Chapter 8

92.9K 705 15
                                    

Chapter 8

Laine’s POV

Umaga na nang nagising si Laine, nagulat siya ng biglang may pumasok sa kuwarto niyang may dalang tray, amoy na amoy ang noodles na niluto nito. Titig na titig siya sa pumasok na lalaki, iniisip niya kung siya ba ay nananaginip lamang. Sabi ni Gerald sa kanya, “Kainin mo itong noodles, sensya na ito lang ang alam kong lutuin”. Lumapit at umupo ito sa kama niya. Akmang susubuan siya nito ngunit sinabi niyang “Ako na lang, kaya ko na”.

Habang hinihigop niya ang sabaw ng noodles ay pinapanood siya ng lalaki. Bigla siyang na-concious at napansin niyang iba na ang kanyang damit. “I—kaw ba ang nagpalit ng damit ko?” nahihiyang tanong niya rito.

“Who else? Don’t worry, I did not take advantage of your weakness besides, I saw bodies far more beautiful than yours and YOU ARE NOT MY TYPE,” masungit na komento nito.

Biglang tumaas ang dugo niya sa sinabi ng lalaki, naisip niya na nakita na nito ang lahat sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya rito.

Alam naman niyang hindi siya pangit, katunayan nga ay maganda siya. Hindi siya mananalo bilang Miss Senior High sa kanyang pinapasukang eskwelahan nung high school sa Amerika kung di siya maganda at sexy. Marami ang nagkakagusto sa kanya, Pinoy man o banyaga. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit nawawala ang self-confidence na iyon kapag kaharap na niya si Gerald.

Nang makakain na siya ay nagpaalam na ang binata sa kanya. “Since you are okay now, I can leave you already,” sabi nito. “And napag-utusan lang ako kaya kita pinuntahan, they threatened me na magagalit sila sa akin kapag may nangyaring masama sayo. I don’t want them to get mad at me only because of you” dagdag pa nito bago tuluyang umalis.

Naiwan siyang nakatulala. Akala pa naman niya ay concerned ito sa kanya, tinakot lang pala ang lalaki kaya siya pinuntahan.

Gerald’s POV

Tumunog na naman ang cellphone niya, binasa niya ang message. As usual galing na naman ang messages sa makulit na babaeng yon. Pagkatapos niya itong alagaan nung nakaraang linggo ay araw araw naman na siya nitong kinukulit sa pamamagitan ng pagtetext at pagtawag. Kung di niya sinasagot ang call nito ay sa text naman siya kukulitin. Araw-araw siyang binabati nito tuwing umaga, tinatanong kung nagbreakfast na siya, nagmeryenda, nag-lunch, nagdinner, pag gabi na, tinatanong siya ng how was your day at goodnight.  Paminsan minsan ay hinahatiran pa siya ng meryenda ng dalaga at sabay nila itong kinakain kahit na ayaw niya ay nagpupumilit pa rin ito. Naiirita siya sa style na ito ng dalaga.

Sabihin niya kayang may girlfriend na siya kahit wala pa naman dahil sa totoo lang, as of the moment ayaw niya talaga ng commitment. He enjoys his freedom and his singleness, no commitment, no responsibilities. Tama na yung minsan siyang nagseryoso sa larangan ng pag-ibig. May nabuo siyang plano para itigil na nito ang pangungulit sa kanya.

May usapan ang grupo nila na magdidinner sa isang restaurant sa Makati, alam niyang pupunta rin doon si Laine dahil na rin sa pagre-remind nito sa kanya kaya nagsama siya ng babae na pagkakamalang girlfriend niya.  Pagdating nila sa restaurant, nakita niya agad si Laine, inalalayan niya ang kasama niyang babae habang papalapit sila sa mesa. Natatawa siya sa itsura ni Laine, talagang titig na titig ito sa kasama niya babae. Ipinakilala niya ang babae sa kanila at pinagsisilbihan niya ito habang kumakain. Matalim ang mga tingin ni Laine sa kanilang dalawa. Halatang galit ito. Halatang nagseselos. Ngunit hindi rin pinapansin ng mga kaibigan niya ang kasama niyang babae kahit na nagkukuwento ito, halatang nakikisimpatiya ang mga ito kay Laine. Para tuloy may kasalanan niyang ginawa sa pagtitig nila ng masama sa kanya at sa babaeng kasama niya. Nairita na naman siya kay Laine.

Nang uwian na, nagsalita si Toni, isa sa kaibigan niyang babae “Gerald, isabay mo na si Laine, she doesn’t have a car, coding you know”.

Okay lang ba itong si Toni, may kasama siyang iba tapos pasasabayin pa rin sa kanya si Laine. Bago pa siya makahindi ay tinanong nito si Vivenne, ang babaeng kasama niya, “Hey girl, san ka ihahatid ni Gerald?” sumagot naman ito. “Ayun naman pala Gerald eh, on the way ang paghahatiran mo kay Vivienne…” di na niya pinatapos si Toni sa sinasabi nito, “Okay, okay, isasabay ko na si Laine” sabi na lang niya dahil alam naman niyang di papayag ang mga ito na magtaxi na lamang si Laine.

Sabay-sabay na silang lumabas ng restaurant. Nakasunod naman sa kanila si Laine papunta sa parking lot. “Sit at the back” utos niya kay Laine ng marating nila ang kinaroroonan ng kotse at sumunod naman ito.

Habang sila ay nagbibiyahe, si Vivienne ang kuwento ng kuwento tungkol sa sarili niya at nang bababa na ito ng kotse, “I enjoyed dinner kaya lang mas enjoy sana kung walang istorbo” pasimangot na sabi nito.  “Yeah, next time, promise you will enjoy” nakangiting sabi niya kay Vivienne.

Hindi tumitinag si Laine kahit na nakababa na ang babae kaya “Oy, di mo ko driver kaya lumipat ka na dito” utos siya kay Laine. “Sabi mo kanina sit at the back, saka malay ko kung gusto mong mag isa lang jan” reklamo nito habang lumilipat sa passenger’s seat.

Wala silang kibuan hanggang sa marating nila ang condo ng dalaga. Bago ito bumaba ng kotse ay nagsalita ito, “Kung gusto mo akong pagselosin, well, you succeeded pero mind you, di ako patatalo sa isang babaeng mukang bakla sa kapal ng make up!” sabay bagsak sa pinto ng kotse niya.

Ngunit di pa ito nakuntento, binuksan ulit nito ang pinto at painsultong sinabi, “Gerald, I didn’t know you have a very, very poor taste kaya pala...”

Di niya napigilan mapangiti sa inasal ng dalaga, alam niyang kanina pa ito nagtitimpi kaya lang mukang walang epekto dito ang plano niya, mas lalo pa itong yata itong na challenge sa kanya. Naalala pa niya ang narinig niyang usapan nito at ni Bianca na lalong nagpa turn-off sa kanya…  “Girl, inisnob ni Attorney ang beauty mo”.

“okay lang Girl, I like challenge, in fact, I love challenge kaya humanda siya, sooner or later siya na ang hahabol sa akin na parang puppy”, sagot naman ni Laine.

“Tingnan natin kung sino ang susuko, you like challenge, I’ll give you one pero I’ll make sure matatalo ka” sabi niya sa sarili.  

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon