Chapter 7

93.2K 869 21
                                    

Chapter 7

Gerald’s POV

Magkikita-kita silang magkakaibigan ngayon dahil birthday ng isa sa kanila na si Dave. Nagimbita ang may birthday ng salu-salo sa isang restaurant sa Greenbelt. Papunta pa lamang siya ay naisip na niya ang makulit na babaeng si Laine. Pagdating niya sa restaurant, nagtaka siya at hindi kasama ni Bianca si Laine. Ayaw naman niyang magtanong dahil baka isipin ng mga kaibigan niya na interesado siya. Ngunit si Bianca na rin ang nagsabi habang sila ay kumakain, “Guys, wala si Laine kasi masama daw pakiramdam niya, pasensiya ka na daw Dave”.

Tumingin sa kanya si Bianca at sinabing “Atty., bisitahin mo naman si Laine para gumaling agad”.

“Oo nga naman Gerald, kulang lang yun ng kiss-perin at yakap-sul” tukso sa kanya ng mga kaibigan.

Hindi niya pinansin ang panunukso ng mga ito pero di pa rin sila tumigil, “Obvious naman na crush ka ni Laine pare at napakasuwerte mo. Kung ako lang ikaw, niligawan ko na yon, jackpot ka dun, maganda, matalino at sexy pa” sabi naman ni Orvy, ang doctor sa kanilang magkakaibigan.

“Eh di ikaw manligaw, type mo pala eh” sagot naman niya.

“Uy, selos na agad” at nagtawanan ang mga ito.

Habang siya ay papauwi ay biglang sumagi sa isip niya ang dalaga. Nalaman niya mula sa dalaga nung siya ay magdinner sa condo nito  na mag-isa lamang itong namumuhay dito sa Pilipinas, buong pamilya nito ay nasa Amerika. Ibig sabihin ay walang mag-aalaga dito kung magkasakit ito. Parang nakonsensiya siya sa naisip na iyon. Nagpasya siyang daanan ito upang tingnan ang kalagayan nito. 

Ilan beses siyang nagdoorbell bago siya pinagbuksan ng dalaga. Ngunit bigla ito natumba, mabuti na lamang at nasalo niya ito.  Ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nito. Binuhat niya ang dalaga at inihiga sa kama. Tumawag siya agad kay Orvy, ang doctor sa kanilang magkakaibigan, “Pre, ano bang gagawin sa masyadong mataas ang lagnat?” tanong niya. “Relax lang pre, eto gawin mo…..” inisa-isa naman nito ang dapat niyang gawin.

Nang magawa nito ang sinabi ng doctor, kinumutan niya ito.  Mahimbing na ang tulog ng dalaga. Kumuha siya ng kanyang upuan at tumapat sa nakahigang dalaga ngunit siya rin ay naidlip sa pagbabantay dito. Nang magising siya, nilapitan niya agad ang dalaga. Nakita niyang pawis na pawis ito at basing basa na ang damit.  Siya ay pinagpawisan din ng maisip ang kailangan niyang gawin – ang bihisan ito.

Wala siyang choice kundi bihisan ito dahil kung di niya gagawin iyon ay matutuyuan ito ng pawis at lalong magkakasakit. Binuksan niya ang butones ng pang itaas na pajama nito, tumambad sa kanya ang maputi at malulusog na dibdib ng dalaga.

Pinagpawisan siya sa nakita, may biglang nagising sa kanyang katawan kaya agad niyang pinalitan ito ng damit pang itaas nito.  Isinunod niyang hubarin ang pang-ibabang pajama nito, kasama ang underwear nito. Kahit na pumikit siya upang di makita ang itinatago nito ay di niya napigilan ang mga matang tingnan ang kaakit akit nitong katawan.  Gusto niyang bawalin ang sarili niyang pagpiyestahan ang katawan ng dalaga ngunit parang may magnet ito at di niya mapigilan ang pag-iinit na nararamdam niya lalo nang nasa kanyang ibaba.

Hindi ito nagising hanggang sa mabihisan niya ito. Siya naman ay nagtungo sa banyo at naligo.  Kailangan niyang patayin kung anuman ang nararamdaman niya ng oras na iyon. Alam niyang siya ay nagkasala sa dalaga ngunit di siya santo para di mabighani sa magandang mukha at katawan nito, sabi na lang niya sa sarili.

Please vote and comment. T.Y.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon