Chapter 46

4.3K 69 1
                                    


Chapter 46

Gerald's POV

"Wait! ano nangyari? Sino ang naaawa?" gulat na tanong ni Gerald hindi niya hinayaang makaalis ang dalaga, hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kamay nito. Tumayo siya ay niyakap ito mula sa likod.

"Puwede bang ako naman ang magkuwento?...nakinig ako sa'yo kanina, pwedeng ikaw naman ang makinig sa'kin?" pakiusap niya. Dinala niya ito sa may gilid ng terrace, niyakap niya muli ang dalaga mula sa likod. Nakadantay ang ulo niya sa may balikat nito.

"Nakita na kita dun sa party ng parents ni Henry, sinusundan kita ng tingin, you already caught my interest tapos nawala ka. Nung nakita kita uli ay magkasama na kayo ni Bianca pero nung papunta na kayo sa bar eh humiwalay siya. Natuwa naman ako at makakadiskarte ako, sinadya kong makipag agawan sa iisang drink para mapansin mo." Kuwento niya.

"Eh bakit di mo naman ako pinansin non?", sita ni Laine.

"Style ko yun, para mapansin mo", sagot niya.

"Kaya lang na turn off ako kasi nakita ko na planado pagkakakilala natin that's why I suddenly became cold. Tapos narinig ko pa na you love challenge kaya lalo ako na bad trip." Habang nagkukuwento siya ay hinahalikan niya ang buhok at leeg nito.

"Habang lapit ka nang lapit at layo ako ng layo ay di ko pa rin napigilan ang damdamin ko na mahalin ka. Heaven knows kung paano ko paglabanan ang nararamdaman ko para sayo kaya lang kahit anong gawin ko ay ganoon pa rin, nahuhulog ako ng nahuhulog sayo", kuwento niya.

"Eh bakit tuwing may hihilingin ako sa'yo kailangan may kapalit na panahon na di mo ko makikita, alam mo ba kung gaano kasakit yun ha?" sita na naman sa kanya ni Laine.

"Sorry na, nasasaktan din naman ako sa ginagawa ko na ganon kaya lang...ewan ko ba, I'm just a jerk. Natutuwa ako pag nagpipilit ka na makasama ako", sabi niya.

"Nung niyaya kita na magpunta sa Hongkong, bakit tuwang tuwa ka nung sinabi ko na forever mo na akong di makikita?", nagtatampong tanong ng dalaga sa kanya.

"Kunwari lang yon, di ko naman tinotohanan di ba, ako naman ang lumalapit sayo di ba..." sagot niya saka niya hinigpitan ang pagyakap sa dalaga.

"Teka muna, ano ba ako sa'yo ngayon?" nilingon siya ng dalaga at saka siya hinarap.

"Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay", diretsong sagot niya.

"Baka naman naaawa ka lang sa'kin?", si Laine.

"Bakit naman ako maawa sayo? Teka nga, san ba nanggaling yun idea na naaawa ako sa'yo?" nagtatakang tanong niya.

Kumalas sa pagkakayakap ang dalaga at saka medyo lumayo, "Pinuntahan ako ni Ziara, one day before Orvy's birthday, nagagalit siya sa akin, layuan na daw kita, pangalawang beses na niya akong kinausap tungkol sa'yo", si Laine.

"What about? Bakit ka niya kinausap?"

"Pinalalayo niya ako sayo, ang sabi ko naman, ikaw ang sabihan na lumayo sa akin, dahil ako, hindi kita lalayuan. Kanina naman ang sabi niya kaya ka lang daw lumalapit sa akin dahil naaawa ka lang", kuwento niya.

"Ako? Maaawa sa'yo", maang na tanong niya.

"Hindi ka ba talaga naaawa lang sa'kin?" balik tanong sa kanya ng dalaga.

Iniharap niya muli sa kanya ang dalaga, tiningnan ito sa mga mata at saka nagsalita, "Pity is very much different from love. If pity is the reason why you are with someone, it will not last. Sooner or later, pity will fade but if you love someone, whatever happens, you will cling to each other......"paliwanag niya kay Laine.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon