatingin siya sa dibdib niya. Medyo manipis pala ang shirt na suot niya, nakabakat ang nipples niya, at lagpas puwet lamang niya ang haba nito, namula siya sa hiya. Naisip rin niya na nakita sila ng mommy at mga kasama nito na ganoon ang hitsura niya.

Parang alam ni Gerald ang naisip niya, "Namula ka na, wag ka na mahiya, di naman halata pag malayo. Saka kung nakita naman ni Father, malamang nangumpisal na siya", saka ito tumawa.

"Bakit ba kasi di ka nagbihis bago nagbukas ng pinto", sisi niya sa lalaki.

"Laine, kahit ano pa ang suot ko, iyon pa rin ang maiisip ng makakakita sa'tin. Lumabas ka ng kuwarto suot ang t-shirt ko kaya kahit naka barong pa ako, yun pa rin ang iisipin nila. Palagay mo iisipin nila nagjajack en poy lang tayo dito?" ngumiti na naman ito ng pilyo.

Nalulusaw ang puso niya sa mga ngiti at titig ng binata, parang nawawala ang sama ng loob niya rito.

Hindi siya napilit kumain ni Gerald, wala siyang gana. Nanghihinayang pa naman siya dahil ipinagluto pa naman siya ng lalaki. Naghilamos at nagtoothbrush na lamang siya habang hinihintay niya ang damit niya. Nang may magdoorbell ay si Gerald ang nagbukas, nakabihis na ito. Kinuha niya sa lalaki ang mga damit niya. Isinuot na niya agad yon at nagmamadali na siyang lumabas ng condo nito. Pero bago pa niya marating ang pintuan ay naharang na siya ni Gerald.

"Hey, hey, why in a hurry? Di ka man lang ba mag thank you dahil sa pag-aasikaso ko sa'yo kagabing lasing ka." Inilapit ng lalaki ang mukha nito sa mukha niya, "Hindi na masyadong amoy beer ang bibig mo". Bigla niyang inilayo ang mukha niya sa mukha nito.

"Alam mo, I hate girls who drink lalo na yun nagpapassed out dahil sa kalasingan, major turn-off", he said it in her face.

"The hell I care, ma-turn off ka hanggang gusto mo!" binawi niya ang kamay niya at saka siya mabilis na lumabas ng unit nito. Ngunit bumalik siya dahil nakalimutan niya ng susi ng kotse niya.

"Where's my key?" tanong niya dito.

Nakatitig ito sa kanya. Para siyang malulusaw sa mga titig nito. Hinila siya nito papasok sa loob, isinara nito ang pinto at isinandal siya dito, "Now tell me, ano ba ang problema mo at naglasing ka kagabi?", napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.

"Wala ka na don.." halos pabulong niyang nasabi.

"Wala? Eh bakit ako ang sinisisi ni Bianca? Ano ba ang ginawa ko?" tanong nito sa kanya.

"kung hindi mo alam, eh di wala kang ginawa!" halos sigawan niya ito. "Akin na ang susi ko!" sigaw niya. Dumukot ito sa bulsa at ini-abot sa kanya ang susi niya. Pahablot niya itong kinuha, di pa siya nasiyahan, itinulak pa niya ito saka siya lumabas.

Habang papunta siya sa parking ay tumutulo ang luha niya, ewan nga ba niya at di pa maubos ang mga luha niya. Inis na inis siya kay Gerald lalo na sa sarili niya dahil kahit ano pa ginawa nito, mahal pa rin niya ang lalaki.

Pagdating niya sa condo niya ay humiga siya, nakatulugan na niya ang pag-iyak. Nag half day na lamang siya.

Bandang alas 2 ng hapon nang dumating ang kanyang unexpected visitor niya, ang mommy ni Gerald. Napatayo siya nang makita niya itong pumasok sa office niya, "Hi Tita", bati niya, NIlapitan niya ito at hinalikan. Umupo naman ito sa harap ng mesa niya.

"I'll go straight to the point hija, you will be marrying my son within 6 months, no buts, kung di nyo pa napag-uusapan ni Gerald, it's time you talk about it", dire-diretsong nagsalita ang ginang.

"Pero Tita..." yun pa lang ang nasasabi niya ay ito na naman ang nagsalita, "I said no buts. We will not catch you in a very compromising situation kung walang namamagitan sa inyo ng anak ko. Ramdam ko naman Laine mahal mo ang anak ko at ganon din siya kaya wag nyo nang patagalin nang mabigyan nyo na ako ng apo agad, hmm."

"Tita, kaya po ako nandon sa condo niya dahil nalasing ako, sinundo po niya ako sa bar..." di pa siya natatapos magpaliwanag ay nagsalita na naman ito.."Whatever hija, isipin mo na kung ano ang motif mo... isipin mo na rin kung sino ang gusto mong tumahi ng wedding gown mo. Wag mo tititpirin ang kasal nyo, Gerald can afford a big wedding...I'll be going na, may meeting pa kami sa simbahan and i-schedule nyo na kung kelan kami mamanhikan". Saka ito tumayo na at akmang lalabas na ng office niya.

Hinabol niya ito, "Tita, si Ziara po ang mahal niya".

Huminto ang ginang sa paglalakad at hinarap siya, "Did he tell you? Well, wag ka maniwala di totoo yon. I know my son, trust me. Bye".

Naiwan siyang nakatanga. Ano ba ang nangyayari sa kanila ni Gerald? Mapapasubo ata silang dalawa ng binata, mukhang desidido talaga ang mom nito. Kung sila nga ba talaga ay wala sanang problem kaso hindi nga kaya malaking problema talaga. Idagdag pa si Gerald baka insultuhin pa siya nito.

Pagsapit ng uwian ay nagtagal pa siya ng kaunti sa office. Alas 7:00 na siyang lumabas ng opisina. Pagdating niya sa condo unit niya ay nahiga siya sa couch, ang bigat pa rin ng ulo niya. Di niya namalayang nakatulog na siya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon