Chapter 12

5K 106 0
                                    

Chapter 12

Laine's POV

Saturday, Sunday, Monday, Tuesday.....Para siyang mababaliw sa lungkot. Di naman niya mayayaya si Biancang mamasyal dahil busy naman ito sa paghahanda para sa 60th birthday ng mama nito kaya nagdecide na lang siyang mamasyal mag-isa. Sa Greenbelt siya napunta. Nang madaan siya sa isang restaurant ay may nahagip ang mga mata niya. Tiningnan niyang mabuti, di siya maaring magkamali, si Gerald nga. May kaharap itong isang magandang babae, nakilala niya iyon kahit na sa picture niya lang ito nakita. Ang babae ay si Ziara Cheng, ang ex-girlfriend ni Gerald. Kitang-kita niya sa mukha ng lalaki na napakasaya nito habang nakikipag-usap sa kaharap. Hindi niya alam kung gaano katagal na niyang pinagmamasdan ang dalawa. Nakita niyang palabas na ang mga ito at huli na para umiwas siya. Nagkasalubong sila, nagtama ang mga mata nila ni Gerald ngunit para bang di siya nito nakita o kaya naman ay di siya kilala. Hinabol na lamang niya ng tingin ang dalawa. Naalala niya na malapit na ang birthday ni Gerald, sa Friday na nga pala yon kaya naghanap na lamang siya ng ireregalo niya rito.

Friday, 5 p.m. Nag-ring ang cellphone niya, si Suzanah, "Hello", bati niya. "Girl, sino ang kasabay mong pupunta sa birthday party ni Gerald?" tanong nito sa kanya.

Kanina pa nga niya iniisip kung paano niya maibibigay ang regalo niya kay Gerald hindi pa naman niya ito pwedeng kausapin. Nagtatakang tinanong niya si Suzanah, "Kailan ba?"

"Tonight, 7 PM sa restobar ni Alvin, di ka ba nakareceive ng text? Anyway, sa akin ka na lang sumabay, wala akong kasamang pupunta, I'll pick you up at 6:30, san pala?" tanong din nito sa kanya.

"Okay, thanks, dito na lang sa office, just text me pag malapit ka na", sagot niya rito.

Kaya siguro siya di tinext ni Gerald dahil di pa naman tapos ang 1 week na deal nila. Di naman siguro ito magagalit kung makikita siya sa party nito.

Kinakabahan siya habang papasok sila sa restobar at mas lalo siyang kinabahan ng makita niya si Gerald na nakatingin sa gawi nila at nakakunot noo pa ito. Lumapit ito sa kanila, tumabi pa nga sa kanya. "Happy birthday!" nakisabay na rin siya sa pagbati ng mga kasma niya.

Nagulat siya ng inilapit ni Gerald ang bibig nito sa tenga niya at sinabing,"I don't remember inviting you", malamig na sabi nito sa kanya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya, "Di naman ako magtatagal, gusto lang kitang mabati at ibigay ang regalo ko sa'yo" depensa niya. Mabuti na lamang at medyo madilim kung hindi ay makikitang namumuo na ang luha niya.

Bumulong ulit ito sa kanya at sinabing "Nandito ka naman na, panindigan mo na ang pagiging gatecrasher mo".

Naupo ang grupo nila sa isang table. Nang makita niyang nagpunta na sa ibang table si Gerald ay nagdahilan siya sa mga kaibigan nila na lalabas lamang siya sandali. Nang papalabas na siya ay nagulat na lamang siya ng biglang may humila sa kamay niya, si Gerald. "Going somewhere?" tanong nito. "May pupuntahan lang ako sa labas" dahilan na lamang niya.

"You are not going anywhere, Laine, as I said, panindigan mo ang pagiging gatecrasher mo".

Hawak-hawak pa din siya ng lalaki sa kamay na tila ba ayaw siyang pakawalan nito, kung sana ay ganon nga kaya lang ang katotohanan naman ay pagapaparusa ang hawak na iyon.

Ibinalik siya ng lalaki sa upuan. Wala na siyang nagawa. Kumain na lamang siya at nakinig sa kumakantang banda.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon