Chapter 5

98.7K 975 29
                                    

Chapter 5

Napakaganda ng araw niya ngayon, kakapanalo lang niya sa isang kaso ng biglang mag ring ang kanyang cellphone, number lamang ang lumitaw sa screen kaya ibig sabihin ay di niya kilala ang tumatawag sa kanya. Naisip niyang baka importante iyon kaya sinagot din niya, “Hello, may I know who’s on the line?” tanong niya.

“Hi Attorney, Suzanah told me that you are going to attend their wedding anniversary celebration tonight, sabay naman ako please, where are we going to meet?” sabi ng kausap niya sa kabilang linya.

“Hey, I don’t know you, how did you get my number?” iritadong tanong niya.

“Gerald naman eh, 3 days ago lang inihatid mo ako sa condo ko, now, you don’t know me na”, sagot ng babae.

“It’s you again, Laine, pwede ba stop pestering me, just go by yourself and leave me alone” at pinidot niya ang end button.

Nag-ring ulit ang cp niya, this time si Suzanah naman, “Hello” bati niya. “Gerald, tumawag na ba sayo si Laine, binigay ko number mo kasi di niya alam ang papunta dito sa bahay, wala si Bianca, may lakad daw” sabi ng kaibigan niya. “Suza, why me? Bakit di na lang si Henry, si Dave o kung sino pa, you know I’m a very busy person” sabi niya sa kaibigan niya.

“Why? Is there a problem? Yun iba kasing friends natin, iba ang way, kayo ni Laine ang magkalapit kaya sa’yo ko siya pinasasabay, and I like her. Gift mo na sa’kin to ngayon, anniversary naman namin eh, I want her to attend as much as I want you to attend, Please Attorney”, pakiusap sa kanya ng kaibigan. “Sige na nga, pagbibigyan kita, I’ll bring her with me, pero last na ito kasi lilipat na ako ng condo para out of the way na rin ako” sabi niya sa kaibigan niya. “Thanks Gerald”, natatawang sabi ng kaibigan niya.

Wala siyang magawa kundi mag-return call sa tumawag sa kanya. ”Hello, okay you win, I’ll fetch you at your place, be ready at 6:30”. “Okay Attorney, I’ll wait for you, ingat sa pagdrive”, sabi ni Laine.

Laine’s POV

Tuwang-tuwa siya sa nangyayari, susunduin siya ni Gerald. Nalungkot siya nang maisip niya na napipilitan lamang ito sa pagsundo sa kanya. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa, mapapa amo rin niya ito. Pinili niyang magsuot ng simpleng bestida na bumagay naman sa kanya. Sa totoo lang, maraming nagkakagusto sa kanya, Pinoy man o foreigner kaya lang walang makakuha ng atensyon niya kung hindi si Gerald lamang.

Saktong 6:30 ng makatanggap siya ng text mula kay Gerald na sinasabing nasa parking lot na siya ng building. Agad naman siyang nagtungo doon at madali niyang nakita ang kotse. Binuksan niya ang pinto at sumakay. Napatingin siya kay Gerald, napakaguwapo nito kahit na nakasimangot. Naka checkered ito ng shorts sleeved polo at nakaslacks ng black. “Good evening”, bati niya rito na tango lamang ang isinagot. Ewan ba niya at para siyang teenager na kinikilig pag nakikita ang crush niya.

Pagdating nila sa bahay nila Suzanah, sinalubong sila agad nito. Ipinakilala siya sa mga kamag-anak nito. Nakigrupo naman siya sa mga ito habang si Gerald naman ay nasa ibang grupo. Pinatikim siya ng ibat ibang klaseng cocktail dahil ang isa sa mga ito ang tagatimpla.

Bandang mga alas 10 na ay nilapitan siya ni Suzanah at sinabing aalis na sila ni Gerald. Nang tumayo siya saka niya naramdaman ang pagkahilo kaya napahawak siya sa mesa. Agad naman tinawag ni Suzanah si Gerald para alalayan ito. Kahit nahihilo siya ay amoy na amoy niya ang pabango nito na lalo yatang nagpahilo sa kanya, naramdaman din niya ang matigas na katawan nito, napakasarap ng pakiramdam niya ng oras na iyon. Nakatiim bagang ito habang inaalalayan ang babae papunta sa kotse. Nang sila ay nasa loob na sila nang sasakyan, “Wag ka kasing umiinom ng di mo kaya” pagalit na sabi nito sa kanya. “Cocktails lang naman yon, di ko naman alam na tatamaan pala ako kahit pakonti konti lang ang inom ko”, paliwanag niya dito. “Natural! Alak ang inihahalo pa rin don, ang sabihin mo careless ka” dagdag pa nito. Napangiti siya kahit nakapikit dahil feeling niya concerned ito sa kanya.

“Hey, wake up, we’re here”, gising sa kanya ni Gerald. Pagdilat ng mata niya parang umiikot pa rin ang paligid, muli siyang pumikit. “Di ko kaya tumayo, nahihilo pa rin ako”, sabi niya.

“F---k!” narinig niyang sinabi ng lalaki ngunit kahit naiinis ito ay inalalayan pa rin niya itong bumaba ng kotse. Nakasakay na sila sa elevator ng taningin siya ni Gerald kung anong floor siya “18th floor”, sagot niya. Kahit nahihilo siya ay napakasarap ng pakiramdam niya dahil nakahawak si Gerald sa baywang niya bilang pag alalay sa kanya. Nang nasa tapat sila ng condo niya, akmang sususian niya ang pinto ng kinuha nito sa kamay niya at ito ang nagbukas ng pinto. Umupo agad siya sa sofa, di niya alam kung ano dahilan ng pagkahilo niya, alak ba o ang pagkakahawak sa kanya ni Gerald. Tuloy-tuloy ito sa kusina at nagtimpla ng kape.

“Inumin mo ito” utos ng lalaki, “Next time, don’t drink, pwerhisyo kang kasama” dagdag pa nito. Kahit masakit sa tenga ang sinasabi nito ay masaya pa rin siya dahil pinagsilbihan siya nito. Nang makahigop siya ng kape ay parang nawala ang hilo niya, “Yes attorney, di na ko titikim ng cocktail……pag wala ka” sabi niya rito at napangiti na lamang siya.

Please vote and comment guys.  This is my first story. Thank you!

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon