Chapter 10

91.5K 719 11
                                    

Chapter 10

Gerald’s POV

Nang magising siya ay gumaan na ang pakiramdam niya. Naramdaman niyang di unan ang kanyang hinihigaan. Bumangon siya at nakita ang dalaga na mahimbing na natutulog ng nakaupo. Di niya naiwasang pagmasdan ang mukha nito. Kay ganda nito. Bumaba naman ang tingin niya sa hinigaan niya, napakaputi at kinis ng mga hita nito. Biglang nag-init ang pakiramdam niya na para bang nilalagnat na naman siya. Agad niya itong tinapik-tapik sa balikat upang magising, “Laine, Laine, it’s already 5 p.m.” gising niya sa dalaga. Nang dumilat ito ay hinipo agad ang kanyang noo at tinanong “you feel better now?”

“Oo, salamat”, malamig na sagot niya sa dalaga. Tumayo naman agad ito at tumuloy sa kusina. “Hey, what are you going to do?” tanong niya dito. “I’ll cook dinner for us. Nagugutom na rin ako eh, di nga pala ako nag lunch”, sagot sa kanya

Biglang may nagdoorbell. Siya sana ang magbubukas ng pinto ngunit naunahan siya ng dalaga.

Pagbukas ni Laine ng pinto ay nagsalita agad ang may edad ng babae, “Gerald, anak, anong nangyari sayo?!”. Napatigil ito nang makita ang dalaga, “Who are you?” nagtatakang tanong nito sa dalaga.

“Ma, I’m okay”, sabi niya sa kanyang mama. “I thought you are sick. Your secretary told me when I called at your office” sabi nito habang kay Laine nakatingin. “Are you not going to introduce this girl to me?”, tanong nito sa kanya. “Okay, Ma, this is Laine”, pakilala niya. “Who is she? Your girlfriend?”

“No! and never will be” tanggi niya.

“Pwede ko po ba kayong tawaging tita?” tanong nila Laine sa mama niya.

“Sure. Eh sino ka nga ba iha?” mama niya.

“Soon to be your son’s girlfriend, tita” si Laine.

“Okay ka naman pala Gerald, may nag-aalaga naman pala sayo. I guess I have to leave, nakakaistorbo lang ako” nakangiting sabi ng mama niya sa kanya.

Hinarap naman nito si Laine at sinabing “You look good in my son’s shirt” kumindat ito at tumalikod na.

Napansin niyang biglang namula ang dalaga, di nito marahil naalala na damit niya ang suot.

“Gerald, I think your mom likes me” sabay kindat sa kanya.

“In your dreams”, sabi na lang niya.

Nang matapos magluto si Laine ay pinilit siyang kumain nito. “I’ll eat later. Kumain ka na para makaalis ka na at gumagabi na and you annoy me” sabi niya sa dalaga.

“Hindi ako aalis hanggang di mo ko sinasabayang kumain” sagot naman nito.

Wala siyang nagawa kundi sabayan ito para lamang makaalis na.

Habang sila ay kumakain ay napansin niyang nakatitig ito sa kanya, “what?” naiirita niyang tanong sa dalaga.

“Ang sungit mo talaga. I’m just enjoying the view”, sagot nito.

“You know what, you really irritate me. Can’t you just eat? Para maka-alis ka na!” sabi niya.

”Lam mo mas pogi ka pag nagagalit, kaya lalo ako nai-inlove sayo eh. Sagutin mo na kasi ako. Ano ba ang ayaw mo sa’kin? Babaguhin ko o ano naman ang gusto mong gawin ko”, kulit sa kanya ng dalaga.

“I hate the likes of you and you are not my type!” sagot niya.

“What do you hate about me? And what is your type?” sabi naman ng dalaga.

“I hate the whole you, and my type is your opposite. Finish your food and get lost”, sabi niya. Parang nabigla naman siya sa sinabi niyang iyon pero she deserves it, makulit siya eh.

“You may not like me now, but time will come, ikaw naman ang hahabol sa’kin”.

“In your dreams!” asar na sabi niya.

Nang matapos kumain, nagbihis na ito at nagpaalam sa kanya. “Sige alis na ko, mag rest ka pa rin para lumakas ka.” Lumapit ito sa kanya, hinipo ang noo niya parang tinitiyak na wala na siyang lagnat. Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito. Yumuko ito at hinalikan siya sa labi. Pagkatapos ay umalis na ito. Naiwan siyang nakaupo at nakatulala. Ayaw niyang aminin sa sarili niya na may iba siyang naramdaman sa halik na iyon.   

  

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon