Chapter 37

71.8K 661 9
                                    

Chapter 37

Gerald’s POV

Pagkatapos ng hearing niya kinabukasan, tinawagan niya agad si Ziara to clear things between them. Ayaw niyang umasa pa ang dalaga na magkakabalikan pa sila. Nagkita sila sa isang restaurant sa Makati.

Late ang dalaga ng 30 minutes sa usapan nilang 7 pm na magkikita. Pagdating nito ay agad siyang nilapitan at humalik sa kanyang mga labi, “Hello, sensiya na late ako. Galing pa kasi ako ng Bulacan, nagtaping kami don. Minadali ko nga eh, nagdahilan na nga ako na masakit ang ulo ko para lang mapack up na. Nainip ka ba? O nagugutom ka na?”

“I’m okay. Umorder na tayo”, sabi niya sa dalaga.

Habang kumakain sila ay kuwento ng kuwento ang dalaga. Palagi din nitong binabanggit na masaya siya dahil magkasama sila.

Laine’s POV

Maganda ang gising niya kinabukasan, inspired siya ika nga. Kung pagbabasihan ang nangyari sa kanila sa Tagaytay ay parang gusto niyang umasa na may feelings na rin sa kanya ang lalake. Ayaw man niyang umasa ay naghihintay pa rin siya ng tawag mula sa binata kaya lang alas 5 na ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag o text man lang mula sa lalaki. Nagpalipas pa rin siya ng oras sa office. Bandang alas 7 na ay parang ayaw pa niyang umuwi kaya naman nagpunta na lang siya ng mall para magpalipas pa uli ng oras. Nang mapadaan siya sa isang Japanese restaurant ay bigla siyang lumiko, naisipan niyang doon na lamang magdinner. Nang magpark siya ay natabi siya sa isang kotseng pamilyar sa kanya, kay Gerald iyon. Luminga-linga siya sa paligid, alam niyang naroroon lamang ito. Naglakad-lakad siya, tumitingin-tingin siya sa mga restaurants doon. Bingo! Nakita niya ito mula sa labas ng isang Italian restaurant na kumakain. Sumikip ang dibdib niya nang Makita niya kung sino ang kasabay nitong kumakain, si Ziara, nagtatawanan pa ang mga ito. Ang sama-sama ng loob niya sa binata. Akala pa naman niya ay may magandang namamaditan na sa kanila, umasa lang pala siya. Sa sobrang sama ng loob niya ay gusto niyang makalimot. Pumasok siya sa isang bar doon. Naramdaman niyang pinagtitinginan siya dahil nag-iisa lamang siyang pumasok sa ganoong lugar. Um-order siya ng beer. Dahil hindi naman siya sanay uminom ay madali siyang tinamaan ng pagkalasing. Para siyang tanga na umiiyak habang umiinom ng beer. Naalala niyang tawagan si Vianca, sinabi niya kung nasaan siya. Agad naman siyang pinuntahan ng kaibigan niya.

Halatang lasing na siya. Nilalapitan na siya ng mga lalaki sa loob ng bar, ang akala ay naghahanap siya ng ka one-night stand. Pag lumapit na ang mga ito ay dinederetsa niyang gusto niyang mapag-isa. Pero may makukulit na ayaw siyang tantanan, mabuti na lamang ang dumating na si Vianca.

Vianca’s POV

Bandang alas 8:30 ng gabi nang makatanggap siya ng tawag mula kay Laine. Parang lasing ito base sa pagsasalita nito kaya naman pinuntahan niya ito agad sa sinabi nitong lugar. Pagdating niya sa bar ay nakita niya agad ito. May mga lalaking nangungulit ditto kaya dali-dali siyang lumapit dito.

“Leave her alone, may problema siya, hindi kayo ang solusyon!”, ang sabi niya sa mga lalaking nakapaligid kay Laine. Mabuti naman at umalis na ang mga ito dahil kung hindi pa ay isusumbong na niya ang mga ito sa management.

“Laine, what happened?! Bakit ka naglalasing?!” histerikal na tanong niya.

“I gave him everything! Pero wala pa rin, ang hirap naman niyang abutin!....Akala ko okay na kami, kahapon lang kami ang magkasama ngayon….iba na ang kasama niya, f—ck him!”  saka ito uminom ng alak. 6 na basyong boteng beer na ang nasa harap nito bukod pa sa iniinom nito. Hindi ito sanay uminom, ngayon lamang niya itong nakitang naglasing.

“Hey, sino ba ang sinasabi mo?...Oh my! Ano ginawa sayo ni Gerald?!” tanong niya.

“Hayun, pinaasa lang naman niya ako!” sagot nito.

“Hayup talaga ang lalaking yon! Buntis ka ba?!” tanong niya.

“Of course not! Pero sana nga buntis na lang ako..” bigla naman itong nalungkot.

“eh ano nga ang problema?!”

Tumulo na ang luha nito habang ikinuwento nito ang masayang nangyari sa kanila ni Gerald sa Tagaytay at nang Makita niya ito kasama si Ziara. Naaawa siya sa kaibigan, talagang mahal nito ang lalaki. Hinayaan lang niya ang kaibigan na ibuhos ang sama ng loob. Tinawagan niya si Gerald para sunduin si Laine sa bar na iyon. Si Gerald ang may kasalanan kung bakit nagkakaganon ang kaibigan niya kaya dapat lang na siya ang mag-alaga sa kaibigan niya. Dumating naman agad ang lalaki, binuhat na niya si Laine dahil nakatulog na itong nakadukdok sa mesa.

“Ano ba ang nangyari at naglasing siya?” tanong ni Gerald sa kanya. “Tanungin pa ba, basta Bahala ka na sa kanya, tutal ikaw naman ang may kasalanan kaya naglasing yan”, sabi niya kay Gerald.

“Bakit ako? Okay naman kaming naghiwalay kahapon”, sagot nito.

“Kahapon okay kayo, eh ngayon?... basta bahala ka na sa kanya. Alis na ako. Eto susi ng kotse niya”, tiniyak muna niyang nakasakay na ang kaibigan niya sa kotse bago siya ito iniwanan.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon