Chapter 32

4.3K 80 0
                                    


Chapter 32

Laine's POV

Mabigat ang pakiramdam niyang pumasok sa office kinabukasan. Iyon din ang araw ng pag-alis ni Harold. Gusto niya sana itong ihatid sa airport ngunit tumanggi ang binata, "No need, if I see you before leaving, I might change my mind and not let you go, in that way, you'll hurt me more because I know you'll not stay". Naalala niyang sabi nito bago sila maghiwalay ng nakaraang gabi. Pinagdarasal niya si Harold na Makita nito ASAP ang babaeng magmamahal sa binata at mamahalin din nito. Natapos ang maghapon niyang malungkot. Wala naman siyang ganang kumain kaya di na siya nag-abala pang mag-grocery kahit alam niyang wala na siyang stock na pagkain sa unit niya. Pagdating niya sa unit niya ay nagtimpla na lamang siya ng kape dahil yun lang ang meron. Bandang alas 7 ay nagring ang cellphone niya, si Gerald.

"Hello" bati niya at saka siya nagbuntung hininga. "Kumain ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Nagkape na ako", sagot niya.

"Are you still sulking because of that jerk? I'm on my way, may dala akong pagkain, just wait for me", sabi nito at saka ini-off na ang cellphone nito.

After 30 minutes, may nagdoorbell na. Nagtaka siya at hindi ginamit ni Gerald ang duplicate key nito. Tinungo niya ang pinto at binuksan, kaya pala parehas na may hawak ang dalawang kamay nito, take out na pagkain at gorceries ang dala nito. Tuloy-tuloy ito sa kusina. Kumuha ito ng dalawang plato at binuksan ang dalang pagkain.

"Let's eat", yaya nito sa kanya.

"Ikaw na lang, I'm not hungry", tanggi niya pero umupo siya sa harap nito.

"Hindi, kakain ka. Look at you, napakapayat mo na, puro buto", pintas ng binata sa kanya.

Inirapan na lang niya ang binata. Nilagyan siya ng pagkain sa plato ng binata. Tinitigan niya lang ang pagkain.

"Laine, kumain ka na, ano ba? Move on! he left you then he doesn't love you!" sigaw nito sa kanya na inis na inis.

"You don't understand! He left because he loves me that much!" ganting sigaw niya kay Gerald.

"If he really loves you, he will not leave you! Accept it and move on, hindi lang siya ang puwedeng mahalin!" Bigla itong tumayo at ibinagsak ang hawak na kutsara at tinidor at nagtuloy sa terrace.

Ano kaya ang iniisip nito tungkol sa kanila ni Harold? Kung akala nito kaya siya malungkot ay dahil iniwan siya ni Harold eh mabuti nga para isipin nito na di siya ang iniiyakan niya. Pero bakit mukhang affected ito? Nagseselos ba ito kay Harold o naiinis lang dahil may iba na siyang binibigyan ng atensiyon.

Sinundan niya ang binata sa terrace, nakita niya itong nagsindi ng sigarilyo. Di niya alam na nagi-i-smoke ito. "Nagsmoke ka pala", sabi niya rito.

"Occasional lang, depende sa mood", sagot nito na di siya tiningnan man lamang.

"Free yourself this coming weekend, punta tayo sa Tagaytay", malamig na sabi nito sa kanya.

Tatanggi sana siya kaya lamang ay natitiyak niya na pagginawa niya iyon ay magagalit ito kaya di na lamang siya sumagot na ang ibig sabihin ay pagsang-ayon niya.

"Nawalan na rin ako ng gana. Aalis na ako. I'll call you before weekend", saka ito umalis.

Gerald's POV

Hindi niya kayang tiising Makita si Laine na ganoon ka-depressed. Sinundan kasi niya si Harold at si Laine. Nasaksihan niya ang pagpapaalaman ng dalawa. Pinabayaan niya munang makapasok si Laine sa unit nito. Nang sa palagay niya ay nakapag-ayos na ito ng kaunti ay ginamit niya ang kanyang duplicate key para pumasok sa unit nito. Di siya naramdamang pumasok, nakita niya itong nakatayo sa may terrace, yakap ang katawan, ramdam niyang umiiyak ito. Pinuntahan niya ito at niyakap. Nagulat ang dalaga ngunit lalo niyang hinigpitan ang yakap niya rito. Nakatulog ang dalaga habang yakap niya at saka siya umalis.

Habang pauwi siya sakay ng taxi ay nag-isip siya. Ano nga ba ang nangyayari sa kanila ng dalaga? Dati ay ito ang naghahabol sa kanya, ngayon naman ay siya na. May natitira pa kayang pagtingin sa kanya ang dalaga. Sana ay meron pa, hiling niya.

Isa pang magiging problema niya ay si Ziara. Nitong nakakaraang mga araw ay nagpaparamdam ito na gustong makipagbalikan sa kanya. Madalas ito sa opisina niya at niyayaya siya kung saan saan para lamang makasama siya. Palagi rin nitong sinasabi ang mga pagkakamali niya noon sa relasyon nila na hanggang ngayon ay pinagsisihan niya. Alam naman niya sa sarili niya na espesyal pa rin si Ziara sa kanya ngunit hindi na kagaya ng dati. Espesyal ito dahil sa naging parte ito ng buhay niya at minahal nya rin ito ng sobra. Iba na ang nagmamay-ari ng puso niya ngayon.

Gusto niya ng maging masaya, gusto na niyang ipadama kay Laine ang pagmamahal niya na matagal na niyang pinigilan. Nasobrahan yata siya sa pagpapakipot. Nuong una naman talaga ay hindi siya naniniwala sa dalaga na gusto siya nito, pakiramdam niya ay pinagtitripan lang siya nito dahil galing ito sa amerika ay alam niyang liberated ito tapos narinig pa niyang challenge siya para sa dalaga kaya kung anuman ang puwede niyang maramdaman para rito ay pinigilan niya. Ngunit nang matapos ang gabi na iyon alam niyang siya na ang babaeng gusto niya makasama habang buhay. Confirmed, mahal nga siya nito dahil sa kanya nito ibinigay ang kanyang v-card. Pero pagkatapos ng gabi na iyon, nagbago na ang lahat. Lumayo na ang dalaga sa kanya. May kasunduan sila na hindi na siya nito gagambalain pa pero di niya iyon sineryeso.

Lalo itong nagbago nang dumating si Harold, ang ex-boyfriend nito. Palayu ito ng palayo sa kanya ngunit pag hinahalikan niya ito ay ramdam naman niya na gusto pa rin siya nito ngunit pagkatapos ng maiinit nilang pinagsaluhan ay malamig na naman ang trato sa kanya ng dalaga, lust na lang kaya ang nararamdaman nito sa kanya. Na-realized na kaya nito na mahal pa rin nito si Harold. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa nangyayari sa kanila pero sa ngayon, kahit di na siya mahal o si Harold man ang mahal nito ay ipapakita niya kung gaano niya kamahal ang dalaga at pipilitin niya na makalimutan nito si Harold sa kahit na anong paraan.

Kinabukasan, pinuntahan niya ang dalaga. Nagdala siya ng kakainin nila. Nasasaktan siya sa nakikita niya na kalungkutan dito. Kaya tuloy nagsigarilyo siya dahil sa stress na nararamdaman niya. Niyaya niya itong umalis sa weekend na yun, balak niyang dalhin ito sa resthouse nila sa Tagaytay.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon