Chapter 48

73.9K 1K 77
                                    

Chapter 48

Friday na. May dinner date silang magkakaibigan. Nagbakasakali na naman siyang tawagan ito ngunit ganon pa rin, di siya sinasagot nito. Sobrang nasasaktan na siya sa ginagawa ni Gerald na pambabalewala sa kanya.

Hapon na nang tinext niya ito kung pupunta sa dinner date nilang magkakaibigan. SA wakas ay sumagot ito sa text niya ngunit sinabi lamang na di siya sure kung makakapunta. Kahit naiinis siya ay tinext niya ito na hihintayin na lamang niya ito sa restaurant kung san sila magdi-dinner, sinabi rin niya na hindi siya magdadala ng sasakyan ngunit di pa rin ito nagreply.

Nagdidinner na sila ngunit wala pa rin si Gerald. Di rin ito nagte-text sa kanya.

“Tinext ko si Gerald, hahabol na lang daw siya” sabi ni Henry sa kanila. Walang alam ang mga ito sa nangyayari sa kanila.

Malapit na silang mag-uwian nang dumating ang lalaki. Sumunod siya rito ng uwian na. Sumakay siya sa kotse nito kahit di siya niyayaya. Wala silang imikan sa loob ng kotse. Malapit na sila sa condo niya nang magsalita siya, “san ka pala nag hearing kanina?”

“Cavite” maikling sagot nito. Di na siya muling nagtanong at mukhang ayaw nitong magsalita.

Inihinto lamang nito sa tapat ng condo niya saka nagsalita “Go ahead, hindi na ako bababa”.

“Ha, bakit?” tanong niya. Hindi niya akalain na hindi na ito bababa.

“Pagod ako, I want to rest” malamig na sagot nito. Wala siyang nagawa kung hindi bumaba ng kotse nito.

Pagpasok niya sa unit niya ay naiyak na siya. Sobrang parusa na ang ibinibigay ni Gerald sa kanya. Hindi niya kayang tiisin ang pagtrato sa kanya ni Gerald ng ganon. Nasasaktan siya. Hindi rin siya papayag na ganon-ganon na lang matapos ang relasyon nila kung matatawag nga itong relasyon, ngayon pang nalaman niyang mahal din siya ng lalaki. Kaya naman nagdesisyon siya na sundan ito sa unit nito.

Pagkabukas ng pinto nito ay tinalikuran siya agad ni Gerald.

“Ge, please listen to me naman…” pakiusap niya. Ayaw pa rin nitong harapin siya kaya naman niyakap niya ito mula sa likod.

“More than anything in this world, maging asawa mo ang pinapangarap ko…hindi ko naman sinabing ayaw kong magpakasal sa’yo, ang sabi ko lang i-enjoy muna natin ang pagiging magboyfriend natin then afterwards magpakasal na tayo. Ewan ko ba parang gusto ko munang maramdaman kung ano ang feeling maging girlfriend mo. Kasi naman since 12 years old ako yun na ang pinangarap ko…” paliwanag niya habang nakayakap siya sa lalake.

“Gaano katagal mo naman ako paghihintayin?” tanong nito sa kanya.

“Pagbigyan mo ako ng kahit isang taon lang” umiiyak na siya.

Kinalas ni Gerald ang mga kamay niyang nakayakap dito at saka siya hinarap. Nakita nito ang pagluha niya, kumunot ang noo nito. Pinunasan ng mga daliri nito ang mga luha niya. “Wag ka na magalit please” pakiusap niya.

“You hurt me Laine. Masakit palang tanggihang pakasalan…”sabi ni Gerald.

“Hindi kita tinanggihan, nanghihingi lang ako ng konting time, yun lang naman. Alam mo naman kung gaano kita kamahal Ge” sinasabi niya ito habang umiiyak siya.

“I love you that’s why I want to give my name to you” sabi ni Gerald sa kanya. “Madaya ka, dinadaan mo ako sa iyak” dagdag pa ng lalaki saka siya hinalikan sa noo.

Lalo siyang napahagulgol sa sinabi nito, “Sige, magpakasal na tayo, basta wag ka ng magagalit sa’kin…di ko kaya..”

“No, di ganon. Sige, pagbibigyan kita, 1 year lang. Pero after 1 year magpapakasal na tayo. Kung ayaw mo pa rin, mas mabuting maghiwalay na tayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” si Gerald.

“Oo, 1 year lang kahit wala pang 1 year magpakasal na tayo” umiiyak pa rin siya.

“Tama na ang pag-iyak, napapayag mo na ako” sabi ni Ge habang yakap siya.

 

Gerald’s POV

Nasaktan siya ng nahimigan niya na ayaw pa ni Laine magpakasal. Nanghihingi ito ng 1 taon bago sila magpakasal. Hindi niya iyon maintindihan kaya nilayasan niya ang dalaga. Hindi niya pinakinggan ang paliwanag nito. Hindi rin niya ito tinawagan at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag at text nito. Ilang araw din niyang tiniis na di sagutin ang mga tawag at texts nito sa kanya.

Friday na ng hapon nang sagutin niya ang text nito tungkol sa dinner nilang magkakaibigan. Sinadya din niyang magpahuli sa usapan nilang magkakaibigan. Sinadya din niyang di ito pansinin o tingnan man lamang. Pero sa totoo lang gustung-gusto na niya itong yakapin dahil miss na miss na niya ang dalaga. Napansin nga ni Susan ang di nila pagapapansinan ni Laine, di na lang niya ito sinagot.

Nang uwian na ay sumabay pa rin sa kanya ang dalaga. Kinausap naman siya bago dumating sa unit nito. Nang hindi siya bumaba ay halata niyang nagulat ito at nalungkot.

Nang makarating siya sa condo unit niya ay mabigat din ang kalooban niya dahil na rin sa hindi nila pagpapansinan ng dalaga.

Nagkakape siya nang may nagdoorbell. Nagtataka siya kung sino ang bisita niya. Pagsilip niya sa peephole, si Laine ang nakita niya, binuksan niya ang pinto at tumalikod na siya. Niyakap siya ng dalaga mula sa likod. Sobrang pagpipigil niya sa sarili niya, gusto na rin niyang gantihan ang yakap nito sa kanya. Nagpaliwanag naman ito at nang makita niyang lumuluha ito ay tuluyan nang lumambot ang puso niya. Sumang-ayon na rin siya sa kagustuhan ng dalaga na ipagpaliban muna nila ang pagpapakasal.

“Halika na, ihahatid na kita sa unit mo” yaya niya sa dalaga.

“Ayoko, dito ako matutulog” tanggi ni Laine.

“Ha? Sure ka?” tanong niya. Tango ang isinagot ng dalaga. Tinitigan niya ito.

“Ge naman, pumayag ka naman na 1 year pa bago tayo magpakasal pero di ako papayag na after 1 year bago pa tayo magmake love” saka ito pilyang ngumiti.

“Masyadong matagal yon” sumimangot naman ito ngayon.

“Don’t tempt me, baka magsisisi ka” siya naman ang pilyong ngumiti.

“Never” sagot ni Laine saka siya hinalikan ng marubdob sa mga labi. Siyempre di niya iyon matatanggihan dahil sabik na sabik na rin siya sa dalaga. Hindi mapaghiwalay ang mga labi nila, ramdam nila ang pananabik sa isa’t-isa. Humantong sila sa kama at doon sila naging isa.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon