Chapter 23

4.8K 89 2
                                    


Chapter 23

Gerald's POV

Nagising siya sa tili ni Laine. Nagulat ito ng makita siya. Hindi niya pinansin ang mga tanong nito. Interesado siya kung san ito galing. Nainis siya nang malaman niyang inihatid nito ang ungas na 'yon. Sinundan niya ang dalaga nung tinungo nito ang kusina. Nang inalok siya ng tubig na iniinom nito ay kinuha niya iyon at ininom. Nahalata niyang nagulat ito sa ginawa niya. Di niya mapigilan ang sarili na lumakas ang boses kapag nagtatanong sa dalaga. Naiinis kasi siya sa nangyayari. At lalo siyang nainis ng aminin nito na masaya siya dahil nagkita sila. Hindi niya pinigil ang sariling halikan ang dalaga. Gusto niyang ipaalala dito sa pamamagitan ng halik ang pinagsaluhan nila sa Hongkong. Naputol ito nang tumawag si Ziara, naaksidente raw ang sinasakyan ng dalaga kaya naman kinailangan niyang puntahan ito.

Laine's POV

Kinabukasan, gabi na silang nagkita ni Harold. Nagdinner sila sa isang Italian restaurant at pagkatapos kumain ay inihatid na niya ang lalaki sa hotelsuite nito. Pinapasok siya nito, sumunod naman siya. Umupo siya sa may terrace, sumunod naman ang lalaki na may dalang red wine.

"hey, penny for your thoughts" sabi nito sa kanya.

"huh", nagulat siya at nasa tabi na pala niya ito. Inabot niya ang ibinibigay nitong basong may lamang red wine.

"I'll be honest with you. I come here because of you. After you, there's still no one else. I still love you", sabi ni Harold sa kanya.

Nakatulala siya.

"Am I late already? Is there someone else" tanong nito sa kanya.

Tiningnan lang niya sa mga mata ang lalaki.

"I get it, there's someone else", malungkot na sabi nito.

"Is he the guy who left early last night?" tanong nito.

"How did you know?", tanong niya.

"I noticed the way he looked at you and the way he looked at me. He looked at me as if he wanted to kill me. And you, on the other hand, cannot look at him. His eyes never left you", kuwento nito sa kanya.

"No, you're wrong. It's only me", malungkot niyang sinabi dito.

"I don't think so. Judging from the way he looked at you last night, he loves you".

"How I wish it's true......I'm sorry Harold", sabi niya.

"Nah, it's okay, that's life. I just want you to know that I'm always here for you." Sabi pa nito sa kanya.

Niyakap siya ng lalaki ng mahigpit. "I'll be leaving tomorrow night. But I'll be back. I'll see you again, can I?"

"Of course. Call me when you get back and I'll show you how beautiful is the Philippines", hinalikan niya ang lalaki sa pisngi.

******************************************

Alas 5:00 ng hapon, nagring ang cellphone niya. Si Gerald.

"Hello, why?" tanong niya.

"Be ready at 5:30, I'll pick you up", utos nito sa kanya.

Di pa siya nakakapag react, wala na ito sa linya. Kainis talaga ito.

Dumating nga ito ng 5:30, "Let's go", yaya nito sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta kasi?" tanong niya.

"Let's watch movie. I'm stressed", sabi nito.

"Ayoko", tanggi niya.

"What?"

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon