Chapter 3

6K 63 0
                                    


Chapter 3

Laine's POV

Biglang siyang nalungkot nang biglang umalis si Gerald at nagpunta sa ibang umpukan. Nagpaalam na din si Henry para mag istima pa ng mga bagong dating na bisita. Binulungan naman siya ni Bianca at sinabing, "Girl, wag kang malungkot, kukunin ko kay Kuya Henry ang cp number niya". "Huh, nakakahiya naman i-text or tawagan siya, parang di naman nag-register sa utak niya ang name ko", sagot naman niya. "Ano ka ba, Girl? Parang di ka naman lumaki sa Amerika, pag binigay ko sa'yo number niya, bahala ka naman ng dumiskarte. Walang napapala ang mabagal. Kung di ka mapansin, ikaw ang magpapansin noh" litanya ng kaibigan niya.

Bago matapos ang party, di lang cp number ang binigay sa kanya ni Bianca, calling card ng guwapong abogado ang nasa kamay niya ngayon. Di rin naman nagtagal sa party si Gerald, nakita niya itong lumabas pagkaraan ng ilang minuto mula nung lumipat ito ng table matapos silang ipakilala.

Nakahiga na siya sa kanyang kama ay tinititigan niya ang calling card ni Gerald, don niya nalaman na ang opisina pala nito ay malapit lamang sa building kung san siya nagwo-work. Muling bumalik sa kanyang isipan ang guwapong mukha nito noong una niya itong nakilala at ang mukha nito kanina nang ipakilala siyang muli dito. Nagpasya na siya at buo na ang kanyang loob, kung di siya napansin nito, siya ang gagawa ng paraan para mapansin at makilala ng lalake. Naisip niyang tama ang litanya ni Bianca kanina sa party. Gagawa siya ng magandang plano kung paano niya ito mapapaamo at bukas na ang simula, sabi nga ni Bianca, sa bagal niya baka may mauna na sa kanya at saka siya magsisi.

Kinabukasan, masaya niyang sinimulan ang araw para good vibes sa hakbang na gagawin niya mamaya.

Nagpunta siya sa law office ni Gerald. "Good afternoon ma'am, what can we do for you?" bati sa kanya ng secretary. "Can I have an appointment with Atty. Sanders regarding a case? Preferably today, I am Laine Gomez" pakilala niya. "Okay ma'am, I'll just ask Atty. Sanders if he can accommodate you today. Please take a seat." sagot naman ng secretary at pumasok na ito sa office ni Gerald. Pagkaraan ng ilan minuto, lumabas na ito at sinabing pwede na raw siyang pumasok sa office nito. Nagulat siya, sobrang bilis naman yata ng pangyayari, makakausap at makakaharap na niya ito. Huminga siya ng malalim at tinungo ang office ni Gerald.

Pagpasok niya, nakatingin si Gerald sa kanya na nakakunot ng noo, parang kinikilala siya. "Good afternoon, Attorney" bati niya. "Please sit down" sabi naman nito. Pag upo siya sa harap nito, sinabi niya agad "Don't you remember me?". Bigla naman itong parang may naalala, "yeah, ikaw yun friend ni Bianca, right?" sabi nito. "I thought you didn't remember, we just met last night" paalala niya dito. "Okay, what's your concern?" tanong sa kanya. Parang na blangko ang isipan niya, di niya alam kung ano isasagot niya. "Hey, what can I do for you?" tanong ulit sa kanya nito. "Actually, I have no case to refer, I just want to....see you again and make friends with you, okay lang ba?" matapang niyang tanong dito. Dumilim ang tingin sa kanya ni
Gerald, sumandal ito sa kanyang swivel chair at nagsalita, "So that is your reason in coming here? You know what, I am a very busy person, I have more important things to do than to play your games, you can leave now and by the way, it's not okay with me and I don't want to make friends with you, I think everything I said is clear," yumuko na ito at itinuloy ang pagbabasa.

Parang siyang binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran nito pero sinabi niya sa sarili niya na di siya patatalo dito. "Okay, pagbibigyan kita ngayon Attorney, pero I assure you, next time di ka na makakatanggi sa akin" sabi niya rito at lumabas na siya ng office nito.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon