Chapter 33

4.5K 79 0
                                    


Chapter 33

Laine's POV

Friday. Hindi pa rin tumatawag si Gerald sa kanya kaya nag-isip siya na baka hindi na sila matutuloy. Nalungkot siya pero okay na rin, marami naman siyang dapat gawin sa weekend. Kumain na lang siya ng fruits for dinner. Nagring ang cellphone niya, tiningnan niya ang caller, si Gerald "Hello".

"I'll pick you up tomorrow at 6 AM, don na tayo magbreakfast", sabi ni Gerald sa kabilang linya. "Okay", maikling sagot niya pagkatapos ay ini-off na ng binata ang cellphone nito. Iginayak na niya ang gamit niya saka siya natulog.

Bago mag 6 AM ay may nagdoorbell na, kinuha na niya ang bag niya at tuloy-tuloy na niyang binuksan ang pinto. Si Gerald na nga, napatitig siya rito, fresh na fresh ang hitsura ng lalaki, bagong paligo rin ito, naka cargo pants at tshirt lang ito. He's hot. Napangiti siya sa naisip niya. Napansin iyon ni Gerald habang kinukuha nito sa kanya ang backpack bag niya, "Anong nakakatawa? Mukhang maganda ang gising mo ah", pansin nito sa kanya.

"Ah oo, kasi nakatulog ako agad kagabi", sabi na lang niya. Habang nakasakay sila sa elevator ay di niya mapigilan ang di mangiti dahil kinikilig siya sa kaguwapuhan ng kasama niya. "Bakit ba? Ano ba ang nakakatawa?" tanong nito sa kanya.

"Wala naman, naninibago lang ako sa'yo kasi ngayon lang kita nakita na nakatshirt at cargo pants. Parang kang hindi abogado kasi or hindi lang ako sanay na ganyan ang suot mo".

"Hindi ba bagay sa'kin?" tanong ni Gerald sa kanya.

"On the contrary, bagay sa'yo atty. Bumata ang 'tsura mo, para kang teenager. Okay na ba yung papuri ko sa'yo. Ililibre mo na ako ng lunch sa pinakamahal na restaurant", saka siya tumawa.

"Ganon, parang teenager", komento nito na parang di natutuwa.

"Hoy ano ka ba? Compliment yun ah, ayaw mo pa", sabi naman niya. Di siya pinansin nito. Tuloy-tuloy na sila sa kotse ng lalaki.

Habang nagbibiyahe sila, "For sure maraming tao ngayon sa Tagaytay coz it's weekend. Na-try mo na bang mag zipline?" tanong nito sa kanya.

"Yeah, but not in Tagaytay. Ano pa ang puwedeng gawin 'don?" sabi niya.

"Trekking, wanna try it?" si Gerald.

"Ay, parang ayoko, masyadong nakakapagod yon", sabi niya.

Sandali itong nanahimik, "Tell me, how was your life back in America?", panimulang pagtatanong nito sa buhay niya. Himala, parang intersado ito sa buhay niya.

"When we migrated to the US, I'm just 12 years old. Syempre, we experienced racial discrimination, as for me, it took me years to adjust living there. My older brother was always engaged in trouble. My younger sister was the one who easily adjusted to the way of living there maybe because she is very young then", umpisang kuwento niya. Ikinuwento niya ang mga escapades niya nung naga-adjust pa lang sila sa Amerika.

"Ilan naman ang naging boyfriend mo?", tanong ni Gerald sa kanya.

"Oh, you are getting personal huh. Dalawa. One in high school and one in college", sagot niya.

"I presume si Harold yun naging boyfriend mo nung college ka. How did you 2 met?", seryosong tanong nito sa kanya.

"Personal na talaga ang tanungan", natawa siya.

"Later, you can also ask personal questions to me", sabi naman nito.

"Naikuwento ko na yun dati pa, di ka nakikinig", sabi niya.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon