Chapter 11
Laine’s POV
Habang siya ay pauwi, naisip niya ang ginawa niyang paghalik sa lalaki. Nagulat din siya sa ginawa niya pero di siya nagsisisi. Napansin niya sa sarili na nagging agresibo naman na yata siya pagdating kay Gerald. Masakit sa kanya ang harapang pagtanggi sa kanya ng lalaki. Tinitiis niya iyon at nagkukunwaring di siya apektado sa mga sinasabi nito pero sa totoo lang bawat masasakit na sinasabi nito ay dumudurog sa kanyang puso.
“Ma’m, eto na po yung invitation para sa anniversary ball ng company”, sabi ng sekretarya niya. “Thank you, Beth”, pasalamat niya.
Oo nga pala, this coming Friday na iyon, di pa niya nasasabi kay Gerald, naisip niya. Nag-iisip siya kung paano niya maisasama ang lalaki, alam niyang tatanggi ito. Naisip na lang niyang puntahan ito sa office nito.
Saktong papalabas ito ng building ng makita niya ang binata.
“Atty. Sanders!” tawag niya dito. Lumingon naman ito sa gawi niya ngunit biglang sumimangot nang makita siya.
“Can we talk? Sandali lang”, pakiusap niya sa lalaki.
Bumuntung-hininga ito at nagsalita,“What about? I am just having a break, babalik pa ako sa office, so please don’t waste my time.”
“Don’t worry sandali lang naman, pero let’s talk it over a cup of coffee naman. Promise, it won’t take long” pakiusap niya.
Habang umiinom sila ng kape ay sinimulan na niya ang sasabihin, “On Friday night, our company will hold its annual ball, can you be my date?”
“No”, maikling sagot nito.
“Gerald naman,pagbigyan mo na ako, promise you will enjoy”, kumbinsi niya sa binata.
“O sige, give me a good deal. What will I get kung sasama ako sa’yo?” tanong nito sa kanya.
“Clients, lots of clients”, yun ang naisip niya.
“Clients, I have more than enough. I have something in mind, listen to this'.…can I have a month of freedom from you?” tanong ng lalaki.
“What do you mean?”
“Freedom from you means no texts, no phonecalls, no visits, no you” paliwanag nito.
Muntik na siyang maiyak sa gusto nitong kapalit, talagang pinamumukha nito sa kanya na ayaw siya ng lalaki. Pero nagkunwari siyang deadma sa ibig sabihin nito at sinakyan na lamang ang suhestiyon nito, “Okay, how long?”
“1 month”, sabi ni Gerald
“1 day”, sabi niya.
“2 weeks”, si Gerald.
“2 days”, siya naman.
“Last na ito, take it or leave it, 1 week”, sabi ng lalaki.
“Call”, sabi naman niya ngunit tanong niya sa sarili niya kayanin kaya niya?
“Okay, I’ll see you on Friday. I’ll pick you up at 7 sharp”, tumayo na ang lalaki at umalis.
Nang nakalayo na ito ay di niya napigilan ang maluha, na realize niya talagang ayaw siya ng lalaki ngunit di pa rin siya susuko sabi niya sa sarili niya.
Friday, 7:00 p.m….tumunog ang doorbell niya, alam niyang si Gerald na iyon. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Naka red siya gown, nakahapit sa katawan ang yari nito kaya naman kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya, inilugay lang niya ang kanyang brown at tuwid na buhok. Nag-apply siya ng manipis lang na make-up, alam niyang di niya kailangan ang makapal na make up dahil may angking ganda siya na di kailangang takpan pa. Kinuha niya ang kanyang bag at tinungo na ang pinto. Pagbukas niya ay biglang humarap sa kanya si Gerald na naka amerikana, talaga namang napakaguwapo nito. Parang nagulat naman ito pagkakita sa kanya.
“Shall we go?” tanong ni Gerald.
“yes, let’s go”, sagot niya.
Pagdating nila sa hotel kung saan ang venue ng party ay ramdam niyang pinagtitinginan sila, ang guwapo naman kasi ng date niya. Ipinakilala niya sa mga kaopisina niya si Gerald. Bumulong naman sa kanya ang isa at sinabing “Ma’m, bagay na bagay kayo ni Atty. Sanders”. Napangiti naman siya sa sinabi nito.
Halos buong gabi ay di sila nakapag-usap ni Gerald. Kung hindi ito ang may kausap ay siya naman. Iba’t-ibang babae rin ang isinasayaw nito. Siya man ay iba’t iba rin ang nakapareha. Kahit ayaw niyang sumayaw ay napipilitan siya dahil ang iba ay makukulit tulad na lamang nitong si Harold, isa ring mataas ang posisyon sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Habang sila ay nagsasayaw ay madalas ilapit nito ang mukha sa kanya dahil di marinig nito ang sagot niya sa mga tanong nito dahil sa lakas ng tugtog. “Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang babae rito?” bulong nito sa kanya.
Kaparehas din ang sinabi nito sa mga sinabi ng iba niyang nakasayaw. Walang epekto sa kanya ang papuri nito, kung si Gerald ba naman ang magsasabi ng ganoon ay baka napalundag siya sa tuwa kaso di man lang siya pinapansin nito.
Di siya nakatiis, alam niyang malapit ng matapos ang party kaya lumapit na siya kay Gerald at binulungan ito “Sayaw naman tayo, malapit ng matapos ang party”.
Parang nairita na naman ito sa kanya, “Kanina ka pa sumasayaw, di ka ba napapagod?”
“Hindi pa tayo nakapagsayaw eh. Pag di mo ko sinayaw, di ako tutupad sa deal natin”, pananakot niya rito.
Gerald’s POV
Dahil sa sinabi nito ay hinila niya agad ito papunta sa dance floor. Biglang namang nag-iba ang tugtog. Bagay na bagay sa babaeng kasayaw niya ngayon. Nagdikit ang kanilang katawan. Amuy na amoy niya ang mabangong hininga nito na pa parang nakakalasing. Sa unamg pagkakataon ay hinayaan niya ang kanyang sarili na namnamin ang yakap sa kanya ng dalaga. ( Lady in Red po ang music )
Lyrics of Lady in Red
I've never seen you looking so lovely as you did tonight,
I've never seen you shine so bright,
I've never seen so many men ask you if you wanted to dance,
They're looking for a little romance, given half a chance,
And I have never seen that dress you're wearing,
Or the highlights in your hair that catch your eyes,
I have been blind;
The lady in red is dancing with me, cheek to cheek,
There's nobody here, it's just you and me,
It's where I want to be,
But I hardly know this beauty by my side,
I'll never forget the way you look tonight;
I've never seen you looking so gorgeous as you did tonight,
I've never seen you shine so bright, you were amazing,
I've never seen so many people want to be there by your side,
And when you turned to me and smiled, it took my breath away,
And I have never had such a feeling,
Such a feeling of complete and utter love, as I do tonight;
The lady in red is dancing with me, cheek to cheek,
There's nobody here, it's just you and me,
It's where I want to be,
But I hardly know this beauty by my side,
I'll never forget the way you look tonight;
I never will forget the way you look tonight.
The lady in red, the lady in red,
The lady in red, my lady in red,Kaninang lumabas ito ng condo ay talagang namangha siya sa kagandahan nito. Bumagay ang suot nitong pulang gown. Sa party naman ay napansin niyang napakaraming gusto itong maisayaw. Wala siyang balak isayaw ito dahil baka akalain nito na may gusto na siya dito. Mabuti na lamang at hindi ito nakatiis, niyaya siyang magsayaw. Pagkatapos ng tugtog ay tuloy tuloy na silang lumabas ng venue. Nang marating nila ang condo nito ay inihatid naman niya sa unit ang dalaga. Wala silang kibuan kanina pa. Kinuha niya ang susi at siya ang nagbukas ng pinto nito. Bago pumasok ito ay nagsalita naman, “Salamat sa pagpayag mong umatend sa party pero I need strength for 1 week na di tayo magkikita” at bigla siya nitong hinalikan sa labi. Nung una ay nagulat siya ngunit nilaliman ng babae ang paghalik sa kanya at hindi na niya kaya itong tanggihan pa. Niyakap na niya ito at ito naman ay pinalupot na ang braso sa kanyang leeg. Nang huminto sila ay parehas silang naghahabol ng hininga. “I should be going” paalam na niya sa babae dahil kung hindi ay iba na ang mangyayari.
Natangay siya sa halik na iyon. Ayaw man niyang aminin ay mukhang unti unti na siyang nahuhumaling sa babaeng yon. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Di siya patatalo dito, ipapakita niya kay Laine na di mangyayari na darating ang araw na siya naman ang hahabol sa babae.
Please vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Forever....Tonight (Published by LIB)
RomanceAno nga ba ang puwedeng gawin makuha lamang ang pagmamahal ng isang taong matagal mo ng itinatangi? Ito ang problema ni Laine. Minahal na niya si Gerald kahit hindi pa man lang siya nito nakikilala. Pagkaraan ng 12 taon, heto siya nagbabakasakalin...