Chapter 38

3.8K 65 0
                                    


Chapter 38

Gerald's POV

Habang kumakain sila ng dinner ni Ziara ay nagkukuwento ito, tumatawa naman siya kapag nakakatawa ang ikinukuwento nito pero nag-iisip siya kung paano niya uumpisahan kausapin ito tungkol sa kanilang dalawa. Nang matapos silang kumain ay tinanong niya ito, "Kasama mo ba ang driver mo?"

"Wala akong kasama, nagpahatid lang ako dito. Siyempre ihahatid mo ko di ba" sagot nito.

"Of course. Halika na, alam kong pagod ka", sabi niya.

Pagsakay nila sa kotse ay hindi niya ito pinaandar agad. Inumpisahan niyang buksan ang topic tungkol sa kanila.

"What do you think of me right now? Do I look happy?" tanong niya sa dalaga.

Tinitigan siya ng dalaga, tiningnan din niya ito sa mga mata.

"Yes, I think you are", sagot nito. "Yeah, I'm very happy now, 'coz I already found her", sabi niya kay Ziara.

"Who is she?", malungkot ang mga mata nitong nagtatanong.

"You know her, I know you will be happy for me, di ba?" sabi niya sa dalaga.

Tumulo na ang mga luha nito, "Sabi mo hihintayin mo ako, don't you remember your words nung maghiwalay tayo... eto na ako ngayon, kaya kong iwanan ang career ko just to be with you".

"Ziara, I know I said that kaya lang may mga nagbago na magmula noon.......There is this girl who let my heart beat again. I do not want to lose the chance to be happy....with her", paliwanag niya sa dalaga.

Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ng dalaga. Nasasaktan siya para sa dalaga ngunit di niya kayang pilitin pa ang sarili. Binigay niya lahat ng pagmamahal niya sa dalaga nuong sila pa ang magkasintahan ngunit di pa siya kayang ipaglaban nito noon. Ngayon naman na natagpuan na niya ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay ay di na niya hahayaang mawala pa ito. Alam niya na masakit ang nararamdaman ni Ziara, naramdaman niya na rin ang ganoong klaseng sakit nung ipagpalit siya nito sa career ng dalaga.

"Si Laine ba?" tanong nito habang tumutulo ang luha.

"OO, siya nga", pag-amin niya.

"Ayaw kong makitang nasasaktan ka kaya naman it's better na malaman mo ang totoo", sabi niya.

"Sa palagay mo hindi ako nasasaktan ngayon na sinabi mo na may iba ka ng mahal? Ganon ba yon Gerald?!", si Ziara.

"Hindi kita ipinagpalit sa ibang lalaki noon Gerald, eh ikaw, ipinagpalit mo ako sa ibang babae!", sigaw nito sa kanya.

"Wait, hindi kita ipinagpalit dahil hindi naman tayo. Sinabi ko ito sa'yo ngayon to be fair with you dahil ayokong mag expect ka na magiging tayo pa rin pero kung tutuusin hindi ako dapat mag explain dahil matagal na tayong walang relasyon, hindi ba?" paliwanag niya.

"I said my piece, ihahatid na kita", sabi niya.

"Do you think you can easily get rid of me? Di mo ko kilala Gerald!" pananakot nito sa kanya.

"When you broke up with me, I accepted it kahit ayaw ko. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo? You don't know...halos huminto ang mundo ko, di ko nga alam kung paano pa ako nabuhay nung mga panahon na 'yon. Pumayag akong makipag hiwalay sa'yo dahil ganoon kita kamahal. Kaya kong isakripisyo ang pagmamahal ko sayo para lang sa ikakasaya mo....ngayon, isn't it unfair ngayong nakita ko na makapagpapasaya sa akin ay hindi ka naman masaya para sa akin? Don't you think you are being selfish now?" gusto na rin niyang magalit sa dalaga. Pinaandar na niya ang kotse niya, ihahatid na niya ang dalaga. Wala silang kibuan habang nasa daan.

Pagdating kila Ziara, "we're here. Call the guard to open the gate", utos niya rito na sinunod naman ng dalaga.

Bago ito bumaba ng kotse, "I guess this is goodbye, Ziara, you will always be special to me... I just hope you find the right man for you and when that time comes, I'll be very happy", saka niya ito hinalikan sa noo. Mabigat ang loob niyang pinaandar ang kotse niya, hindi muna siya umalis habang hindi pa nakapasok ang dalaga.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon